DISCLAIMER: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
––––––––––––––––––––––––––––––––––
Third Person's POV
"Mama! Mama! Ang bili po tayo ng ice cream!" tugon ni Ria sa kanyang mama habang naglalakad sa may eskinita.
Kumuha ng Twenty Pesos ang mama ni Ria at ibinigay ito sakanya.
"Oh siya anak ayan. Bumili ka muna doon at may titingnan lamang si mama. Wag kang lalayo ha?" nakangiting saad nito kay Ria.
Naglakad ng may malaking ngiti sa Riah at agad na bumili ng Ice Cream. Pagkatapos niyang bumili ay umupo siya sa gilid ng tindahan upang maghintay sa kanyang mama.
Habang naghihintay ay nahagip ng mata niya ang isang batang lalaking may dalang bag. Sa kilos nito ay parang nagtatago ito. Dahil sa kyuryosidad ay mahina itong lumapit sa bata.
"Hoy! Anong ginagawa mo jan?" pabulong na sabi niya sa bata na nagulat naman sa kanyang pag sulpot.
"Shhh! Wag kang maingay! Baka mahuli ako ng Guards ko at ikulong na naman ako sa bahay namin." pabulong na sagot naman ito.
Naguluhan si Ria sa sinabi ng bata kaya napatingin din siya sa sinisilip nito. Nakita niyang may mga nakaitim na lalaki na parang may hinahanap.
"Ano pala pangalan mo?" tanong ni Riah sa batang lalaki.
"Albert! Ganda ng pangalan ko diba? Pangmayaman!" tugon nito na may halong pagyayabang. "Eh ikaw ba? Ano ba pangalan mo?"
"Ako si Xariyah! Pero Ria nalang itawag mo sakin!" ngumiti din si Ria bilang pang aasar kay Albert na ikinangiwi nito.
Sumilip ulit sila at nakita nilang wala na ang mga naka itim na lalaki, kaya naman lumabas na sila sa kanilang pinagtataguan.
"Hay, bakit ka ba nagtatago sa kanila? May ginawa kang bad 'no kaya kanila hinahanap!?" kunot noong tanong ni Ria kay Albert.
"H-hindi ahh! Mabait kaya ako!" sagot ni Albert na mas lalo nagpakunot sa noo ni Ria.
Bigla silang nagulat nang may humablot sa kamay ni Albert at agad na inihila siya pala kay Ria.
"Nandito ka lang pala, mapapagalitan kami ng magulang mo pag nalaman nilang nakatakas ka. Umuwi na tayo't baka may mangyari pa sa'yo sir." tugon nung lalaking nakaitim at agad na inihila si Albert palayo na nagpupimiglas at umiiyak habang nakatingin sakanya.
Nanatili lamang nakatayo si Ria at di alam ang gagawin, tanging pagtingin sa walang awang Albert na hinihila palayo. Madaming tanong sa kanyang mumurahing isip ang di niya masagot. Ano na kayang nangyari sakanya? Maayos lang kaya siya? May ice cream kaya sa bahay nila?
Simula nang mangyari 'yon ay lagi nang pumupunta si Ria sa lugar na iyon, iniisip niyang baka makita niya uli ang bata at makausap. Pero hindi niya na muling nakita pa ang bata.
11 years later...
"Alam mo, yang pagiging nega mo ang dahilan bat wala ka pang boyfie hanggang ngayon." tugon ng isang babaeng kasama ni Ria.
Pagkatapos ng nangyari iyon ay kinalimutan lamang ni Ria lahat. Hindi niya na kailanman nakita ang misteryosong batang iyon.
"Ano naman kung wala akong jowa? Hay nako Chelsea, hindi ko ikamamatay ang hindi pagkakaroon ng ganon." sagot naman ni Ria sa kaibigan. Pala-isipn din talaga kay Ria kung bakit may mga taong uhaw sa pag-ibig. Hindi niya maintindihan kung bakit halos lahat ng kakilala niya ay nagkakandarapang makahanap ng jowa.
"Bahala ka besh, basta pag may makita kang pogi sabihin mo sakin ha!" kinikilig na sabi ni Chelsea na tinanguan lamang ni Ria.
Habang naglalakad sila sa daanan ay may naaninag si Ria. Hindi, hindi maaaring siya yon.
"Uy Ria saglit sa ka pupunta!" sigaw ni Chelsea nang biglang kumaripas ng takbo si Ria.
Nag palingon lingon si Ria sa paligid at muli niyang nakita ang batang kanyang nakita kanina.
"Teka bata saglit!" sigaw niya dito ngunit hindi siya nito narinig kaya sinundan niya kaagad ito.
Ilang minuto niya rin itong sinundan hanggang sa makita niya itong naghihingalo sa gilid. Dali dali niya itong nilapitan at hinawakan. Napabalikwas ang bata sa gulat at nagsisisigaw kaya pinakalma niya ito.
"Teka bata kalma lang, hindi kita sasaktan." hinawakan ni Ria ang bata na siya namang nagpakalma rito. Nabigla siya nang yumakap ito sakanya.
"Tara alis na tayo dito. Gusto mo ng Ice Cream?" tugon niya sa bata na siyang ikinangiti nito habang tumatango tango sakanya.
Hindi pa sila nakakalakad ng may lalaking kasing edad niya lang ang lumapit sakanila. Sino naman tong isang 'to?
"Charles, tara na umuwi na tayo." sabi ng lalaki sa bata, ngunit nagtago lamang ito sa likod niya.
Napatingin naman si Ria sa bata at sa lalaki. Napansin niyang parang kilala ng bata ang lalaki.
"Anong ginawa mo dito sa bata? Sinaktan mo ba siya?" tanong ni Ria sa lalaki.
"Pake mo ba miss? Kapatid ko yan, kaya umalis kana dito." sagot ng lalaki na ikinabigla niya. Magkapatid naman pala.
"A-ate, ayaw ko p-po." nanginginig na tugon ng bata. Makikita sa mga mata nito ang takot.
"Sorry pero kahit kapatid mo 'to, diko siya ibibigay sayo kasi ayaw niya." tugon niya sa lalaki na ikinangisi nito. May amats din tong isang to ah.
"Okay, playtime's over Charles. Baka tumawag pa ng police 'tong si miss eh." natatawang sabi nito. Hindi maintindihan ni Ria ang ibig nitong sabihin. Pero napagtanto niya nalang ito ng biglang tumawa ang bata.
"HAHAHAHHAHA BRO! Did you see her face? It was so priceless!" natatawang sabi ng bata habang tumatawa. Pati narin yung kapatid niyang lalaki tumatawa narin ng malakas.
So she got pranked. Worst, it was by a kid. Hindi niya maintindihan kung magagalit ba siya o mahihiya sa nangyari.
"Let's go little bro, we have to go home na. I have to take my shots na. You made me run so far." their face became serious after he said that. Hindi makapaniwala sa nakita si Ria. Mga bipolar ba 'tong mga 'to.
"Sorry miss ah napagtripan ka pa namin. You looked beautiful daw kasi sabi ng kapatid ko and he wanted us to talk that's why he ran." nakangising ani nito kay Ria.
"Sorry po ate hihi. Thank you rin pala kasi tinulungan mo ako kahit di moko kilala." nakangiting sabi nito.
Wala namang masabi si Ria sakanila kaya unti unti nang naglakad ang mga ito ng palayo. Napabuntong hininga nalang si Ria at tyaka naglakad na ng may mapagtanto siya.
Di ko natanong yung pangalan ng lalaki...
BINABASA MO ANG
In our Next Lifetime
Fiksi RemajaSa mundong walang kasiguraduhan ang mga pangyayari, nakilala ni Riah ang misteryosong si Albert. She couldn't understand the magnet that she could feel whenever Albert was around, so she let that magnet pull her towards him, but that was her biggest...