Violet
—“Gusto mo pancit canton?” tanong ni Red pagpasok ko.
Tapos na kami mag OJT at successful naman kasi naging good ang aming performance sa company na ’yun. Although, may mga minor problem pero nabigyan pa rin ng solution.
“No, thank you.”
“Bakit may kakaiba sa’yo, Violet? Parang naging cold ka na. May nangyari ba sa’yo?”
Yup, napansin din ’yun ng mga tao sa paligid ko. Kahit ako ay nababaliw na rin kung bakit ako ganito.
“Kulang lang ’yan sa kiss si Violet. Kiss mo nga Claire bubuhayan na ’yan ng loob.”
“Mwa.”
Nagtawanan ang dalawa pagkatapos. Hay nako! Ako na naman ang trip nila.
Malapit na kami gumraduate at balak ko sana hindi muna mag board exam pero nakakatamad tumambay sa bahay.
Try ko nga mag-artista and if didn't work, at least I tried. Ang dami ko talagang alam.
Sa loob ng 30 days, wala naman gaanong ganap dahil hindi ako gumagala at diretsong uwi na lang sa bahay.
Hindi na rin ako pala tambay sa HQ kaya hindi ko na sila nakakasama.
Pagkatapos mag-announce ni Ma’am ay lumabas na kami at iniwan ko na sila.
Pupunta akong mall ngayon dahil may inutos si Mommy na bilhin ko. Ginagawa nila akong utusan kapag talaga nasa bahay.
Pagkarating ko sa mall ay hinanap ko agad ang store at bumili ng pinapabili niya. Ang haba nga ng pila sa hindi ko malamang dahilan.
Medyo naging mainipin na akong tao kaya kahit dito ay naiinip na agad ako.
Nang ako na ang sumunod ay inilapag ko ang item at ang card ko na hindi na naka freeze.
“Ma’am, isama ko po kayo for documentation. Okay lang po ba? Kasama niyo rin po si Ms. Isabella.” saad ng photographer.
“No.”
“Sige na, Ma’am. Ang ganda niyo po at bagay kayo sa isang frame. One shot lang then tapos na.”
“Do I need to repeat myself? Or didn't you understand my answer?”
Kaniya-kaniya namang bulungan ang nasa paligid namin.
“Ay! Ang sungit.”
“Maganda sana kaso may attitude. Tsk!”
“Bakit pa siya nandito kung ayaw niya makasama sa picture? Ang arte niya.”
Malay ko ba kung bakit ganito sila.
“Let her. Besides, she has her own privacy. Let's just respect it.”
Kinuha ko na ang binili ko at ’yung card bago lumabas sa store na ’yun. Ah! Promo launch siguro kaya maraming tao.
Malay ko ba kay Mommy kung bakit siya nahilig sa item na ’to. Siguro buntis siya.

BINABASA MO ANG
Bliss: Violet Yvette
FantasyMorozov Twins #1 | GxG | Taglish - Violet Yvette Morozov - the first born of Princess Seline Favia Morozov and Aishlin Leigh.