Chapter 3

631 20 2
                                    

Violet

“Mommy!” sigaw ko pagpasok ko pa lang ng bahay namin.

“I'm in the kitchen, sweetie!”

Ibinaba ko muna ang bag ko sa couch bago tumakbo papunta sa kitchen namin.

“Why are you shouting, Violet?”

“Wala lang po. I miss you!”

Napailing lang ito bago ako halikan sa noo.

Katulong niya magluto sila Manang Beth para sa hapunan namin. Mabuti wala siyang out of town ngayon kaya siya ang nagluluto.

Hands on si Mommy sa amin pero minsan lang umuwi rito si Sefia kasi sa condo siya natutulog.

“Mommy, may kilala ka bang Iliana Lazaro?”

“Iliana? That name is familiar but I can't really figure her out. Why? Is she your crush or what?”

Luh?

“No, pero sabi niya kanina niligtas ko raw siya 14 years ago. Pero, wala akong matandaan na may iniligtas ako.”

“Manang Beth, do you know who's Iliana Lazaro?” Mommy asked.

Napatigil sa paghiwa ng rekados si Manang Beth at mukhang inaalala kung sino ang babaeng ’yun.

“Sa pagkakatada ko lang, Ma’am, siya ’yung bata sa ampunan na muntik na masagasaan pero nailigtas ni Violet.”

May ampunan na tinutulungan si Mommy at kami rin ay minsan nagvo-volunteer kapag may time.

“Yes, now I remember. She's the girl you promised to marry one day before she was adopted by the Lazaro family and migrated to the US.”

“Seryoso po ba? Kasi wala talaga akong maalala na gan’on and hindi ako mangangako ng kasal. Balak ko nga maging rich Tita sa mga magiging pamangkin ko kay Sefia.”

Truelalo, sana nga may binubuhay ng pamilya si Sefia para makapag gift na ako sa pamangkin ko.

“Well, let's not talk about it. Maybe she forgot about your promise or not.”

Dahil wala na akong tanong ay nagpaalam na ako sa mga ito at umakyat sa taas para maligo at makapagpalit ng damit.

Babantayan ko kasi ang babaeng ’yun mamaya at may balak silang magbar ng mga kaibigan niya.

Kailangan ko lang mafigure out kung sino ang taong nagtatangka ng buhay niya para matapos ko na ’to.

Pagkababa ko ay naabutan ko si Sefia at kasama nito ang isang babae.

Omyghad! Magkakaroon na ba ako ng pamangkin?

“What's with your expression? Are you thinking we have a baby, and that's why we're here?”

Binabasa ba niya ang utak ko?

“Ang assuming mo, Sefia.” saad ko bago tumingin sa likuran niya. “Hello, feel at home.” bati ko rito.

Bliss: Violet YvetteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon