Jokes po ulit :)
-
( Ang Tsaa )
RICH VAMPIRE: Oorder ako ng fresh blood.
ORDINARY VAMPIRE: Sa akin isang order na dinuguan.
POOR VAMPIRE: Hot water na lang sa akin.
WAITER: Bakit hot water lang po?
POOR VAMPIRE: Nakapulot kasi ako ng napkin sa kanto. Mag-tsa tsaa na lang ako.-
(Common Sense)
Isang bata, nagpasa ng blank paper sa art teacher.
Teacher: Bakit blank ang work mo?
Bata: Nagdrawing po ako ng baka at damo.
Teacher: (tinignan ulit ang papel) San ang damo?
Bata: Ubos na po, kinain ng baka.
Teacher: (kamot sa ulo) Eh nasaan yong baka?
Bata: Ano pa gagawin ng baka dyan, eh wala ng damo?
syempre umalis na po.
Common sense naman mam!-
(Matapang)
Pedro: Ang tapang talaga ni Paeng! Biro mo, tumalon sa eroplano nang walang parachute!
Juan: Ohh, totoo? Saan mo naman nabalitaan yan?
Pedro: Dun sa burol nya!-
(Ang Uwak )
Teacher: Juan i-english mo eto.
Juan: Wat mam?
Teacher: "Ang uwak ay hinang-hinang maglakad"
Juan: "The wak wak weak weak wok wok..."-
(Maka-Diyos)
Dad: Mabait ba ang boyfriend mo?
Anak: Yes, Daddy.
Daddy: Maka-Diyos?
Anak: Sobra Dad.
Daddy: Nasaan siya?
Anak: Nandoon sa simbahan, nagmimisa!-
(Madamot )
Juan: Oy, ano yan? Pinya? Pahingi naman dyan.
Pedro: Pahingi? Nasaan ka noong nagbubungkal ako ng lupa sa ilalim ng init ng araw? Nasaan ka noong nagtatanim ako habang kumukulog, kumikidlat at bumubuhos ang malakas na ulan? Nasaan ka noong oras na nag-aani ako na nagkalat ang maraming ahas sa dadaanan ko, noong naghihirap ako sa pagpasan ng pinya? Nasaan ka?
Juan: Nakakulong kasi ako noon! Nakapatay ako ng madamot!
Pedro: Ganun ba? Kuha ka na, kahit ilan!
May langka pa doon!-
BINABASA MO ANG
Quotes, Jokes and Logics
RandomNeed a caption for your facebook post? Instagram? Twitter? Or a quote for GM (If it's still trendy, lol) Well, you found the right place. Have fun😊 Collected by: @unicornqueenX Credits to the Mabait na owners :) Source: Facebook, twitter, tumblr...