Chapter 1.

49 1 0
                                    

Going back to the corner where I first saw you

Gonna camp in my sleeping bag I'm not gonna move

Got some words on cardboard, got your picture in my hand

Saying, "If you see this girl can you tell her where I am?"

Some try to hand me money, they don't understand

I'm not broke - I'm just a broken-hearted man

I know it makes no sense but what else can I do?

How can I move on when I'm still in love with you?

"Jack! Oy Jack nakikinig ka ba?" Pasigaw na sabi sakin ni Sven. Inalis ko ang isang earphone sa tenga ko.

"Ano ba yun? Magdrive ka na nga lang dyan malayo pa tayo sa Manila"

"Hindi purkit galing tayong Baguio eh mag dadrama ka nanaman dyan? Dude 3 years na yun uso mag move on"

"Jack? Ang ganda dito sa Baguio no?" Napatingin ako sa kanya pero malayo ang kanyang tingin.

"Alam mo bang mas maganda pa yung katabi ko ngayon? Pangalan ata nun Casey" napatayo agad sya at tumalikod saken.

"I'm sorry Jack pero may iba na akong gusto" sabay lakad nito palayo, napatayo naman agad ako saka ko sya hinigit papalapit sa akin

"A-anong may iba ka ng gusto? Muntik mo na akong maloko dun ah, happy april fools din. Kaso tapos na yung April 1 eh"

"Jack" hinawakan nya ako sa pisnge "Hindi mo ako naiintindihan, tapos na tayo" naiwan akong nakaluhod habang tinatanaw ang mabilis nyang pag-layo.

"Dami talagang paasa ngayon. Pinaasa kang forever na kayo" sabi ni Ram.

"Gago ka talaga Ram pinapaiyak mo pa si Jack eh" singit naman nitong si Frank.

"Letche manahimik ka dyan hotdog bilisan mo Sven mag se-seven na i-re-ready pa natin yung resto. Yep may resto kami kaming apat ang nag-tayo nun, simula nung magtapos kami sa kolehiyo napag-isipan naming mag-negosyo.

"Dude buksan mo na yung entrance"

"Okay" syempre una naming customer ay si Max. Si Max college friend namin tropa ba.

"Oy ulufong ang aga mo ata ngayon"

"Namiss ko yung pagkain dito pre haha biruin mo 1 week kayo sa Baguio"

"Ganun ba? Sige upo ka na ano bang order mo? Katulad dati?"

"Sige Jack" after serving him I left the resto to buys some drinks. Oo bumibili kami ng drinks sa labas kahit may resto kami alam nyo na magugulo ang inventory mahirap mag-bilang at alalahanin lahat ng kinuha namin. Pumunta ako sa isang convenience store wala pang tao dahil kakabukas lang din, dumiretso ako sa drinks section at bumili ng apat na rootbeer. Papalabas na sana ako ng maapakan ng isang babae ang paa ko.

"Aray ko!! Mag-ingat ka nga oy" katamtaman ang laki mga nasa 5'5 ang height, naka salamin must be nerd, may straight at may katamtamang haba ng buhok.

"Wag mo nga akong sigawan, ikaw nga yung hindi nag-iingat dyan eh." Wow bungangera pala tong babaeng to akala ko nerdy.

"Ikaw tong hindi tumitingin sa dinadaan tapos ako pa hindi nag-iingat" papalabas na sana ako ng store ng bigla nya akong banggain ng malakas. Imbis na ako yung masaktan sya pa yung napabagsak, tutulungan ko na sana sya ng bigla nya akong sigawan.

"Ikaw mister. Wag mo akong tulungan hindi ko kailangan ang tulong ng isang lalaking walang modo." Napatayo agad sya at nagpagpag ng damit. Nakatayo lang ako sa harapan nya habang nakatingin sa kanya habang nagpapagpag. Napatakbo bigla yung isang crew ng store.

Stuck in ReverseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon