Chapter 52: BESTFRIENDDD!!

357 16 0
                                    

As I said, nagbihis na nga ako at sinuot ulit yung damit ko kaninang puti-- actually dress na puti pala. Hehe wala na po kasi akong nadalang ibang damit. Tapos low bun na lang Ang hairstyle ko and nagsilabasan yung mga baby hairs sa may tenga ko kaya ang nangyare parang messy bun na ito. Hinayaan ko na lang ang nagtanggal na lang din ako ng ilang strands ng buhok sa may parteng tenga ko para naman gumanda at matakpan yung mga baby hairs na nagkakalat then I also let my light bangs fall. And natawa nga kami kasi pati din pala sina Chesca wala ng dala na ibang damit kaya ayon, lahat kami suot ulit yung mga damit namin kanina. Hindi kasi talaga namin alam na pupunta pala dito yung mga kamag-anak nila Kenneth, huli na ng masabi saamin nila tito at tita kasi nasa byahe na kami nun. Kahit nga daw sila tita eh nagulat din, kami-kami lang sana kasi talaga kaso hindi naman daw nila tita matanggihan saka family din daw yun kaya wala na din kaming nagawa.

So yun, kaya eto yung mga suot namin kasi puro na yun pambahay at nakakahiya naman sa bisita kung mga mukha kaming mga kung ano dito-- actually araw-araw naman, ngayon lang ulit kami magiging presentable-- hooo presentable daw?? Hehe jk lang

Buti nga at nakadress din sila Chesca and Maurine kasi kung hindi baka ako pa mapagkamalan na may birthday HAHAHA magiging mukhang timang ako dito charr.

"Hi Tita, Tito" Narinig naming Bati ni Ken na nasa may sala ngayon. Open naman yung cottage na na-rent namin and kitang-kita talaga yung labas pati yung beach pero pwede mo iyon ma I-close kasi may sliding glass pala na nakaattach doon na magsisilbing pader and tumataas ito once na pinindot mo yung remote kaya magiging open yung cottage. Shala naman!

Sa ngayon, pinanatili muna naming open ito para hindi na din gumamit muna ng aircon, hahayaan na muna namin na sariwang hangin ang pumasok sa loob

"Lola!" Nakita namin na nagmano si Ken sa isang matandang babae and I think yan yung lola niya sa Mother side kasi yung lola at lolo niya sa father side eh kilala ko, sila yung nakadaldalan ko nung Christmas nung tumawag ako kay Ken

"Lo! Mano po" magalang na sabi ni Ken kaya napangiti ako dun. Ang galang naman, Kaya sayo ako eh!

"Happy Birthday!" Bati ng mga bisita. Naka silip lang kasi kaming mga babae dito sa may pinto ng kwarto kasi natulog kami kanina after maligo sa pool and kakagising lang namin. Hindi pa nila alam na gising na us HAHAHA secret muna shh 🤫

Nakita namin na sabay-sabay na nagmano sila Kurt at Renz kasi syempre, lolo at lola din nila yun. Sumunod naman sila Anthony na agad din nakipag beso at nagmano sa mga matatanda

Nagulat Ako ng biglang dumating sila Lolo and Lola na siyang nakausap ko noong Christmast. Grabe baka walang katapusang daldalan nanaman ito mamaya pag nagpakita na kami

Magaganda yung mga bisita nila Ken, halatang kalahi nila Char. Hahahha nahiya tuloy bigla kaming lumabas, parang gusto na lang namin magkulong dito (ganon naman talaga tayo diba pag may bisita, nakakahiyang lumabas kaya eto tayo sa kwarto nagkukulong pero minsan panira kasi bigla tayo tatawagin ng nanay para utusan or palabasin)-- and speaking of palabasin--

"Oh kayo lang ba ang naririto, ay mahina, wala ba kayong mga kaibigang babae?" Tanong nung isang lola, I think yun yung lola ni Ken sa mother side. Agad kaming pumasok ulit sa kwarto ng marinig iyon at isinara ang pinto, ewan ko ba pero 'bat nakakatakot HAHAHA meet na family na ba this? Charrot HAHA

Binuksan ulit nila Chesca yung pinto ng kaunti at sumilip

"Ay hindi po la, nandoon po sa kwarto mga tulog" narinig naming sabi ni Kurt saka mahinang natawa

"Pagod po siguro kanina, naglaro po kasi ng naglaro eh" sabi naman ni Tita luna.

Hays buti naman at sinabing tulog kami. Hindi namin kasi Kita ng buo yung mga bisita kasi nga pasilip-silip lang pero dinig namin kung gaano na sila kaingay kaya possible na madami sila.

A Princess Disguise (Teenage Love Series #1) -UNDER EDITINGWhere stories live. Discover now