AVERY 28

49 3 4
                                    

AVERY GISON'S POV

@Gison's Residence

Bit -bit ang mga maleta kong pumasok sa bahay namin dito sa Pampanga.

"Avery anak?" My mom called me.

I smiled at her and hugged her tightly.

"What are you doing here? Hindi ba't may trabaho ka pa?" Nagtataka niyang tanong.

"I was on leave mom.." Sabi ko atsaka kumalas sa kaniya.

Sige lang Avery..

"Bakit nadis-oras ka ng uwi? Atsaka bakit hindi ka man lang tumawag na uuwi ka pala?"

"Biglaan ho kasi atsaka ayaw ko na ho kayong maistorbo. Dis oras na din kasi." Magalang kong palusot.

Hindi ko alam kung pinaniwalaan niya ba ang palusot ko.

"Kumain ka na ba?" Tanong niya ulit.

Umiling ako.

"Osiya, Sige ipaghahanda kita ng makakain. Ipasok mo na muna yang mga gamit mo sa maleta mo" Utos niya sa akin.

Tumango naman ako.

Umakyat ako sa kwarto ko.

Pagpasok ko ay pinagmasdan ko muna ito..

Ilang taon na ba akong hindi umuuwi?

Sa panahon kasi ngayon uso na ang video call sa messenger atsaka busy din ako sa trabaho ko.

Trabaho o love life?


-----

NEXT DAY MORNING

I woke up because of a loud knock on the door.

Pupungas-pungas akong tumayo para buksan ito.

"Anak. May bisita ka." My mother said.

"Ha? Sino?"

"Nobyo mo daw." Ngumingiti-ngiting sagot niya.

"Sige.. Bababa na ho ako." Sabi ko atsaka dumiretso sa cr para maghilamos.

Nobyo mo daw..

Nobyo mo daw..

Nobyo mo daw..

Napatingin ako ng diretso sa salamin. 

"Ano daw?!" Parang tanga na kausap ko sa sarili ko!


MRS. GISON'S POV (MOTHER OF AVERYN GISON)

"Iho sandali ha, Baba na raw siya.." Sabi ko sa lalaking nobyo daw ng anak ko.

Tumango naman ito at bahagyang ngumiti.

"Nag almusal ka na ba iho?" Tanong ko sa kaniya.

"Not yet." Sagot nito sa wikang ingles.

Halatang galing ito sa marangyang pamilya dahil sa kasuotan nito.

Ipinagtimpla ko muna siya ng maiinom habang hinihintay bumaba ang anak ko.

Hindi ko alam kung ano ang rason ng biglaang pag-uwi niya dito pero malaki ang hula ko na may kinalaman ito sa lalaking nagpakilalang nobyo niya.


VINCE VELASCO'S POV

I stood up when I saw the picture frames displayed in a corner of their house.

It was Avery's picture when she was a child.

From toddler to her college days.

"Iho. Magkape ka muna habang hinihintay mo ang anak ko na bumaba." Nakangiti niyang sabi.

MY HIGH-END SECRETARYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon