CHAPTER 3

3 1 0
                                    

" ako naman yung nandyan lagi para sayo, kahit ako nakamove on na sa ex ko, pero si ellise kahit iniwan ka na mahal na mahal mo pa din"
" pero hindi ikaw si ellise"
" oo magkaiba kami ni ellise, na kahit kailan hindi ako magiging si ellise na iniwan at pinagpalit ka sa sariling kaligayahan"
" wag mong pagsalitaan ng ganyan si ellise, bumalik sya"
" bumalik sya pero ikaw nga ba ang dahilan?"natigilan ito.

Hindi ko kinaya ang pagtatalo namin ni cleo, iniwan ko ito habang ako ay luhaang pumasok sa bahay. Nakita naman ako ni lola na umiiyak.

" oh apo bakit ka umiiyak?"
" la, panget po ba ako?" tanong ko.
" abay hindi naman, sa amin ka nagmana ng mama mo sino naman nagsabing panget ka"
" hindi ba ako sapat?" umiiyak na tanong ko, hinagod ni lola ang aking likod.
" sapat ka, di lamang sya marunong makuntento, apo ang pagmamahal hindi pinipilit kung ayaw nya sayo, ayaw mo din" tanging hikbi at hindi na nagsalita pa.
" ang tunay na pagmamahal kusang dumarating, pero hindi lahat ng andyan sayo ay para sayo tahan na apo" niyakap ko ito ng mahigpit, tama si lola.
"matulog ka na apo ko,goodnight apo"hinalikan nya ako sa noo.
"goodnight la"
Makaraan ng ilang araw ng aming pagtatalo ni cleo, hindi na kami nagkikibuan. Tumunog ang aking cellphone

*papa calling*
"hello pa"
"anak kamusta ka na?"l
" okay naman po"
" lola mo?"
" okay naman po kaming dalawa ni lola"
" bisita naman kayo dito ng lola mo may salo-salo para makapag bonding naman tayo"
" sige po"

Nang mamatay si mama makikita mo kay papa yung lungkot sa kanyang mga mata, kaya tinanggap ko na lang na mayroong bagong asawa si papa wala eh kapag puso na tinamaan bakit natin pipigilan syempre respect na rin kay mama hindi pa rin nakakalimutan ni papa ang mga ala-alang naiwan saming pamilya.

Natapos na ang pag uusap namin ni papa  lumabas na ako sa aking kwarto.

" apo, abay napapansin ko eh lagi ka na laang nakalugmok dyan sa kama mo may sakit ka ba?"
" wala naman ho la, medyo pagod lang papasok na po ako" nagmano muna ako kay lola at niyakap ito. " iloveyou la"
" iloveyoutoo apo" ayun umalis na ako.

Panibagong araw, panibagong move on kamusta na kaya si cleo, napangibit ako sa naiisip ko hello self iniisip mo na naman yan eh masaya na yan sa iba. Maya na nga yan magtatrabaho na lang ako.

Cleo POV

kilala nyo naman siguro ako di ba.
Matagal tagal na rin nung hindi na kami nakakapag usap ni ivara matapos ang pagtatalo namin aminin man o hindi namimiss ko na rin ang presensya nya pero di na pwede mahal ko si ellise at naayos namin ang relasyon na mayroon kami. Niyaya ako ni ellise pumunta sa coffee shop, kaya naman sinamahan ko ito kahit na alam kong makikita ako ni ivara kasama si ellise.

Nang makarating kami duon ay agad naman kaming umorder, di ko inaasahan si ivara ang magseserve sa amin ni ellise.

" thankyou" pasalamat ni ellise, tumango lamang si ivara di ko inaasahan na makikita nyang halikan ako ni ellise sa labi. Kita kong konti na lang iiyak na si ivara, sorry but I can't hindi tayo pwede. May lalaking lumapit at tinakpan ang kanyang mata at inilayo sa amin. Gusto kong magsorry, pero hindi ko alam kung bakit ganun na lang ang epekto nun sakin kapag nakikita kong nasasaktan ko na si ivara.

" babeeeee, sino sya?" tanong ni ellise
" ahh wala yun kumain ka na lang"
" okay"

Nakahiga na ako sa kama pero hindi ko alam kung bakit si ivara pa rin ang laman ng isip ko.
" Arrgh, ano ba magpatulog ka naman!"

May kumatok sa pinto

" anak, ok ka lang ba? Can I come in?" si dad
" yes po, pasok kayo"
" ok ka lang ba?" nag aalalang tanong ni dad sakin.
" Dad"
" hmm"
" ah wala po"
" dad"
" ano yun?"
" wala pala"
" hmm alam ko na yan, gusto mong tanungin kung bakit nainlab ako sa mama mo habang meron akong kasintahan ?"
" yes po"
" anak, sarili mo lang makakasagot dyan at sarili mo lang niloloko mo, sige na matulog ka na" at umalis na si dad.

Maaga akong nagising dahil hindi naman talaga ako makatulog. Inalala ko sinabi ni dad kagabi sakin.

Tumunog ang cellphone ko

* ellise calling*

" babe, labas tayo"
" ahmm sige may gusto din akong sabihin sayo"
" sige babe"

Huminga ako ng malalim, bago sumakay sa kotse.

Habang busy si ellise pagpili ng mga damit, ako naman itong nag iisip kung paano ko sasabihin kay ellise ang gumugulo sa isip ko.

" babe okay ka lang? ang lalim ata ng iniisip mo"
" ahmm oo, tapos ka na ba mamili ng damit mo?" balisa kong sambit.
" yes"
" tara na bayaran na natin yan"
Pumunta kami sa cashier at pagkatapos nun ay kumain muna kami.

" so, what's going on?"
" we need to talk ellise"
" about? straight to the point babe, you like someone else?
"huh?"
" akala mo ba di ko napapansin? yung babae sa coffee shop"
" ellise"
" come on cleo, niloloko mo lang sarili mo"
" ellise"
" then choose"
" alam mong ikaw yung pinili ko"
" ako pinili mo pero sya yung mahal mo" hindi ko na alam ang gagawin ko para akong binuhusan ng malamig na tubig, para akong sirang plaka kung sinong mas matimbang yung matagal ko nang hinihintay o yung babaeng andyan palagi para sakin.

Matapos ang pag uusap namin ni ellise, kasalukuyan akong umiinom ng alak habang nag iisip sa sofa. Kamusta na kaya si Ivara, alam kong di na nya ako kayang kausapin matapos ang pag aaway namin at alam kong nasaktan ko sya ng sobra. Ang selfish ko masyado, ni hindi ko man lang nakita kung gaano sya kahalaga at ka worth it mahalin. Nag iisip ako kung ano ba dapat ang aking gagawin. Si ellise? wala na kami tinapos na namin at tinanggap na walang magaganap na kasal. Ang babaeng nilalaman pala nito ay ang babaeng minahal ko nung panahon na musmos pa lamang kaming dalawa. Naalala ko ang mga panahong magkahawak kamay kaming naglalakad sa hallway, ni hindi namin naiisip na baka may makakita sa aming matanda. Dun ako unang nainlab sa babae. Aminin man o hindi parehas kaming nasaktan nuon kaya ginagawa na lamang namin na katatawanan ang lahat. Ngayon hinding hindi ko na pakakawalan ang babaeng minahal ko una pa lang. Ngayon ay pwede na kaming ipagpatuloy ang naudlot naming pagmamahalan.

Nag ring ang aking selpon
* Lola maring calling* I answeresd the call.

" hello po lola, kamusta na po kayo?"
" ayos laang ako ijho, areh nga eh may sasabihin ako saiyo"
" ano ho iyon lola?"
" kami ng apo ko eh may pupuntahan, gusto ko sumama ka para ipamulong na kayong dalawa" natawa naman ako sa sinabi ni lola, feeling ko napaka swerte kong lalaki dahil bukod sa mabait at maalaga si lola maring ay boto itong makatuluyan ko ang kanyang apo. Sa isip ko na lang magiging asawa ko ho iyan.
" Balak ko pa lang po ligawan ang apo nyo"tumahimik bigla ang kabilang linya, maya maya pa ay tumawa ito.
" abay totoo ba iyan ijho? eh sya malapit na pala makakatay areng aking alagang baboy"
Napatawa naman ako sa sinabi ni lola maring, tinanong ko kung nasaan si ivara.
" asan po ba si ivara?"
" ayun natutulog, basta ha ijho sumama ka sa amin bukas"
" opo lola"
" eh sya sige na may gagawin pa ako ha"
" babye po"
Ini- end na ang call, sobrang saya ko dahil hindi pa kami pero ramdam ko na welcome ako sa pamilya ni ivara. Makikipag ayos na ako baka maagaw pa. Nakangiti akong inisip at nag impake na ako.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 19, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

That BROKEN HEARTEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon