#2

8 1 0
                                    

Mahirap magmahal ng taong may mahal ng iba.

Sa palagay ko, talagang masakit ang magmahal ng taong meroon ng ibang mahal. Kasi, kahit ibuhos mo yung buong pagmamahal mo sa kanya kahit anong gawin mo, Wala kang mapapala kasi nasa iba ang atensyon niya, nasa iba ang puso niya.

Yung kahit ipamukha mo sa kanya na mahal na mahal mo siya na nanjan ka lagi para sa kanya. Wala, wala kang karapatan sa kanya. Lalo na kung mahal nila ang isa't-isa.

Kailangan mo lang maging masaya para sa kanilang dalawa. Tanggapin ang lahat ng bagay. Sa lahat naman ng problema ang nagiisang solusyon ay ang pagtanggap.

Kung nararanasan mo man ito ngayon, ayos lang yan. Darating naman ang panahon na ikaw naman ang mamahalin. At makikilala mo rin ang taong dapat makatanggap ng pagmamahal at atensyon mo. Yung taong para sayo. Kaya sa ngayon, maging masaya ka muna para sa sarili mo. I-enjoy mo muna ang buhay mo. :)

RandomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon