"HERE ARE THE CHOCOLATES YOU WANTED.
Ibinaba ni Hiro sa table ang mga pasalubong niya galing Japan. Binilhan niya ako ng maraming matcha-flavored chocolates dahil lang sinabi ko noong isang araw na gusto ko ng matcha. Hindi ko na rin alam dito kay Hiro kung bakit lahat ng sinasabi kong gusto ko ay dinadamihan talaga niya.
"Chocolates!" Tuwang-tuwang tumakbo palapit si Avrielle para tingnan
'yong laman ng plastic. "Daddy, did you buy for me, too?" Ngumuso siya. "Of course, my love." Kinuha ni Hiro 'yong milk chocolate na gusto ni Avrielle at ibinigay sa kanya. Napangiti kaagad nang maluwang ang makulit na bata.
"Did you take care of Mommy and your sibling while I was away?" Hinaplos ni Hiro ang buhok ni Avi.
"Of course, Daddy! Sometimes, I would feel my sibling in Mommy's tummy, kicking!" pagkukuwento naman ng anak ko.
"Does it hurt?" nag-aalalang tanong ni Hiro sa akin at hinawakan pa ang tiyan ko.
I was already five months pregnant. Again, it was not planned at all! Pero okay lang din naman sa amin ni Hiro na magkaroon ng isa pang anak. Besides, we were already stable. Malaki na rin si Avrielle kaya hindi na kami gaanong mahihirapan. Because I was pregnant, I took a leave from work. Hindi muna ako nagtatrabaho at si Hiro muna ang lumilipad sa amin.
"You're... What?" tanong ni Hiro sa akin nang sabihin ko sa kanyang buntis ako habang naglalakad kami palabas ng airport. I took a pregnancy test that morning bago kami nagkasama sa iisang flight.
"I'm pregnant," paglilinaw ko.
Napatigil siya sa paglalakad at nanatiling nakahawak sa maleta niya,
nakatulala sa akin. Tinaasan ko siya ng kilay at ikinaway ang kamay ko sa tapat ng kanyang mukha para matauhan siya."Babe, I'm pregnant. Sabi ko, buntis ako," pag-ulit ko pa. "Wait... What the fuck?" gulat na sabi niya at napatakip pa sa bibig niya. All the flight attendants also stopped walking because we did. "Is this for real? I swear, if this is another prank, Yanna"
"Totoo nga!" inis na sabi ko. Paulit-ulit naman 'tong lalaking to. Ako rin naman, hindi makapaniwala kaninang umaga, pero mabilis ko lang ding natanggap. Ano pa ba'ng ine-expect ko if we were doing it almost every day? "LQ lang yang sina Cap at Yanna... Tara na," pag-aya ni Kyla sa mga flight attendant. Nauna na silang maglakad palabas at iniwan kami.
"Holy..." Hindi maituloy ni Hiro ang sasabihin pero mababakas sa mga mata niya ang tuwa. "This is... great." "Yes," I agreed.
I guessed it was the right time for another baby. Kaya na
namin and we had talked about it before. We agreed we could have another one. Hindi lang namin inaasahang ngayon na pala 'yon."I love you," he whispered when he kissed me on the forehead. "This time,
I'll take care of you..."Alam ko na kung paano mabuntis dahil naranasan ko na kaya hindi na ko masyadong kinakabahan o natatakot kapag may nararamdaman dahil alam kong normal lang iyon. Pero itong si Hiro! First time niya kasi akong makitang ganito kaya sobrang pag-aalala naman yata ang ipinaparamdam niya sa akin! May masakit lang, gusto na akong dalhin sa ospital?!
"I told you, it's normal," sabi ko habang nakahawak siya sa tiyan ku "Hindi naman masakit."
"Still... what if there's a problem?" tanong pa niya sa akin.
"Wala nga. Ganyan din naman kay Avrielle noon at saka kapepe-checkup ko lang, ha! Okay naman daw, sabi ng doktor." "It wouldn't hurt to check again?" pamimilit pa niya.
Napasabunot ako sa sarili at sinamaan siya ng tingin. Hindi na yata kinakaya ng pasensiya ko ang kakulitan ng lalaking to! Parang ikamamatay ko ang pagsipa ng bata. May regular checkup naman ako at wala namang complications.