CHAPTER 2

3 1 0
                                    

Wag na kayong magtaka bakit ganyan si  lola magsalita batangueña talaga yan, dati dun sa batangas kami nakatira kaya kahit sa La union eh nadala-dala na.

"magbibihis lamang po ako la,"
" sige apo"

Pagkatapos ko magbihis nag scroll muna ako sa fb na may nagnotif.

"Cleo Rivero? ahhhhhh pano nya nahanap fb ko?" inaccept ko ang friendrequest at natulog na napagod ba naman sa byahe. Hello? kahit tulog ako kanina iba pa rin talaga ang tulog ko sa bahay.

Nagising na lamang ako sa tapik ni lola.

" apo, abay kain na bago matulog, pukar*tz na ito eh wala ka pang kain kanina tulog ka na laang ng tulog"
" opo la, babangon na po" nag inat- inat muna ako bago tumayo sa aking kama.

" apooo, may bisita ka" napadilat ako, pero wala namam akong inaasahang bisita ah. Nagtatakbo ako palabas ng kwarto ko, nagulat pa ako kung sinong bisita si cleo pano nya nalaman ang bahay namin stalker ba sya? hala kaaaaa lagot na si lolaaaaaaa.

Pandalas na akong inayos ang aking sarili, syempre para naman hindi nakakahiya atsaka si lola pa naman maingay yan.

" ah hello" dinilatan ko ito ng mata." bakit ka andito?" pabulong ko.
" apo, abay asikasuhin mo naman nobyo mo, akala ko ba eh di mo areh nobyo gabi na eh bumisita pa"
" la, di ko po sya nobyo" umirap ako, tumawa lang si cleo.
Tiningnan ko sya at sign with eye to eye.

Pagkatapos kong ipaghanda ng makakain si cleo, tinanong ni lola kung gusto ba raw nito ng kape.

" ijho, gusto mo ba ng kape?"
" lola, di po ako mahilig sa kape, pero sige po try ko po uminom"
" apo, ipagtimpla mo areh ng kape"
" sige po" pasimple akong umirap kay cleo.

Bakit ba naman sa gabi pa pumunta, kung wala syang fiance na hinihintay iisipin ko talagang may gusto sya sakin charot.

" ito na kape mo"
" ijho ayan eh kapeng barako, sa batangas eh ganyan ang kape sadyang mapait"

Tinikman ni cleo ang kapeng barako, napangibit lamang ito. Hindi naman lumaki si cleo dito sa pilipinas, laking mayaman kaya pati kapeng barako di sya nainom. Nung grade7 kami nyan transfery sya pero umalis din agad at pumuntang ibang bansa.

Maya-maya pa ay naubos na ni cleo ang kape, pero napansin kong di sya komportable sa upuan.

" hoy, bakit?"
" asan ang cr nyo?" tanong nya. Bigla naman nangamoy utot, kaya naman napatawa ako.
" yakkk baho ng utot mo"
" sabihin mo sakin saan ang cr nyo" namimilipit na ito.
" deretsuhin mo lang yan tas kanan" turo ko kung nasan ang cr.

" Sino ba ijha, umutot sa inyo kabaho" sabi ni lola.
" ahh hehe lola baka kanal lamang iyon" ayaw ko naman sabihin na sumakit ang tiyan ni cleo sa kape.
Natatawa akong tiningnan si cleo, nagmamadaling pumunta sa cr. Mabuti na lamang talaga umalis si lola at pumuntang kusina.

" oh,ijho akala ko eh umalis ka na, naubos mo ba ang kape, masarap di ga?"
" ah o-po la, ma-sarap po kape nyo" natatawa naman ako sa itsura ni cleo.

Nagkwentuhan pa kami at bandang 9:00 ay umuwi na rin si cleo. Kumain muna ako bago ipinagpatuloy ang tulog, ayaw ni lola na nagpapalipas ako ng gutom lab na lab talaga ako ni lola.

Maaga ako nagising pero sinag na ang araw, meron ganun noh 7am nga lang. Nagmadali akong naligo dahil may trabaho pa ako sa coffee shop.

" oh apo, tinanghali ka ata ngayon, mayaman na kapitbahay eh kagigising mo laang,  tulog mantika ang pukar*tz na areh"
" sorry la" niyakap ko ito.
" abay di ka ba kakain muna?"
" hindi na po la, tanghali na po eh babaunin ko na lamang po, iloveyou la" nagpaalam na ako pagkatapos kong baunin ang pagkain na niluto ni lola.

That BROKEN HEARTEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon