Violet
—“Finally! Gising na ang anak sa mayaman. Good morning, Salvador.” bati ko rito bago ilapag ang gamot at tubig sa side table.
“Where am I? And why am I here?”
“Nakikita mo ba ang picture na ’yun?” turo ko sa frame. “Syempre mukha ko ’yun kaya nasa kwarto kita.”
“Your room sucks.”
Aba! Nilalait pa niya ang kwarto ko na maganda.
“Bakit? May aquarium ba ang kwarto mo? Huwag ka nga.”
Kinuha nito ang gamot at ininom na kahit hindi pa siya kumakain. Naramdaman niya siguro na nahihilo siya.
“Bumangon ka na kasi may pasok pa ako. Bawal malaman ni Mommy na dito ka natulog sa kwarto ko.”
“Then why you let me sleep in here?”
“Kasi nga... Wala akong susi ng mga guest room kaya dito kita pinatulog.”
Sa totoo niyan bukas talaga ang mga guest room namin sadyanh tinatamad lang ako dalhin ang babaeng ’to.
“Where's my purse?”
“Aba! Malay ko. Nakita lang kita sa labas ng bar na pasuray-suray, kaya bilang isang kapitbahay ay tinulugan na kita.”
Bigla itong tumayo at napansin siguro niya na wala siyang suot na brassiere kaya dali-dali itong nagtakip ng kumot.
“Where is it?! Why the hell you freaking remove it from me? You pervert!”
“Hoy! Hinaan mo lang ang boses mo. Marinig ka ni Manang Beth at isumbong niya ako kay Mommy. Tska, inalis ko ’yun para hindi ka mahirapan kumilos habang natutulog.”
Kinuha ko ang tong na kinuha ko sa kitchen namin at sinipit ang brassiere niya.
“Oh, ’di ko ’yan hinawakan. Magpa-finger print ka pa r’yan.”
Hinablot niya ’yun kaya tumalikod na ako at tinapon sa basurahan ang tong. Bibigyan ko na lang ng pera mamaya si Manang Beth pambili ng tong na bago.
“I need to go now.”
“Sige, daan ka sa backdoor para hindi ka makita.”
Sinuot ko na ang jacket ko at sumabay sa kaniyang lumabas ng pinto.
Ako ang una niyang pinababa bago siya sumunod. Ano ba ang kinakatakot niya? Kapag ganitong oras kasi ay nasa garden ang mga tao rito.
Pinanood ko na lang siya hanggang tuluyan ng makaalis ng bahay namin.
Dumaan muna ako sa pantry at kumuha ng dalawang cookies na gawa ni Mommy. Masarap siya actually kaya nga may store siya malapit sa University pero minsan niya lang ito puntahan.
Ako ang inuutusan niyang pumunta o silipin ang nangyayari r’on pero ayos lang naman.
Nang makarating sa school ay bigla akong hinarang ng guard kaya inalis ko ang suot kong helmet.
“Ma’am, holiday po ngayon. Wala pong pasok ang University.”
“Ano? Bakit hindi ko alam?”
“Tumingin po kayo sa official page ng school at may announcement d’on.”
“Sige, salamat.”
Wala palang pasok? Bakit hindi sinabi ng babae na ’yun kanina na walang pasok? Kaya siguro hindi siya nagmamadali.
Dumaan ako sa flower shop at bumili na rin ng pastries para dalhin kay Mommy dahil wala akong gagawin.
Pagdating ko sa building ng company ay pinabantayan ko muna sa security ang motor dahil hindi rin ako magtatagal dito.

BINABASA MO ANG
Bliss: Violet Yvette
FantasyMorozov Twins #1 | GxG | Taglish - Violet Yvette Morozov - the first born of Princess Seline Favia Morozov and Aishlin Leigh.