Special Chapter 3: Juarez Family Date

16.6K 73 2
                                    

YANNA

"YOHAN, ISA! BUMALIK KA RITO!" Pagod na pagod na ako nang habulin ko na naman ang makulit na batang yon at binuhat. Tawa siya nang tawa habang nilalaro sa kamay ang string ng balloon na binili ko para sa kanya sa park. Sina Hiro at Avrielle ay abalang nag-aayos ng mga pagkain namin sa picnic mat. It was Sunday and we decided to free our schedules so we could have some family bonding outside.

Ayaw ni Hiro na magtrabaho ako pagkapanganak ko kay Lai kaya nag-
take ako ng ilang months off pero hindi ko kayang manatili lang sa bahay habang-buhay kaya naman nagpumilit ako. Baka masiraan ako ng ulo kapag hindi ako nakalalabas. Anyway, sobrang minsanan lang naman akong sumama sa mga lipad ni Hiro dahil nga kailangan kong alagaan si Lai.

Hindi kami kumuha ng babysitter dahil nariyan naman ako at si Hiro. Bihira lang ang mawala kami nang sabay. Siguro ay isa o dalawang beses lang
iyon nangyari at si Haze ang pinagbabantay namin sa mga bata.

"Mommy, Yohan play," sabi sa akin ng anak ko habang naglalakad ako sa picnic location namin. Nasa isang malaking park kami sa isang malayong lugar. Pumunta talaga kami rito para lang mag-picnic dahil mas fresh ang hangin kaysa sa city.

"Mamaya na mag-play, Kakain muna," sabi ko naman at umupo na sa picnic mar. Naayos na pala iyon nina Hiro ar Avrielle, Kumakain na nga si Avi ng tinapay na may strawberry jam. Madungis siya kaya pinunasan ko ng
tissue ang gilid ng bibig.

"Careful," sabi ni Hiro sa akin nang muntik na akong mapahiga sa mat. Inaabot kasi ni Yohan ang balloon na nakatali na ngayon sa palapulsuhan
niya. Kinuha naman ni Hiro si Yohan mula sa akin at siya na ang nagbuhat habang naghahanda ako ng kakainin ko at ni Yohan.

"Ako na," sabi ni Hiro at kinuha ang kainan ni Yohan. Marunong nang kumain ng solid food si Yohan dahil three years old na siya. Malaki na rin Avrielle. Nasa high school na. Ang laki ng agwat ng magkapatid kaya

protective din talaga si Avi kay Yohan. "Mommy, Daddy, there's a parent or guardian meeting tomorrow," sabi ni Avrielle sa amin. "Who will attend?" "Ah..." Nagkatinginan kami ni Hiro para mag-usap sa mga mata kung Sino ang pupunta.

"Ikaw na," sabi ko kaagad. "Aalagaan ko si Lai." The last time I attended a parent conference, the mothers were all staring me." Napasapo si Hiro sa noo, inalala ang time na yon. Nakakatawa dahil ikinuwento niya sa akin na may nanghingi pa ng number niya. Tinanong din kung single dad ba siya!

"Napagkamalan ka pang kuya ni Avi," natatawang sabi ko.

"Yes. I can take care of Lai. You should attend," sabi niya sa akin. Napanguso ako at nagkibit-balikat na lang.

Ako na nga lang ang pupunta! Wala rin naman akong gagawin  bukas. Hindi na ako nakipagtalo dahil baka isipin ni Avi na pinagpapasa-pasahan namin sya.

"Taste good?" nakangiting tanong ni Hiro kay Yohan pagkasubo nito sa kutsarang may lamang pagkain.

Yohan scrunched his nose and smiled because it was sour "Cute." Napangiti tuloy ako habang pinapanood sila. Pagtingin ko kay Avrielle ay siyang nagpapalaman ng sariling tinapay kaya kinuha ko iyon sa kanya abala at ako na ang gumawa

"That's for Lai," sabi niya nang iabot ko iyon sa kanya.

"Oh..." Hinalikan ko siya sa ulo ar iniabot kay Hiro yong tinapay. Avrielle was an affectionate and responsible sister to Yohan. Pakiramdam ko ay gusto niyang iparamdam sa kapatid na nariyan siya kahit madalas kaming
wala ni Hiro.

"Do you still want to be a pilot or a figure skater?" tanong ni Hiro kay Avi pagkatapos naming kumain.

Nakahiga ang anak ko sa binti ng kanyang ama habang nakasuot ng shades dahil maliwanag ang kalangitan. Kandong-kandong ko naman si Lai na nakatulog sa dibdib ko habang yakap ako. Hapon na kasi kaya inantok na siya.

Safe Skies Archer Special ChaptersWhere stories live. Discover now