"Hindi lahat ng nakangiti sayo kakampi mo."
Usapang kaibigan naman tayo. :) Marami sa atin ang maraming kaibigan. Meron kang kaibigan na nakilala mo sa internet, sa school, may kaibigan kang kapitbahay mo. Basta, madali ka lang naman makakakilala ng mga kaibigan e. Pero hindi lahat ng iyan, ay totoo.
Hindi lahat ng iyon ay dapat tinatago.Let's face the reality. Aminin mo man o sa hindi, ramdam mo kung sino ang totoo o hindi sa mga kaibigan mo. Alam mo yan, pero dahil sa mahal mo sila okay lang sayo. Kasi binigay mo yung buong tiwala mo sa kanila. Kasi ayaw mong sirain yung pagkakaibigan niyo kaya nananahimik ka nalang kahit na alam na alam mo na hindi totoo yung ngiting binibigay nila sayo. Kunwari nakangiti sayo pero kapag nakatalikod ka na kung ano-anong bagay na ang pinagsasabi tungkol sayo.
Sa mga taong friendship oriented. Hahaha. May ganon ba? I mean, yung mga taong sobrang mahal yung mga kaibigan nila to the point na okay lang sa kanila kahit pinaplastic na sila basta wag lang mawala yung pagkakaibigan 'kuno' nila. Itigil niyo na yan. Kasi mas masakit kapag pinatagal, mas masakit kapag nasampal ka ng katotohanan na wala siyang pakielam kahit mawala ka sa buhay niya. Kaya mas maganda na kausapin mo na siya at isampal mo sa mukha niya yung pagiging peke niya.
Kung totoong tao ka, mas magandang patunayan mo yan sa pamamagitan ng pagsasabi ng totoo sa kanila, sabihin mo kung ano yung mga nakita mo sa pagkatao niya. Sabihin mo lahat ng nasa loob mo, lahat ng nararamdaman mo. Mas masarap at maginhawa sa pakiramdam yung walang tinatago. Yung easy lang, walang problema. :)
Kaya kayo! Ingatan niyo yung mga totoong kaibigan. Mahirap na yan hanapin sa panahon ngayon. :)

BINABASA MO ANG
Random
RandomThis is pure NOTHING. Hahaha. I am not forcing you to read this because this is not a story. Isa lang po itong mga salita/bagay na napapadpad sa utak ko at gusto kong bigyan ng rant HAHAHA jk. :)