It all started when we were on our junior high school year.
~~
"Class, we have our first performance task" our teacher said.
Huhu nakakakaba, paano naman kasi, tuwing may PT kami, kailangan palaging group works or hindi naman kaya ay sobrang complicated ng pinapagawa.
"You need to find a student na willing pumirma sa mga form na ibibigay ko sainyo. Ang pinakamaraming marerecruit ay bibigyan ko ng A+ sa report card."
Shocks! Wala akong ibang kakilala sa university na to! Well except sa cousin ko na kagrade level ko rin. Sakto! Siya nalang tatanungin ko.
I went to their section, may ibang mga students na rin don, mainly mga classmates ko. I guess may kakilala din sila doon.
"Sean, sige na sagutan mo na 'tong form ko!" nagmamakaawang sagot ko sakaniya. Huhu para sa future ko kaya 'to!
Nung una ay nag-aalangan pa siya, pero sinagutan niya rin.
"Uhm, pwede bang pakifill-up-an mo rin ang akin?" nahihiyang sabi ko sa katabi niya. Tumingin lang siya sakin. Shocksss anggg gwapooo niyaaaa!!
Walang halongg birooo!! Huhu
Tinapos niyang fill-up-an yung form ng classmate kong babae and TINALIKURAN na niya ko!
Hala ang sungit! Wala manlang sinabi na ayaw niya or what. Hmpp!
Pasalamat siya gwapo siya..
Kung hindi lang talaga kailangan ng evidence or ng signature, talagang kung anong maisip kong name ilalagay ko dito!
Chos, baka malaman ni Ma'am Agonsillo hehe
Narinig ko nalang tumawa ang busit kong pinsan. Kaya umalis na ko.
After non, lagi ko na silang nakikita sa kung saan saan. Ewan ko kung sinusundan nila ako,,or ako lang yon Hihi.
"Uyyy.. Crush mo siya no?" asar ni brent sakin habang nakaturo dun sa gwap-, I mean sa masungit na yon.
"Hindi no! Swerte niya naman. Sungit sungit kaya non!" sagot ko pabalik
"Uyyy.. Yieee, indenial pa. Pero okay, sabi mo eh."
Days passed..
Lunchbreak namin, gustong gusto ko nang umuwi pero antagal ni Sean.
Kadalasan sabay talaga kami ni Sean umuwi. Nasa iisang neighborhood lang namn kasi kami.
Nakita ko na siya sa malayo. May kasama siya pero hindi ko makita ng maayos, sobrang init kasi.
Nung nasa malapit na , si sungit ang kasama niya!
"Doon daw kakain samin." turo ni sean kay sungit
"Oy Ethan , kilala mo na ba 'tong si Ari ?" umiling lang si sungit and naglakad na kami pauwi.
Hanggang sa tumagal ay ganon na ang naging scenario namin. Tuwing lunch break, laging kila Sean kumakain si Ethan.
Minsan naiisip ko, baka sila talaga hehe.