1st.

3 0 0
                                    

Sometimes, akala mo kayo na. Hindi pala.

~~
"Uyy ikaw to?, Bat ganto!" Tumatawang kantsaw ni Ethan habang nakatingin sa wallpaper ng phone ko.

"Akinaaa kasi! Napindot ko lang yan!" dipensa ko, habang inaagaw ang phone.

Ang totoo niyan, feeling ko angganda ganda ko sa picture na yon, kaya ginawa kong wallpaper.

"B-bakit k-kasi s-obrang lapit! HAHAHA!" utal utal niyang sabi kakahalakhak.

Hmp!

Lumapit siya at inakbayan ako.

Click*

"Oh ayan, diba pangit mo, ngumiti ka na kasi"

Ewan ko kung matotouch ako o maiinis sa sinabi niya.

"Sweet niyo tol ah" asar ni Sean kay Ethan

"Siyempre.." patol naman ni Ethan habang kunwaring pinapatong ang ulo niya sa braso ko kahit di niya maabot kasi mas matangkad siya sakin

"Heh" taboy ko sakaniya

Kahit naman may gusto ako sakaniya, kailangan ko parin ipakita na strong akoo! Hindi ako marupokkkk!

"Ari!!" sigaw ni brent papalapit saamin.
"Kanina ka pa hinahanap ni ma'am Agonsillo. Mag sstart na raw ang meeting" hingal niya pang sabi.

Hala! Oo nga pala shett

Parang antagal tagal ng takbo ng oras dito sa conference room. Ano kayang ginagawa nila Ethan?

Malapit ang play namin para sa buwan ng wika. Siguro gumagawa rin sila ng props. Ang nakassign saamin is Florante at Laura. Ang kanila naman ay Bakit Babae ang Naghuhugas Ng Pinggan.

After 48 years natapos rin ang meeting. Ang totoo niyan, wala talaga akong naintindihan. Ang iniisip ko kasi ay si Ethan.

Walang tao sa room kaya pumunta nalang ako sa Auditorium. Sakto nandon din sila ni Sean.

"Yieee Ethan+Reign!!" asar ni Brent , samantalang ang iba naming kaklaseng babae ay tinutulak si Reign kay ethan

Ngayon ko lang nakita si Ethan mamula. Nahihiya ba siya?

"Uy selos si Ari!" sinamaan ko lang si Brent ng tingin. Grrr kaloka to,kala ko ba samin siya boto!

Nawala lang ako ng 2 hours tapos may iba na?!

Huhu. Sobrang nahuhurt akooo Y-Y

"Sabi kasi sayo tol.. ligawan mo na" ani ni Sean kay Ethan sabay tapik sa balikat nito

Nawala ang sa mood kaya hindi ako nakakain ng maayos ng lunch.

"Tahimik mo ata, Ari?" tanong ni Sean

Hmp! Paano naman kasi alam mo naman may gusto ako sa kaibigan mo tapos, tinuturuan mo pang manligaw ng iba!

"Uhm, wala, dami kasing ginagawa ngayon"

Tinignan ko si Ethan pero sa phone niya lang siya nakatingin. Nakangiti siya habang may katext.

After non ay lagi na akong nauuna umuwi. Hindi ko na sila hinihintay.

"Uyy Reign!!! Totoo ba nanliligaw na si Ethan sayoo?!!" malakas na tanong ni Brent

"Oo gaga! Wag mo naman ipagsigawan HAHA" sagot ni Reign

Ouch. So, nililigawan na nga niya.

Well, hindi na ko magtataka. Angganda naman talaga ni Reign. Long curly hair, fair skin, and para siyang may lahi. Actually muka siyang barbie.

May sasabihin pa sana si Brent pero alam kong tungkol sakin nanamn yon kaya lumabas nako ng room.

Hmp! Kaloka talaga yung baklang yonn.

Pumunta ako sa Cafeteria at umorder ng Chicken sandwich.

"Nag-iisa ka ata ngayon?" ani ng isang lalaki, sabay abot ng orange juice.

"Ow, wag mong sabihin na hindi mo ko kilala, magkaklase tayo." nginitian ko lang siya.

Hindi ko talaga siya kilala , pero familiar. Baka nga classmate ko siya.

"Can I sit here?"

"Sure"

So We Met..Where stories live. Discover now