SouthG. 3: React

4 0 0
                                    

#SouthGchap.3 REACT

ANGELICA'S POV

AKALA ko naman kung ano nang chika ang malalaman ko sa babaitang 'to pero ayun lang pala ang kanyang sasabihin.

Uwian na at sa wakas natapos rin ang nakakapagod na araw. Cleaners ang aking kaibigan na si Hesosa, Tricia at Jhuvelyn dahil lunes ngayon ay agad ko naman silang inasar kasama si Elleana.

"Ayan maglinis kayo diyan," pang-aasar ko sa kanila.

"Sige lang! Tatawanan din kita bukas akala mo, ha!" sagot ni Hesosa.

Agad akong natahimik dahil cleaners rin pala ako bukas. Dahil tapos na ang lahat at malinis na rin ay napagdesisyonan na naming umalis.

Pagdating naman naming lima sa labas ng aming paaralan ay kaagad naman kaming nagpaalam sa dalawa naming kaibigan dahil iba ang kanilang daan at kami ay nagsi-uwian na.

<

HESOSA'S POV

AT SA WAKAS nakarating rin sa bahay. Dumeretso na ako sa aking kwarto at kaagad naman akong napasalampak sa aking kama dahil sa sobrang pagod.

Nagcellphone lang ako pagkatapos kong kumain at habang nanonood ay may dumaan na magandang pang myday sa aking tiktok at kaagad ko naman itong sinave at minyday sa facebook at nagpahinga na.

KINAUMAGAHAN

Nasa school na ako at tulad nga ay ako ang nauuna sa aming kwarto dahil ako nga ang may hawak ng susi at unti-unti nang nagsidatingan ang aking ibang kaklase hanggang sa dumating na rin ang aming guro.

Disscuss. Disscuss. Disscuss . . .

RECESS na at papunta na kami sa aming tle room dahil nga limilipat kami habang naglalakad kami ay nagcecellphone ako habang nag-iiscroll ay biglang nag-notif ang hindi ko inaasahang pangalan. . .

'Ashley Quinto and others react your story'

Nagulat naman ako. "H-Huh? Bakit siya nag-react? OMG!" sabi ko, napalakas ang pagtili ko kaya napatingin 'yong dalawa sa akin, nauna kasi kaming tatlo kaya naiwan yung dalawa.

"Wala!" depensa kong sabi habang natatawa.

"Ano nga?" pangungulit ni Angelica.

Wala na akong nagawa pa kundi sabihin sa kanila wala naman kasi silang pake kong sasabihin ko man pero wala naman akong magagawa keysa naman sa magtampo pa tong mga 'to.

Kaagad ko naman itong ipinakita sa kanila at sinabi sa kanila. Sabay silang ngumiti sa akin, ngiting pang-aasar at nanunukso.

"Ayiee. . ." ani nilang dalawa.

"Anong ayie? Sunset kasi kaya n'ya hineart, duh!" maarteng pagkakasabi ko naman. Ngunit deep inside kinikilig na sa panunukso nila sa 'kin.

Hanggang sa lumipas ang mga araw na nasasanay na ako sa pag-react niya sa aking myday lalo na kapag kasama ko sa myday ang kanyang ate which is ang aming magandang adviser.

Umamin na rin ako sa sarili ko na may crush nga ako sa kanya. Sa kapatid pa nang adviser namin ako nagka-crush o nagka-gusto nga ako sa kapatid ng adviser namin dahil nga siguro sa pag-react niya saka hindi rin naman kalabohan na hindi ko siya magustuhan dahil unang una napaka lakas ng dating niya

Yung buhok n'ya na nakakaattract, mga mata n'ya lalo na kapag ngumingiti s'ya. Nakakatunaw nga naman. Sige, lupa, pwede mo na akong lamunin! Chos!

'Hays. Nababaliw na 'ko sa 'yo, ash! Shet! Ugh, mygosh ang OA ko!' Sigaw ko sa aking isipan.

