EPISODE 8

39 3 0
                                    

Two days and One night ma ako namamalagi sa pamamahay ni Dave.

Sa loob ng dalawang araw, ilang beses na rin namin pinagtatalunan ang ginawa nyang pagsisinungaling sa Papa ko. At hanggang ngayon hindi ko parin lubos maisip ang dahilan ni Papa kung bakit nya ako pinayagan ng ganun ganun lang. Sa totoo lang gustong gusto ko ng umuwi at magtanong sa kanya.

Feeling ko ipinapamigay na nya ako, kung ikaw ang nasa sitwasyon ko, iisipin at nararamdaman mo rin lahat ng saloobin ko ngayon.

Inimpake lahat ni Papa ang gamit ko, daig ko pa ang maglilipat bahay. May sulat pa syang inilakip sa aking maleta.

***

Anak,

Maging masaya ka sana kung nasaan ka man ngayon. Sana ay hindi mo ako makalimutan. Lahat ng gamit na kailangan mo ay nailagay ko nang lahat sa iyong maleta.

Anak, wag mo kakalimutang Mahal na Mahal kita. Inalagaan kita ng husto kahit wala ang Mama mo sa atin. Sa tingin ko hindi naman ako nagkulang doon. Siguro nama'y hindi sya magagalit saakin sakaling magkita kami. Anak.. Hangad ko ang nakakabuti sa iyo, kaya naman, Sana magpakabait ka dyan sa lugar na iyan. Hindi kita mababantayan habang buhay kaya, tandaan mo palagi ang bilin ko sayo anak. Mag-iingat ka palagi.

I love you my princess..

Love,

Dad

***

Naiiyak ako sa tuwing binabasa ko ito. What's on him? Anong dahilan? Bakit nya 'to isinulat? Gawa gawa lang ba ito ni Dave? Pinilit nya ba si Papa? Bakit pakiramdam ko, aalis sya? Iiwan nya ako? Parang tinutulak ako palayo at namamaalam.

Nakatitig ako sa bintana ng aking silid, pinagmamasdan ko ang puno sa labas. Napakagaling ng diyos para gumawa ng isang obra katulad nyan.
At Napakagaling nya dahil lumikha sya ng amang katulad ni Papa.

Naramdaman ko ang mga brasong bigla namang pumulupot sa akin mula sa aking likuran, ipinatong nya ang kanyang mukha sa aking balikat. Bumibilis ang tibok ng puso ko.

"What's on your mind right now? Napakalalim naman ata nyan at Hindi mo talaga nagawang lumabas dito sa kwarto mo? Is it your Dad?" Usal nya

"Wala kang pakealam kung ano o sino ba ang iniisip ko sa mga oras na ito, ang gusto ko lang malaman mo ngayon ay ang pag alis ng mga braso mo saakin at lumayo"

"Why so harsh?"

"I'm not harsh, ikaw lang itong di marunong umintindi na ayaw ko sayo"

"Ah basta, wala akong pakealam kung ayaw mo saakin, sa ayaw at sa gusto mo, makakasama mo ako sa loob ng isang buwan, gagawin ko ang lahat ng paraan mahalin mo lang ako"

"Teka! Like lang naman diba? Bakit kung makapagsalita ka dyan MAHAL na agad ang gusto mong mangyari"

"Like lang yun para sayo, para sa akin, hindi lang basta like, dahil Hindi naman kasi ako MANHID"

ANO?? SERIOUSLY? DI KO SYA GETS!!!

"WHATEVER!" sabi ko

Lumayo ako sa kanya at saka iniwan sa kwarto ko, sa ibang lugar na lang ako mag iisip..pero sinundan nya pala ako.

"Wait lang Elle!" Sigaw nya

"Wag mo nga akong sundan,problema mo?" Hindi ko sya nilingon, Ano ba naman kasi yan? Ang laki ng pamamahay nya, Ano to simbahan? Ilang yapak pa ba bago makarating sa hagdan?

Binilisan ko pa ang lakad ko.

"Sinabi ng sandali eh" sabi nya at naabutan ako

Hinatak nya ang braso atsaka kinorner sa dingding, nakatitig sya ng matalas, nagrereklamo pa Sana ako ng sinunggaban nya ako ng halik.

Mariin, na tila uhaw na uhaw sya.. Tinutulak ko sya pero masyado syang malakas ,hanggang sa di ko namamalayang natatangay na ako ng napakapusok nyang paghalik. Napapulupot na lamang ang dalawa kong braso sa kanyang leeg.

"..I know you like me too.." Sabi nya sa pagitan ng aming mga halik..




[A/N: This is just a short update, SPG ALERT!]







I Made Love With A Frat BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon