EPISODE 1

211 6 4
                                    

Bali-Balita sa buong probinsya ng San Vicente ang pagkamatay ng isang High School Student ng dahil umano sa isang Hazing. Kinilala ang bangkay sa pangalang Jowel Cruz. Base na rin sa suot nitong I.D.

Ayon sa isang Tricycle Driver na nakakita ng bangkay ng biktima. Pasado alas-dos ng madaling araw ng mamataan niya ang lalakeng nakahandusay sa labas ng lodge malapit sa sementeryo. Noong una'y Hindi pa malinaw sa kanyang paningin ngunit ng lapitan niya ito ng mabuti ay, isang malamig na katawan ng biktima ang kanyang nakita.

"Nakakaawa po talaga yung bata, siguro po ay kagagawan ng mga adik ang sinapit nya." Paniniwala naman ng saksi.

Ngunit ayon naman sa autopsy ng bangkay, Hazing ang dahilan sapagkat bakas sa katawan nito ang ilang pasa dulot ng isang daang palo gamit ang isang matigas na bagay sa mga braso at mga binti nito. May sampung Paso din ng sigarilyo sa kanyang dibdib. Halos mangitim naman ang inabot ng kanyang mga kuko gawa ng animo'y pagkakakuryente nito ng matagal.

Sa lahat ng nasabi, isang bagay ang nakaagaw ng atensyon ng mga pulis. Ang pagkakaukit sa balat ng biktima ng salitang El Gama Terible sa parteng batok nito. Namamaga at malalim ang pagkakaukit.

Dahil sa balitang ito, ipinatupad ng San Vicente High School ang bagbabawal ng mga clan at frat sa buong campus. Kung sino man ang mahuhulihang kasapi o may nakaukit na El Gama Terrible sa batok ay automatic ng maki-kick out sa paaralan.

Ang paaralan ang siyang unang nagpatupad dahil sa balitang estudyante ng paaralan si Jowel.

****

Kring's POV

(Unang araw ng klase, June 1, 2009
Sa ganap na 4:30)

Nakaluto na at nakagayak na ako. Nang magising si papa, Hindi na sya nagulat pa. Sanay na kasi sya. In-On nya muna ang radyo at nakinig ng napakasariwang balita. At dahil ma's maaga pa sya sa estasyon ng radyo, malamang sa malamang, Lupang hinirang ang unang bumungad sa kanya.

"Pa, bilisan mong gumayak kasi po maaga ako ngayon papasok."

"Anak, first day ngayon, syempre Hindi naman agar agar papasok ang teacher nyo page first day di ba?"

"Pa, kahit na noh! Tiyak magpopost nanaman sila ng demoted at promoted. Excited na akong malaman"

Ganyan kami mag usap ni papa, wala ng PO kasi sanay na ako, komportable akong kausapin sya ng ganun dahil kaming dalawa lang naman palaging magkasama sa bahay. Pero page ibang tao, award winning ang kabaitan ko.

Wala na syang nasabi, kumain na lang sya, habang sya ay kumakain ay narinig nya ang balita sa radyo tungkol Kay Jowel? Jorel ba yun? Basta yun!

"Nak, paalala lang ha! Wag na wag kang sasali sa mga ganyan, walang idudulot sayong maganda yang mga frat frat na yan"

"Eh Pa? Panu pag pinilit ako? Ang ganda pa naman ng anak niyo"

"Basta, pag may frat o sorority ang manggugulo sayo, sabihin mo sa guard ng school niyo, kilala ko naman yang mga guard na yan, ng mahuli namin."

"Of course Pa, don't worry"

"Just be sure, alam mo namang ikaw nalang natitira sakin, you're my only princess"

"Opo" sabi ko na may ngiti

***

Hinatid ako ni papa, pero bago siya umalis kinausap niya muna yung guard. After nun sabi niya...

"Ayan worry free na ako sa kaligtasan mo sa campus na ito, naibilin na kita. Sige nak, alis na ako."

I kissed him before he left. Then say "Good bye!" while waving my right hand.

I Made Love With A Frat BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon