Violet
—Tulala akong nakatingin sa kawalan at pinilit inaalis sa isip ko ang napanood ko kagabi hanggang madaling araw.
Ramdam ko na umiinit na naman ang pisngi ko dahil sa mga scene na napanood ko. Ako pa ba 'to?
"Yve, what's the problem? You're zoning out again."
Napabuntong hininga ako at mahinang pinalo ang ulo ko.
"Wala, bagsak kasi ako sa quiz kaya natutulala na lang ako. Sige, kain lang kayo."
Kasama ko maglunch sila Sefia at ang dalawang kaibigan nito. Si Zara at si Yna.
Hindi ko kasama si Red dahil hindi siya pumasok. Malay ko ba sa babaeng 'yun baka nakabaon na 'yun sa lupa.
Kaninang umaga ay pinalayas na rin ako ni Isabella sa town house na 'yun at mabuti na lang walang sira ang kotse.
"Sefia, ipasok mo nga ako sa fastfood kung saan ka nagtatrabaho."
"I actually resigned from my job yesterday because we'll have a busy schedule."
Sabagay, sa hospital na pala sila. Hay! Malapit ko na kasi matapos ang ginagawa ko kaya need ko na may pagkakaabalahan.
Busy na nga rin ang schedule namin dahil graduating students na kami. Pa easy-easy na ngalang ako sa buhay.
OJT na nga kami pero next week pa ang start.
"Anyway, are you having a hard time to sleep again? I can see your eyebags."
"Hayaan mo na 'yan. Pinaghirapan ko 'yang makuha kanina."
Napailing na lang ito.
Kami ang nag-uusap dahil busy ang dalawang kasama niya na magkwentuhan. About school stuff lang naman 'yun kaya hindi ako makarelate.
Napatingin ako sa entrance ng shop at pumasok si Isabella kasama ang mga kaibigan nito. Sa dinami-rami ng lugar na pwedeng pagkainan ay dito pa talaga nila naisip.
"Do you like her? Your eyes is glowing again."
"Ano ba? Hindi ko nga siya gusto."
Hindi ba pwedeng nagreflect lang ang ilaw sa mata ko? Lahat na lang talaga napapansin niya.
"I can see it in your action towards her."
"Ako rin, nakikita ko na crush mo si Zara."
Napataas ang kilay ko dahil ngumisi ito sa akin itinaas ang kamay nilang dalawa na magkahawak.
"What is the meaning of this? K-Kayo?" hindi makapaniwalang tanong ko rito.
"Not yet, but I'm courting her."
Ha! Natuto na siya magyabang sa akin. Kung tutuusin kapag sinagot siya ni Zara ay siya ang kauna-unahang girlfriend nito.
"Nagkiss na kayo?"
Nakita ko ang pamumula ng pisngi ni Zara kaya na curious tuloy ako. Good kisser kaya si Sefia? Hindi ko alam kung may experience na 'yan siya.

BINABASA MO ANG
Bliss: Violet Yvette
FantasyMorozov Twins #1 | GxG | Taglish - Violet Yvette Morozov - the first born of Princess Seline Favia Morozov and Aishlin Leigh.