Bumababa ako sa isang weird na restaurant. Umorder ako ng isang pagkain, isang lalaking waiter ang lumapit sa akin at nagbigay ng menu. Agad naman kinuha ng waiter ang inorder ko sabay punta sa kusina nila mga limang minuto din akong nag hintay para sa isang dish medyo may katagalan mag luto yung chef.
"Matikman na nga to" shemay ang sarap ng pagkakaluto malasang malasa yung karne. Sa sobrang sarap ng pag-kain hindi na ako nagdalawang isip na ipagtawag yung chef."Uhhmm kuyang waiter excuse me" Lumapit naman agad yung waiter sa akin jusme ang pogi
"Yes ma'am how may I help you? " bati nya saken
"Pwede bang makausap ko yung manager nyo or yung chef na nagluto nito?" biglang nagbago yung muka nya parang kinabahan sya bigla. "Ahaha may itatanong lang ako wag kang mag-alala hindi ako magrereklamo" ngumiti naman sya at umalis agad.Jack.
"Dalian mo naman dyan hotdog kanina ko pa kailangan yang mga gulay eh"
"Pssst!" Lumingon ako sa pinanggalingan ng sitsit nakita ko si Ram na nakasilip sa pinto
"Anong ginagawa mo dyan kambing?" Kunot noo kong sabi sa kanya
"Pinapatawag ka kasi ng isa nating customer eh" Kinabahan ako sa sinabi nya baka may insekto o kung ano man yung pagkain putragis talaga medyo matagal kasi kaming nawala dito jusko naman lumabas agad ako ng kusina at sinabihan ko si Ram na siya muna bahala sa loob."Jusko ano kayang sasabihin nung costumer" habang papalapit ako ng papalapit sa kanya lalo akong kinakabahan lalo na at babae pala yung costumer baka tumalak ng tumalak
"Hello ma'am how can I help you?" hindi parin lumilingon si ma'am pero sobrang nakakataba ng puso yung sinabi nya
"You must be the chef and this food is so yummy can you tel... Ikaw" napalingon naman ako sa kanya at shit sya nanaman? Yung babae sa convenient store.
Janella.
"Nakakaasar nasarapan pa naman ako dun sa meat tapos yung chef jusko sa dinami dami ng tao bakit sya pa?" kamot ulo akong nagkekwento sa kaibigan kong si Dinah
"Seryoso kawawa ka naman ang beshie si mortal enemy pa ang chef" nabwibwiset talaga ako dun sa lalaking yun ewan dahil na rin siguro magkahawig sila ni Kean nakakabwiset talaga tong araw na to.
"Seryoso beshie ang tanga mo din kasi eh sorry not sorry" hindi ko na sinagot si Dinah oo tanga ako minsan pero hindi naman palagi. Nahahigh blood padin ako sarap supalpalin nung lalaki kanina uggghhh padabog akong naglakad na naging dahilan ng aking pagkadulas "Waaaaaaaaah" may humawak sa braso ko at hinigit ako papatayo tinignan ko yung humila sa akin na akala ko ay si Dinah pero hindi sinusundan ba talaga ako nitong lintek na lalaking to? It was my mortal enemy. Seryoso lang ang kanyang muka ngayon.
"What are you doing Janella?" tanong ni Dinah sa akin
"Nagdadabog" sabay tingin kay mortal enemy."Are you okay?" sambit nitong mortal enemy ko
"Yes! Yes! I'm fine pwede mo na akong bitawan" nakatitig padin sa malayo tinanaw ko naman kung saan sya nakatingin at nakita ko si Kean ang bastardong lalaking nang-iwan sakin may kasama syang babae.
"Ang saya nila no?, By the way not to be rude I'm Jack. Sorry sa nangyari kanina ah" sabay ngumiti sya sa akin. He was hurting nasasaktan sya sa nakikita nya at isa lang ang naiisip ko ex nya ang kasama ng ex ko.
