It's almost 12:00 noon and we arrived at the Bluewaves Resort and ang ganda my God! Iisang cottage lang ang ni rent namin pero malaki na ito at kasya ang kahit sampung pamilya HAHA
Madami din mga rooms and beds. Siguro sa isang room ay kasya ang 10-12 na tao since may mga double decks doon. Meron din doon mga masters beedroom na kung saan, doon siguro mamaya matutulog yung mga parents namin HAHA. Two days kasi kami dito and one night so bukas pa kaming gabi uuwi. Malaki yung place talaga lalo na sa cottage pa lang kasi may malaking sala doon and may mga naglalakihang sofa and may malaking tv din. Kung ano-ano pa ang mga nakalagay doon na appliances na pwedeng-pwede naming gamitin.
"Ang gara naman ng pa decor nila dito" Si Chesca iyon habang tinitignan-tingnan yung mga nakasabit. It was a simple yet elegant decoration lang para naman masabing may occasion HAHA. Simple lang and hindi naman kadamihan ang bisita. Kaming 12 lang talagang magkakaklase ang nandito then yung mga mommy and daddy namin.
Wala pa din until now sila tita kasi sila yung sasama dito kay Kenneth kaya kami-kami pa lang talaga. Nakapagdecide na din ako na ilugay na lang ang buhok ko since hindi naman masyadong mahaba pero hindi naman maikli like tama lang
Ready na ang lahat at nakapag set-up na din para ayos na ang lahat once na nandito na si Ken kaya habang naghihintay ay naglakad-lakad na lang din kami since may beach doon sa baba ng cottage. May pool din sa bandang likod and a jacuzzi kaya sulit din talaga ang binayad
Iyah was still recording and sinamahan pa ito nila Chesca kaya parang naging mga vloggers na tuloy kami, though hindi naman ako masyadong nalapit sa Camera pero pilit nila akong sinasali doon kaya no choice din me
"Guys! Papasok na sila Ken nakarating na daw, nasa may entrance na! " Tawag saamin ni Gab na nagpaiwan muna sa may cottage kasi may inaayos lang sa dalang gamit. Napalingon kami at agad-agad na pumunta sa cottage to surprise Ken
Lumabas muna si Kurt para silipin kung nasaan na sila tita. Ilang segundo lang ay may biglang bumukas ng door kung saan papasok si Ken at iniluwa noon si Tita na ang kasama.....ay si Kurt
"SURP--" Natigilan kami ng mapagtanto ang nakita. Ano to? Bat si Kurt yung kasama? Asan si Ken? Hindi ba siya sumama? Sunod-sunod na tanong ng isip ko pero agad na lumapit saamin si tita
"Guys, nasa car pa si Kent and mukhang loner nga" natatawa-tawa pang sabi ni tita kaya nabuhayan kami doon. Akala talaga namin ay hindi iyon sumama, knowing Kenneth na kapag malungkot, eh ayaw ng lumabas-labas man lang, dinaig pa ang babae eh kung mag emote haha
"Sige, susunduin ko na Sila ng dad niya then papasok kami diyan sa pinasukan namin kanina ni Kurt and kapag nakapasok na kami, sabay-sabay kayong sisigaw ng Surprise okay!?" Masigla at malaking ngiti na sabi saamin ni tita "and Yesh, ikaw na lang ang humawak mamaya ng cake ni Kent sa pag blow okay!?" Dagdag pa niya na ngiting-ngiti at hindi man lang hinintay ang isasagot ko at kumaripas na palabas
"T-Tita!" Tawag ko pa pero nakalabas na siya "B-Bat ako?" Mahinang sabi ko pero bigla namang may sumenyas na papasok na daw sila kaya itinuon ko na lang ang atensiyon sa unahan. Set-up na din lahat ng mga camera pati na yung ka Iyah HAHA siya pa ba!
Tahimik lang kami at sana lang ay walang ma-utot, cause it'll surely break the silence sa loob
"One!...Two!...Three!!!.... " The person near at the door mouthed and even counted silently through his hands and In the count of three......
"SURPRISEEE!!!!" Sabay-sabay naming sigaw nang bumukas ang pinto at nailuwa noon si Kenneth na halos busangot ang mukha pero agad naman iyong napalitan ng kunot na noo hanggang sa naging ngiting abot tenga na. Sinabayan din ito ng hiyawan at may nagpaputok pa ng mga confetti kaya nagsitawanan kami hanggang sa nabalot na ito ng mga ingay namin
YOU ARE READING
A Princess Disguise (Teenage Love Series #1) -UNDER EDITING
Teen FictionINTROVERT.... A person who really loves to be alone....The one who loves darkness, The one with less circle of friends, The one who's very observant, The one who speaks less but having a very talkative brain. That person barely talk to the person he...