SouthG. 2: Add Friend

2 0 0
                                    

#SouthGchap.2 ADD FRIEND

HESOSA'S POV

NAGLALAKAD ako ngayon sa FVR building. It's 6 a.m in the morning. Maaga akong pumapasok dahil ako ang tagabukas ng room namin. Nasa akin kasi ang susi, that's why. As usual, ako nanaman mag-isa. 'Yong mga kaibigan ko hindi sila maagang pumapasok. Ako kasi sanay ng pumasok ng maaga. Nakasanayan ko na.

Sana'y na 'kong mapag-isa.

But, anyway, okay lang naman dahil tahimik ang buhay ko. Ayoko sa mga maiingay (maingay rin ako hehe~) but true enough ayoko lang sa mga nagbibirit, talak ng talak, at kung ano pa nakakarinding pakinggan.

Nandito na ako sa tapat ng room namin. Tinanggal ko ang susi na may holder ('yong sinasabit sa i.d) sa leeg ko at saka hinanap ang susi na sakto rito sa lock ng pinto. Apat kasi itong susi kaya minsan nalilimutan ko kung ano talaga ang eksaktong susi sa lock ng mga pintuan. Nang makita na ang eksakto sa lock ay pinasok ko ito sa lock para mabuksan.

Tinanggal ko ang lock tapos binuksan ang pintuan. Kinuha ko 'yong bato sa gilid at nilagay ito sa pinto para kapag humangin ay hindi sasarado ang pinto. Nang matapos rito ay sa kabila naman ako pumunta since dalawa ang pinto. 'Yong isa may gate pa at eto namang isa ay wala.

Mabilis ko lamang iyong nabuksan dahil kabisado ko na susi no'n. Gaya nang nauna ay binuksan ko iyon. Hindi naman kasi nilalagyan ng bato ito dahil hindi naman ito hinahangin.

Pumasok na ako sa room. “Another morning, another disaster...” napailing na lamang ako sa kawalan.

Naglakad ako sa aking upuan para ilagay ang aking bag dahil nabibigatan na ako. Today is Monday, so it means cleaners kami. Gosh.

Flag ceremony ngayon. Mamaya na lang siguro pagkatapos ng F.C para may kasama akong maglinis. Since katapat ko lang ang electric fan ay kinuha ko ang plug nito para isaksak ko sa saksakan. Gets? Pinindot ko ang 1 sa pangalawang baba.

I sit on my chair at kinuha 'yong cellphone ko sa bulsa ng palda ko. I opened it. Wala akong load kaya makiki-connect na lang ako sa wifi rito sa school. May wifi rito sa FVR building, I mean sa bawat building may wifi.

May password ang mga wifi rito kaya iilan lang ang nakaka-connect pero who knows, marami na rin pa lang naka-connect na student since may pakpak ang balita, nalaman ko lang ang password na ito sa kaklase kong si Jemuel.

When I click the wifi, nag-pop na lahat ng notification ko. Facebook, instagram, twitter and etc. Marami akong mga  social media accounts. Medyo marami rin akong mga friends, "FB friends" to be exact. Marami rin akong friends rito sa school. Mga old friends ko, classmates, pinsan and whatsoever. Share ko lang po. Hehe~

I click the facebook icon dahil eto naman talaga ang pinakagusto kong app bukod sa iba. Bukod rin sa kanya. Hui?!

Pagkatapos kong buksan ang facebook app, laking gulat ko na lamang ng mag-pop up ang pangalan ng kapatid ng adviser namin ‘Ashley Quinto, accepted your friend request’.

Inalala ko kung paano nangyari ito nang bigla kong maalala na. . .

FLASHBACK

Inistalk ko ang aking adviser at nagtingin tingin ng kanyang talambuhay sa facebook.

Nakita ko naman ang post ng aking adviser kasama ang mga kapatid niya. Napukaw ang atensiyon ko sa isa, si Ashley iyon.

Pinindot ko ang kaniyang profile picture at nagtingin tingin ng makikita ngunit ang kanyang featured lamang ang aking nakita.

Sobrang nakuha niya ang atensiyon ko, pagkatapos kong tignan ang kanyang mga litrato ay ibinalik ko na ito sa timeline ko ngunit sa hindi inaasahan. . .

END OF FLASHBACK

Napindot ko pala nang hindi inaasahan ang “ADD FRIEND” at doon nagsimula ang lahat.

Agad naman akong tumili na 'di malaman kung naiinis o kinikilig na ba ako. Biglang dumating ang aking ibang kaklase kaya naman agad naman akong tumahimik dahil baka mapagkamalan pa nila akong baliw na tumitili at ngumingiti mag-isa.

LUNCH TIME

Agad ko namang sinabi o kinuwento ang ginawa ko kagabi sa mga kaibigan ko na sina Angelica, Elleana, Tricia at Jhuvelyn.

“Hoy! Alam niyo ba!” tila kinikilig kong sabi.

“Ano?” tanong naman ni Angge

“Na-add ko pala yung kapatid ni maam tapos nagulat ako na inaccept niya naman.” Dagdag ko.

“Akala ko naman kong ano na.” Aniya at siya‘y nagtuloy sa pagkain.

Inirapan ko siya at may pagkamalanding tumawa. “Pero... you know... parang may nangyari sa puso ko na ‘di mawari kung may sakit ba o wala,”

“Ano?”

“Huh?”

“Eh?”

“Naku! Magpatingin ka na, baka malala na ‘yan!”

Samu‘t sari nilang reaksyon.

“Ang OA! Parang shunga— Aray!” napa-aray ako dahil binatukan ako ni Rica na karting lang galing COOP.

Nilingon ko siya at sinamaan ng tingin. “Tangina mo, mae! Ang sakit no’n!”

Tumawa lang ang baklita ngunit panandalian lang. Nang magbago ang ekspresyon nya ay sumeryoso na ‘ko. “Hesosa, siguraduhin mong hindi ka masasaktan diyan sa crush mong ‘yan! I’m warning you.”

I smiled a bit. ‘Di ako sigurado.

“Dami mong dada! Halika ka, maupo ka. Kakain na tayo,” iniba ko na lang ang usapan dahil baka kung saan pa mapunta ‘to.

Knowing, Rica, she’s over protective when it comes to me. Kapag sa ibang tao ang sungit-sungit niya but when it comes to me, she’s soft.

Sa kanya ako nag-oopen up. I’m just talking and she’s listening. At kapag humihingi ako ng advice sa kanya ay walang kwenta ang pinagsasabi niya. But I know she’s doing it on purpose, to lighten my mood.

Kaya I consider her as a ‘best of the best’.

“Anong nginingiti-ngiti mo diyan?” tinawanan ko lang siya. “Baliw na ‘tong kaibigan niyo.”

Kinuha ko ang kanyang palamig saka ininom iyon. Wala naman siyang naging angal kaya okay lang. Sanay naman na siya eh.

“Mahal mo naman...” pang-aasar ko sa kanya.

Nagsalubong ang kanyang kilay. “... bilang kaibigan? Oo naman!”

Kita mo sumang-ayon rin. Ganyan niya ‘ko kamahal. Mygosh.

“Saka kahit anong mangyari, ikaw lang ang hindi plastic sa ‘kin. Totoong-totoo ka. Gano’n ang gusto ko. ‘Yong hindi ka plaplastikin. Prangka, pwede pa.”

South GabaldonWhere stories live. Discover now