CHAPTER1

3 1 0
                                    

IVARA POV

Malayo pa ang nilakbay ko papuntang mount forest gusto kong magrelax at makalimot. Pagdating ko sa mount forest walang katao-tao akala ko pa naman may makakausap o may makikilala man lang ako dito pero wala. Pero sabagay mailalabas ko na lahat ng hinanakit ko sa buhay.

"ahhhhhhhhhhhhhh!" sigaw ko
"bakit lagi na lang ako iniiwan?NAGMAHAL LANG NAMAN AKO! kapalit-palit ba ako?
" oo" may sumulpot na lalaki sa gulat ko muntik na akong mapasungaba
" aray ha, sa dinami-dami ba naman ng tao ikaw pa parang di ako MINAHAL HA!"
" bakit ka nandito?" tanong ng highschool crush ko
" bakit ka rin nandito?" balik kong tanong sa kanya.

" Sinunsundan mo ba ako ha?" tanong ko
" no, im not" tanggi nya
" siguro stalker ka noh?" naniningkit na tumingin ako sa kanya.
" napaka- assuming mo naman"
" tseeee" irap ko sa kanya
Paalis na ito sa kinatatayuan namin
" teka saan ka pupunta isama mo ko"
Patikad na akong pumunta kung saan sya naroroon. Napansin kong iba na yung dating cleo na nakilala ko. Yung masayahin at palaging naka-ngiti pero ngayon seryoso at cold na sya bakit kaya?.

" ahmm, bakit ka nga nandito?" pambasag ko sa katahimikan.
" ang daldal mo para kang bata" irita nitong sabi
" ikaw matanda lagi na lang nakasimangot"
" di mo na kailangan malaman pa" masungit nitong sagot sakin.
" nagtatanong lang naman ako ha, sungit-sungit mo" nauna akong maglakad sa kanya.

Maya-maya pa ay nagsimula na akong maggawa ng tent ko, sinusundan ko naman pero di ko talaga magawa.

" urgh! ano ba yan pano ba kasi ito? Kanina pa ako dito nakakainis na ha" itinapon ko yung papel na instruction para makabuo ng tent.

" di mo naman kailangan nito, pwede ka naman lumapit kung kailangan mo ng tulong" kinuha nito ang tent para mabuo na.

" thankyou" nakangiti kong sabi dito.
" nag girl scout ka ba?" tanong nya
" oo bakit?" sagot ko
" really? Pero paggawa ng tent di ka marunong?" natatawang sabi nito.
Lalo syang gwapo kapag nakangiti, kung dati pogi lalo na ngayon. Sheeeesh uso crushback charot!
" nang aasar ka ba?" naiirita kong sambit sa kanya.
" no, its up to you kung naaasar ka my point is nagsasabi ako ng totoo"
" blah blah blah akin na nga yan!"
" maupo ka na lang dun okay."
" edi okay blah blah"

Pinapanood ko lamang ito at di ko maiwasan titigan ang kanyang maamong mukha, mata nyang may mahabang pilik mata, pointed nose, ang pinky lips na nakakatakam halikan at ang.... Napatigil ako sa aking pag iisip na bigla itong ngumiti.
" baka matunaw ako nyan"
" assuming ka naman" irap ko pa dito at inayos ang aking upo.
Ilang minuto lamang ay natapos na itong maggawa.

" thankyou ha"
" may bayad" maikling sambit nito sa akin
" ano naman yun ha?"
" kiss" nagulat ako sa sinabi nya
" ano? siguro may pag nanasa ka sakin noh?" tumawa lamang ito.
" abat wag mo kong tatawanan ha"
" what if meron?" palapit ito ng palapit sa akin umatras naman ako.
" wag kang lalapit sakin ha kahit ex crush kita masusuntok kita" amba ko sa kanya. Tumawa lamang ito sa akin.
" cute mo pa rin magalit"
" tseee!" pumasok ako sa aking tent iniwan ko ito sa labas. Ang lakas nya pa rin mang asar.

Di ko namalayan nakatulog na pala ako, ala sais na pala gutom na ako. Lumabas ako ng tent nakita kong kumakain si cleo. Lumapit ako sa kanya.

" hoy pakain" kalwit ko sa kanya
" kapal ng mukha mo asa ka" abat ang damot mo ha.
" dali na gutom na ako oh parang di ka naman MINAHAL"
" oh " inabot nya sa akin ang cup noodles kaya takam akong tumabi sa kanya.

That BROKEN HEARTEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon