KABANATA 3

31 0 0
                                    

Kinaumagahan si mama ang nag dala ng almusal ko sa kwarto , hindi na nila ako pinalabas ng kwarto baka daw kasi nanghihina pa ako.. eh pakiramdam ko naman okay na ako.

"Anak oh, bacon and ham di ko kasi alam kung gusto mo ba mag kanin o tinapay lang kaya dinala ko na lang parehas teka ano bang gusto mo gatas? choco? juice? or what? kukuhaan kita sa baba kung ano gusto mo"

"Okay na ako kaya ko na, si nanay bilen na lang bahala sa akin, sige na puntahan mo na ang trabaho mo nakakahiya baka malate pa po kayo"

"Hindi anak nag leave ako para sayo para maalagaan kita ng ma'ayos" maaliwalas na sabe ni mama habang nakatingin sa akin

Napapaisip ako kung bakit to ginagawa ni mama marahil siguro nakokonsensya sya sa nagawa nya kagabi ngayon lang sya lumiban sa trabaho nya maliban na lang kung may sakit sya kaya nakakapag taka.

"Wow! just wow! so kaylangan ko pa palang munang magkanda matay para maalagaan mo ma, teka! bakit mo naman pala ako aalagaan eh ni hindi mo nga alam kung saan ako may allergy, nakokonsensya ka ba ma? kung nakokonsensya ka lang naman sa nagawa mo. pls lang ma umalis na lang po kayo"

"Anak gusto kita alagaan wag naman tayo mag away, sige na kumaen ka na oh" nakikiusap na pahayag ni mama habang inilalapit sa akin ang mga dinla nyang pagkaen

di ko alam kung maniniwala ba ako sa mga kinikilos ni mama ayokong umasa na totoo lahat ng ginagawa nya tsaka kung totoo man bakit ngayon lang? tss ang plastik ni mama di man nya sabihin alam ko! alam kong ginagawa nya lang to kasi nakokonsensya sya! na lalong nakapag painit ng ulo ko di nya kaylangan gawin to lalong sumasakit eh sa pakiramdam.

kinabig ko ang mga pagkaing dala ni mama halata sa muka nya ang pagka bigla sa ginawa ko kitang kita ko ang inis sa muka ni mama pero wala akong pake elam.

"Tumigil ka na nga ma sa pag arte na animo talagang concern ka sa akin! di yan pag alala kundi nakokonsensya ka lang! ma uma-"

di ko na natapos ang sasabihin ko ng halos lumipad ang muka ko sa lakas ng sampal ni mama sa akin, tinignan ko ng sobrang galit si mama dahil sa ginawa nya sa akin hindi ko napansin na nasa kwarto na rin pala si nanay Bilen.. nakatitig lang ako kay mama walang gumagalaw sa amin dahil pati si mama nagulat sa nagawa nya bumalik kame sa mga wisho namin ng napa sigaw si mama sa sakit naka tapak si mama ng bubog galing sa mga nabasag na plato lumapit si manang kay mama .

"Amor yung paa mo! halika na't gamutin na natin mamaya na lang kayo mag usap ng anak mo"

ngunit hindi pinansin ni mama si nanay Bilen kumawala sya sa pag aalo ni nanay Bilen at nanakbo palapit sa akin niyakap ako ni mama ng mahigpit kasabay nun ay ang pag iyak nya.

"Anak sorry! sorry di ko sinasadya sorry!!! nadala lang ako ng galit ko sorry di sinasadya ni mama sorry anak sorry" paulit ulit na sabe ni mama habang niyayapos ako ramdam kong basa na ang balikat ko sa mga luha ni mama rinig na rinig ko ang mga hikbi nya nang humiwalay sa pagka yakap si mama para tignan ako nakita ko ang tulo ng sipon at luha nya nag hahalo sa muka nya.

hindi ko alam kung bakit nagagalit pa rin ako kay mama ngayong kitang kita ko ang pag iyak nya tila ba hindi ko kontrolado ang mga salitang lalabas mula sa bibig ko sa isip at puso ko gusto kong yakapin si mama at humingi ng tawad ngunit nung binuka ko ang aking bibig ibang salita ang lubas.

"Again!!? hindi mo nanaman sinasadya ma?!!! nanaman?????! sorry?  nanaman?!!! get out!!!! get out!!!!!!!! ma! di pa ba sapat na muntikan mo na akong mapatay??!!! ngayon sinaktan mo nanaman ako!!!!! ayoko sayo!!! sana hindi ikaw naging nanay ko!!!"

"Princess!!!!! tama na yan sumosobra ka na!!! mahal na mahal ka ng mama mo tapos ayan ang sasabihin mo?! magtigil ka na!! Amor halika na"

Galit na galit na pahayag ni nanay Bilen si mama halos mukang gumuho ang mundo nya sa mga salitang binitawan ko, inalalayan na ni nanay Bilen si mama palabas ng kwarto ko ang huling narinig ko na lang ay ang malaks na pag sara ng pintuan ng kwarto ko at kasabay nun ang pag bagsak ng mga luha ko hanggang sa nakatulugan ko nanamn ang pag iyak.

i'M Sorry ..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon