Chapter 1: New Match

5 0 0
                                    





"Whoo! Happy New Year everyone!" masigabong bati ng aming mga kapitbahay habang tumatalon at pinapatunog ang kanilang mga torotot. 


Magkabila rin ang putok ng mga makukulay na fireworks. Hindi ko malaman kung saan ako unang babaling para makuhanan ng video. Hindi kasi kami makapag set up ng sarili naming fireworks display dahil sa village kami nakatira at ipinagbabawal yung ng home owners president, para na rin sa kaligtasan ng mga bata samin.


Habang patuloy ako sa pagkuha ng video, biglang umilaw ang phone ko dahil sa notification ng dating app na dinownload ko noong nakaraang buwan lamang. 


You Matched!


Woah! May new match!


Mabilis akong nagtype ng Hi! para sa donation sa charity. Matapos non ay agad na rin akong nag-exit sa app para magfocus sa fireworks at celebration ng bagong taon.


Matapos ang mahaba-habang fireworks display ay bumaba na kami mula sa rooftop para kumain. Hindi na namin nagawang mailipat pa ang foods sa patio dahil sa dami noon at dahil na rin sa pinaparenovate na kalhating parte ng garden. 


I'm feeling lonely tonight. Siguro ay dahil hindi ako at ang pamilya ko sanay na hindi kasama ang pamilya ng Tita ko ngayong nagce-celebrate kami ng bagong taon. Nasanay kasi kami na mula pagkapanganak sa amin ay nasa tabi na namin sila. Dahil na rin noon sa probinsya ay kapitbahay na namin sila Tita.


Ngayon na lumipat na kami sa Manila, bumukod na rin ang pamilya nila. Nasa iisang village lang naman kami ngunit may malayong pagitan sa dalawang bahay. I miss celebrating with my cousins. 


I remember those days na sama-sama pa kaming mag-aayos sa kwarto ko bago lumabas para gumala o kumain sa labas. Those days were the best days for me. Simple memories but worth to cherish.


"Anak, Blythe, pakilagay na ng Cordon Bleu and Leche Flan sa table para makakain na tayo" I immediately obliged. These two were my favorites kaya kumuha muna ako ng isang slice ng Cordon bago kumuha ng plato.


While eating, I opened my phone to see na may reply sa chat ko sa nakamatch ko. 


Killian. 22. From Quezon City. 


'Just here to find someone to create and share memories with before I go back to Italy'


Nice. Short time fling. Why not?


Nagreply lang ako and after a period of time, I can tell that he is a good man. Mabilis kaming nagclick and we had so much fun.


'Hey, I gotta go wash up and sleep. Thanks for tonight. Let's continue talking later na lang?' I typed.


'Sure. Ready to sleep na rin ako. No worries, I had so much fun talking with you and getting to know you. Good night and have fun sa gala nyo bukas!' He replied.

A NOT SO LOVE STORYWhere stories live. Discover now