Halos lahat na rin ng repost ko sa tiktok ay tungkol na sa kanya, hindi ko rin muna sasabihin sa mga chismosa kong kaibigan-- este magaganda kong kaibigan ang tungkol rito at baka asarin o ilaglag pa nila ako.

But, I'm pretty sure na hindi nila sasabihin kasi hindi naman sila close ni Ashley.

'Ikaw close ba kayo?' kontra ni konsensya.

Napairap ako sa kontra ni konsensya. Binara ba naman ako! Pasalamat siya, hindi siya tao. Kapag nagkataon na tao siya ay baka mabatok ko.

"HESOSA!"

Nabalik ako sa ulirat ng may sumigaw sa mukha ko. Oo! Mismong mukha ko! Sinamaan ko nang tingin si Dave, kaibigan ko, ngunit napa-rolyo lamang siya ng mata sa akin.

"Ano?" inis kong sabi sa kanya.

"Wow! Ikaw pa ang may ganang magalit! Dahil sa lutang ka ay nakaalis na si Ma'am Quinto kasama aakto rin na pumunta dito 'yong kapatid nila, si Ate Ash,"

"Totoo? Gago, 'di nga?"

"Bobo! Oo nga! Tangina nito. Hindi maniwala."

So kung gano'n nakita niya akong lutang. Saka grabe ang mukha ko kapag lutang! Waaahhh! Nakakahiya! 'Di kaya na-turn off siya sa 'kin? Oh my god!

'Eto na naman po si Assumera.' pagsasangap ni konsensya.

"Napatingin ba siya sa 'kin?" nakangiti kong tanong.

"Hindi," naglaho ang ngiti ko pati ang aking kilig. "Assumerang 'to. Saka ba't naman siya titingin sa 'yo? Ano ka? Dyosa?"

Hinampas ko siya at inirapan. "Che! Gagong 'to! Hmp."

Kinuha ko na lang ang notebook ko sa math saka naglakad roon sa bakanteng upuan ni Gyver. Bale sa gitna si Gyver, sa left si Tricia at sa right naman ako.

Ganito ang sitting arrangement namin kapag math time na. At kapag may quiz ay babalik ako sa original na seat ko which is ang katabi ko ay si Dave and Roger. Para may mapag-kopyahan.

"Good morning."

Bigla kaming napatayo nang pumasok bigla si Sir Bandong. "Good morning, sir Bandong!"

"May sinabi ba akong magquiquiz kayo today?" tanong ni Sir.

Nagkatinginan kaming tatlo nina Gyver at Tricia.

"Wala po, sir," si Tricia ang sumagot kaya tinignan siya ni Sir Bandong.

"Weh?" at sa akin naman bumaling ang tingin ni Sir. "Hesosa? Totoo ba?"

"Ah... ahm... Di ko po alam, sir."

"Sige. Discussion tayo ngayon," sabay upo ni Sir sa upuan. May kinuha siya sa bag na para sa tablet. Nilabas niya ang tablet at miracast cable. "Gyver, isaksak mo nga eto,"

At iyon nga ang ginawa ni Gyver.

* * *

NAGTULOY-tuloy lang ang klase hanggang sa lunch na. Pero hanggang ngayon nag-didiscuss pa rin si Ma'am Ocampo. Matagal talaga magpa-dismiss si Ma'am.

Tinawag ni Gyver si Ma'am Ocampo. "Ma'am!"

Natigil si Mama Milds sa pagtuturo at tinignan si Gyver. "Bakit, gyver?"

"Lunch na, ma'am," napatingin naman si Mama Milds sa kanyang relo.

"Dismissal na pala. Bakit ngayon niyo lang sinabi?" naglakad si Mama Milds sa teacher's table para iligpit na kanyang gamit. "O'siya... goodbye, class,"

Tumayo kaming lahat. "GOODBYE AND THANK YOU, MA'AM OCAMPO!"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 27, 2024 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

South GabaldonWhere stories live. Discover now