SouthG. 1: Surprise

11 0 0
                                    

#SouthGchap1. SURPRISE

TRICIA (Her Friend) POV

"ANGELICA, jhuvelyn, tricia, elleana!" Napunta ang atensyon ko kay Rica, kaklase ko, nasa may pintuan siya nang tinawag niya kami. Kararating niya lamang.

Hawak niya pa ang kanyang cellphone. Iwinagayway niya pa ito sa amin animong may pinapahiwatig na balita. Good or bad news? Don't know. Base kasi sa mukha niya parang good na mukang bad na ewan? Eh kasi parang... may binabalak siya... na hindi matukoy kung ano. Misteryoso eh.

"ANO?!" sabay na sabi nina Elleana at Angelica.

Nagkatinginan sila at natawa. Baliw lang.

Tinanggal ni Rica ang kanyang bag at hinagis ito sa kanyang upuan na nagpabulabog sa magandang pagtulog ni Hesosa. Sinamaan siya ng tingin.

"Tangina mo, mae!" tinaas pa nito ang kanyang middle finger at bumalik sa pagkaka-idlip.

Tumawa na lamang si Rica at hindi na pinansin ang sinabi ni Hesosa. Naglakad ito sa kinaroroonan namin, hawak pa rin ang kanyang telepono. Nakangiti siya base sa kanyang mga mata.

May magandang balita ang bakla.

"Alam ko na ang regalo ko kay Hesosa," mahina niyang wika animong ayaw niyang iparinig ang kanyang magiging regalo.

Ah, I know na kung ano ang kanyang regalo sa kaibigan namin. Hindi bagay kundi tao. Yes, tao. Tiyak akong magugustuhan iyon ng birthday girl.

Pagkapasok ko pa lang kasi sa room ay hindi ko siya nabati kaagad kaya sinungitan niya ako pero kalaunan rin ay balik na sa dati ang kanyang itsura. Nalimutan ko kasi kaya ayun. Medyo malungkot rin siya dahil nga raw ay hindi siya binati ng kanyang pamilya. Kwento niya sa 'kin kanina na, "Buti ka pa binati ako. Pagkagising ko sa bahay hindi nila ako binati kaya nagtatampo ako sa kanila. Kahit na 'yong kapatid ko hindi rin ako binati! Naknampucha. Hmp!"

Ayun ang naging usapan namin hanggang sa nagsidatingan na sila.

"Si Ash?" tanong iyon ni Angelica.

Tumango kaagad si Rica. "Chinat ko siya kagabi na kung pwedeng batiin niya si Hesosa sa personal at picturan na rin silang dalawa. Sabi niya... eto," pinakita niya sa amin ang chat nila Abo.

Conversation of
Rica & Ashley

Then, "Magbebenta tayo ng ballpen sa kanila

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Then, "Magbebenta tayo ng ballpen sa kanila. Kunwari lang tapos isasama natin si Sosa. Ano, g?" she said.

Nagkatinginan muna kaming apat bago tumango bilang sang-ayon.

South GabaldonWhere stories live. Discover now