#7

9 0 0
                                    

"Forget who hurt you but never forget what it taught you"

Sa buhay natin, normal na sa atin yung maramdaman yung sakit. Sa lahat ng bagay na konektado sa pagkatao natin maaring magdulot ng iba't ibang epekto sa atin.

Ilagay nalang natin sa tema ng pag-ibig ang sakit. Isipin nalang natin na iniwan ka ng taong mahal mo na kahit sa panaginip ay hindi mo iisiping iiwanan ka niya at kaya ka niya makitang nasasaktan at nahihirapan.

Pag-ibig, iyan na ata ang pinakagasgas at pinaka makapangyarihang salita sa mundo. Maraming naloloko, nasasaktan at umaasa. Sa pag-ibig hindi natin maiiwasan ang masaktan. Masaktan ng taong mahal natin, ng taong pinagkakariwalaan natin, ng taong binigyan natin ng oras at atensyon.

Pero makaramdam ka man ng ganong sakit dapat alam mo kung paano bumangon, alam mo kung paano ulit tumayo at ipapatuloy ang buhay.

Kailangan natin maging positibo dahil hindi naman pepwede na tumunganga nalang tayo at hintayin na magbago ang isip nila at balikan tayo para hindi na natin maramdaman yung sakit.

Lagi mo lang tatandaan na kasabay ng bawat sakit na iyan ay isang aral. Tinuturuan tayong maging mas matatag at malakas. Tinuturuan tayong mas maging masaya ng walang inaasahang tao na tutulong sa atin para makamit ang sayang iyon.

Tinuturuan tayong tumayo sa sarili nating mga paa dahil nakakaya natin baguhin ang mga bagay na nakasanayan nating gawin kasama sila. Kumbaga, you against the workd pero wala kang pake as long as masaua ka sa ginagawa mo.

At higit sa lahat, tinuturan tayo na maging mapagpatawad at tumanggap ng bagay na alam naman nating kahit kailan ay hindi na maiibabalik pa.

Yes, maybe being broken is not that easy but time will come that you will just endure all the pain and hatred you feel/felt for someone like it's nothing.

Pero huwag ka rin naman sanang maging manhid, be sensitive parin sa feelings ng iba. Hindi porket nasaktan ka, pwede mo na rin saktan yung feelings ng iba.

RandomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon