Prologue
Pano nga ba ang mag move-on?
Sabi nila SIMPLE LANG YAN, MADALI LANG YAN ika nga daw sa isang kasabihan
"if there's a will, there's a way"kung gugustuhin mo daw, maraming paraan pero kung ayaw mo, madami kang idadahilan.
Ang pagmomove-on pa nga daw ay nakadepende sa kung willing na ba ang isang tao na maglet go sa nakaraan nya. Kung handa na ba syang pakawalan ang taong minahal nya at kung ready na ba syang maging masaya ulit.
Pero,paano kung ikaw na mismo yung nasa sitwasyon.
Makakayanan mo kayang kalimutan na lang yung taong naging parte na ng buhay mo?
Makakaya mo kayang kalimutan na lang ang mga panahong pinagsamahan nyo? at
Magagawa mo pa kayang magmahal muli sa iba kung ang laman pa din ng puso't isip mo ay sya?
Diba ang hirap?
Kaya hindi nyo ko masisisi kung hanggang ngayon ay umaasa pa din ako na balang araw ay magkita kami ulit, na sa muling pagkikita namin masabi ko sa kanya kung gaano ko sya minahal at matanong ko sya kung bakit nya ko iniwan.
Ako nga pala si Lovely Cruz, "Love" for short. Sabi nila bagay daw sakin yung pangalan ko kasi sobra daw akong mapagmahal na tao. Well hindi ko sila masisisi kasi totoo naman yun, kaya lang dahil sa sobra akong magmahal sobra-sobra rin akong nasaktan.
Nasaktan ng isang lalaking buong puso kong minahal at buong puso kong pinagkatiwalaan na sa huli ay iiwan lang din pala ako.
Hayyy!! buhay pag-ibig nga naman.
Buti pa ang Math eh, mahirapan ka man sa una atleast sa huli matututo ka, kaysa naman sa love na to! nasaktan ka na, umiyak ka na at umasa ka na lahat lahat pero hindi ka pa din matutotuto.
BINABASA MO ANG
The One Who Heal the Pain
RomansaMakakaya mo pa kayang magmahal ng iba kung nasaktan ka ng sobra dahil sa iyong nakaraan?