"I'm Janella so kilala mo yung babae?" tumango lang sya sa akin saka nag punas ng luha
"She's Casey my ex" tumawa sya bigla at nagsorry sa aming dalawa ni Dinah nagsosorry sya for seeing him cry. Tinawanan ko sya at inaasar "Iyakin ka pala, See that man? He's Kean my ex liit ng mundo no?" biglang pumatak ang malakas na ulan tumakbo naman kami ni Dinah at naiwang nag-iisa si Jack. Nakaramdam ako ng kirot sa aking dibdib Jack is a strong man "Jack mauuna na kami" yumuko lang sya at patuloy na nagpapakabasa sa ulan.Jack.
"Hey dude! Saan ka galing? basang basa ka ah." Sabay hagis ng isang tuwalya sa akin ni Hotdog.
"Galing ka nanaman dun sa shop nila Casey no?" Ani ni kambing hindi parin ako nagsasalita at ninanamnam ang mainit na kape, mabuti pa tong kape na to matapang mukang kaya akong ipaglaban.
"Wag nyo na tanungin magligpit na lang muna tayo" bulong naman ni Sven sa dalawa. Basang basa talaga ako sa ulan mukang lalagnatin ako nito bukas, mabuti narin yun para makapagpahinga ulit ako kaya ayaw na ayaw kong nagbabakasyon sa Baguio bumabalik lahat ng sakit ng kahapon yung mga sakit na tumatak sa akin simula ng iwanan nya ako. Pagkatapos naming maglinis ng resto ay agad na kaming umuwi hinatid naman ako ni kambing sa unit ko sya kasi yung sa may pinakadulong unit ewan ko ba dito sa taong to binigyan na nga kami ng may ari ng condo ng tig iisang unit pero pinakadulo ang pinili nya avid fan din kasi ng kung ano anong horror itong si Ram. Nakapasok na ako sa unit ko tumambad nanaman sa akin ang magulo kong kama agad naman akong naghubad ng damit at pantalon. Naka underwear lang ako at hindi ko na napansing nakatulog na pala ako kinabukasan sobrang sakit ng ulo ko hindi ko ata makakayang pumasok sa restaurant masyadong mataas ang lagnat ko hinalughog ko agad ang cellphone ko at aktong ititipa ang numero ni Casey ng matauhan ako anong ginagawa mo Jack? Wala na kayo hindi ka na aalagaan nun kahit anong lagnat pa ang abutin mo.
Janella.
"Nasaan si Jack?" Tanong ko sa isang kasamahan nya sa trabaho kanina pa kasi ako naghihintay sa restaurant nila gusto kong ding magsorry sa kanya sa pagiging maldita ko. Saka syempre ang sarap kaya nyang magluto gusto ko ulit matikman yun.
"Ah uhm I'm sorry ma'am nilalagnat po kasi ngayon si Jack hindi po sya makakapasok ngayon bakit po?" ani ng isa nyang kasamahan na si Frank nakita ko sa nameplate nya.
"Wala naman my number ka ba nya?" Agad namang nyang ibinigay sa akin ang number nito
"Hello Jack? Are you okay?"
"Ca-casey I need you come here at my unit baby please I'm sick" agad naman akong nagmadaling itanong sa kanya ang unit number ito na rin siguro yung paraan ko ng paghingi ng sorry sa kanya I'm a registered nurse so no worries "Unit number?" Sumagot naman sya "10515 baby remember?" Agad ko namang syang pinuntahan sa unit nya bukas ang pinto at amoy alak ang kwarto okay lang ba talaga tong taong ito? Nakahiga sya sa kama nya he's wearing underwear ghad bakit ganto tong taong to infairness maganda ang katawan kitang kita mo ang abs nya at ang malaki nyang dibdib tumabi ako sa kanya at binihisan ng t-shirt at jersey shorts I'm used to it nurse ako kaya wala to. Habang pinupunasan ko sya ng bimpo bigla bigla nya na lang akong niyakap hindi ako makawala sa yakap nya dahil na rin sa higpit nito ang init ng katawan nya mas mainit pa ito sa yakap ni Kean.
BINABASA MO ANG
Stuck in Reverse
ChickLit"Soul mates?, True love?, Ms. Right?, The Ideal man?, Forever and Happy endings do they really exist?"