Chapter 19: Family

497 14 0
                                    

"Good morning tita!" Masayang bati ko dito nang makababa ako ng hagdan galing sa kwarto at kakagising ko lang. Nakita ko si tito na nasa kusina at mukhang nagluluto ng fries tapos si Kenneth naman na nasa sala na at nanonood ng kung anong palabas kasama si tita.

Binati ko si tito at si Kenneth at ngumiti naman ito saakin pabalik. Mga 7:00 na din ng umaga at maaga talaga nagigising sila sanay na siguro. Eh ano naman laban ko na mga 10:00 na nagigising doon sa Paris pero nag iimprove naman na kasi 7:00 na ko nagigising pag walang pasok

"Hala may baby ulit tita!?" Gulat kong sabi habang papalapit sa kanya ng makita ko si tita na may kargang bata na mukhang new born pa lang pero parang 3weeks old like that HAHA

"Ah oo pamangkin namin ng tito mo pinabantay muna samin kasi may lalakarin daw yung mom and dad niya" malambing na saad ni Tita

"Aww ang cute naman.....ano po name niya tita?" Malaki ang ngiti na tanong ko. Pano ba naman kasi eh parang namiss ko yung mga baby cousins ko.

"Sean Kian po ang name ko" saad ni tita na parang nagb-baby talk pa

"Wow kaganda naman ng name ng baby na yan ah" sabi ko naman. Ang cute nya lang kasi

"Ang gwapo nya pati tita oh tapos parang hawig niya si Kenneth lalo na yung mata oh" sabi ko nang hindi pa din naaalis ang tingin ko sakanya habang nakangiti

"Oh pano ba yan Kenneth tatlo na kami na nagsasabing kamukha mo sya" saad bigla ni tito

"So inaamin mo na gwapo ako?" Sarkastikong tanong saakin ni Kenneth habang may ngisi at naka-taas ang isang kilay kaya napasimangot akong tumingin dito

"Huy wala akong sinasabi ha" pagkakaila ko habang matalim ang tingin sakanya

"Sabi ko gwapo si KIAN" dagdag ko pa at diniinan yung pangalan ni baby

Gwapo naman talaga si Kenneth hindi maipagkakaila iyon, manang mana sa daddy nya. Nasa genes na ata nila eh pero mantutukso nanaman yan kaya ideny natin

"Ayy Yesh pakarga muna kay Kian na c-cr ako eh....nagluluto kasi ang tito mo baka masunog saka yang si Kenneth...Haystt paiiyakin lang yan niyan. Pag umiyak bigyan mo lang ng milk yung nasa bag ha" biglang sabi ni tita at tinuro yung lalagyan ng gatas

"O-Oh sige po" nataranta ako at kinuha si Kian na buong ingat kay tita since fragile pa ang mga baby na tulad niya

Tumakbo na si tita sa cr habang ako ay nakatayo at karga si Kian

"Wag kang iiyak baby okay" sabi ko kay Kian na pamulat mulat lang

Karga ko lang ito na may kasama pang tapik tapik para matulog kasi natatakot ako at baka umiyak nasa cr pati si tita tapos si tito naman may ginagawa

Ilang minuto na akong nakatayo at nangangalay na din ako. Haystt kaya ayoko pa maging nanay shemaii (charrot opo bata pa ako). Nakatayo lang kami nang biglang umiyak iyak si Kian

"Sshh, sshh tahan na po" "opo opo" " andito si ate" "Kian don't cry" tanging nasasabi ko sakanya habang hinihimas himas siya at natataranta nanaman ako pero hindi ko dapat pairalin ang taranta kailangan kong mapatigil ito

Hinimas himas ko lang siya at nag galaw-galaw para kunyare nasa duyan siya. Bigla ko naalala yung gatas. Pero hindi ako makakuha kasi yung isang kamay ko ay hawak hawak ni Kian habang yung isa naman ay nakakarga sakanya kaya no choice ako kundi tawagin si Kenneth

"Ken!" Tawag ko sakanya

"Yeah" agad naman niyang sagot at mukhang may binabasa pero isinara niya naman ito

"Pwede paabot yung milk sa loob ng bag" turo ko sa gatas

Tumayo siya sa pagkakaupo at kinuha yung gatas . Himala hindi nag maktol HAHA

"Oh" sabay abot saakin ng gatas

Tinignan ko lang siya ng malalim at may halong maliit na ngiti at pacute eyes eme HAHA at halatang pinipilit niya na mabasa ang gusto kung sabihin

"No way hindi ako marunong" sagot niya agad na may kunot na noo

"Eh dali na hindi ko yan mahahawakan kita mong kapit na kapit sa isang kamay ko oh" reklamo ko naman at pinakita ang kamay kong kinakapitan ni Kian baka kasi pag inalis ko eh umiyak

Sa huli wala siyang nagawa kundi ang padedehen si Kian HAHA hawak niya yung bottled milk habang yung isa niya namang kamay ay nasa may bibig ni Kian upang gawing suporta para hindi matapon ang gatas.

"Gotcha!" Rinig naming sabi ni tito pero hindi na lang namin ito pinansin kasi nga nagpapadede si Kenneth at baka magalaw si Kian pag tumingin ako kay tito. Kaya magkaharap lang kami ni Kenneth habang nakatayo at nasa gitna namin si Kian na nakahiga sa kamay ko

"Aww ang cute niyo dyan" biglang sabi naman ni tita na tapos na pala sa cr. Nagulat kaming dalawa ni Kenneth kaya natanggal yung pag kakahawak ni Kian sa kamay ko saka tinanggal na din ni Kenneth yung dede kasi paubos na din. Saglit kaming nagkatitigan pero agad niya itong iniwas kaya umiwas na din ako

"Pwede na tita maging kuya oh ehemm baka naman" pagbibiro ko para maiwasan ang kung ano man na awkwardness na namamagitan saamin

"Pwede na mag-asawa" sabat din ni tito kay Kenneth na inaayos yung hihigaan ni Kian na stand sya na for babies lang talaga

"HAHA oo nga naman Ken pili ka na lang sa mga babae jan sa labas oh dami daming nagkakandarapa sayo" pag gagatong ko

"Nah wala sakanila yung gusto ko" saad niya na busy pa din sa pag aayos ng baby stand na yun

"Wow! Tita narinig nyo yun, binata na si Kenneth may dream girl na!!" Sarkastikong sabi ko kina tita habang may ngisi

"Hmm sino kaya yun?" Dagdag pa ni tito at Tita

Hindi umimik si Kenneth pero kinuha yung atensyon ko para ilagay si Kian sa baby stand

"Yesh, lagay mo na dito si Kian baka nangangalay ka na" sabi ni Kenneth na nakatingin lang saakin na parang balewala lang ang pang aasar namin sakanya

Ibinaba ko si Kian sa may stand na inayos ni Ken pero gulat at may halong saya akong napatingin sakanya

"Why?" Walang emosyong sabi nya saakin

"Totoo ba yung narinig ko!? Tinawag mo na ko sa pangalan ko!?" Masayang sabi ko

"Oo? bakit?" Hindi pa din niya na gets

"Hala tita icecelebrate ko to, first time in his life na tinawag ako sa pangalan ko puro lang kasi siya "uy" "huy" ngayon "Yesh" na lumelevel up!!" Nakangiti pa ding saad ko

"Baliw!" Sabay pitik sa ilong ko at tumawa pa kaya piningot ko din ang tenga nito kaya umaray siya at kumunot ang noo kaya natawa pa ko lalo sa itsura niya

Dumating na si tito sa sala kung nasaan kami hawak ang malaking mangkok na may lamang fries na kanina niya pa niluluto

"Yesh, sa tingin mo ba may pag kakahawig yang si Kian saakin?" Biglang tanong saakin ni tito

"Si tito naman tinatanong pa ba yan HAHA syempre po gaganda ng lahi niyo eh....Ang singkit pati ng mata ni Baby Kian ang ganda" saad ko at totoo naman iyon

"Alam mo, tama ka Yesh, pareha nga yung mata nila ni Kent eh" dagdag ni tita habang sumusubo ng fries

"Oo nga po no HAHA pareha silang dalawa may pagka chinito mana nga pala kay tito, kung hindi nga po kilala eh baka isipin ng mga tao na magkapatid sila ni Ken" sabi ko

"True ka Jan bebe HAHA" Sabi ni tita kaya natawa na lang kami

"Chinito?....What's that?" Parang walang alam na tanong ni Ken

"Huh!?...Hindi mo alam ang chinito!?" Gulat din na tanong ko

"Will I ask?" Sarkastiko niya din na tanong kaya pabiro ko itong inirapan

"Alamin mo na lang... you can do it HAHA" Saad ko at sumubo na ng fries. Tinignan ko si Kenneth na mukhang lito pa din HAHA ang kyut;)

A Princess Disguise (Teenage Love Series #1) -UNDER EDITINGWhere stories live. Discover now