We talked so much na hindi namin namalayan ang oras.
Sabay kaming bumalik sa room. Nandon na si Sir Castro. Buti nalang..
Kung hindi, mang aasar lang si Brent ,for sure.
So bali nasa likod pala nakaupo si Lance, kaya pala hindi ko siya laging nakikita.
I realized na andami ko palang namimissed out kasi lagi lang akong nakatingin kay Ethan.
Matapos ang klase, hinatid ako ni Lance sa gate. Well, technically..
Sa room kasi siya kumakain, malayo ang bahay nila sa University kaya nagbabaon nalang siya or minsan bumibili sa malapit na resto around here.
Sabi niya sabay na raw siya sakin para makabili siya ng lunch niya.
Nagprisinta si Lance na siya na ang maghawak ng payong ko, para isang payong nalang kami. Tutal malaki naman to.
Hay nakooo, sobrang init sa pinas!!
"Kaya pala hindi na sumasabay satin ,tol. May iba nang kasabay" taas kilay na sabi ni Sean.
Si Ethan naman ay nakapoker face lang.
"Uhm, si Lance nga pala.." pakilala ko
"kay" blunt na sagot ni Ethan
"Marami pa kaming gagawin, una na kami"Tinanguan lang ako ni Sean at umalis na sila.
Nagtatampo ba sila sakin?
Hinatid ko lang si Lance sa Hun's Cafe at umuwi na ko.
___
"Magandang umaga mga mag-aaral ng BCL High!" masiglang bati ng MC
Ngayon nga pala gaganapin ang play na pinaghahandaan namin. Well, hindi ako kinakabahan , hindi naman ako kasali sa magpperform. Nakaassign ako sa props department.
"Matutunghayan niyo ang inihandang maikling dula ng mga estudyante mula sa Archimedes, Bakit Babae ang Naghuhugas ng Pinggan!"
Section nila Ethan ang nauna. Nashock ako sakaniya Y-Y
Paano ba naman, may mga dahon na nakapit sa ulo niya. Tapos may hawak siyang palaspas. Siya yung albolaryo!
Tawang-tawa ako, bukod kasi sa kabaliktaran ng personality niya yung role niya, anggaling niya rin palang umarte.
Si sean naman ay gumanap bilang asawa ng buntis HAHA
(panoorin niyo nalang sa YT yung story para magets niyo hehe)
Nang matapos ang performance nila, nagstanding ovation talaga sa buong auditorium. Pati ang principal at si Ma'am Agonsillo na sobrang sungit ay napatayo din.
Nung pababa si Ethan ng stage ay pinaligiran niya siya ng mga alipores ni Reign.
Tinutulak tulak pa sila sa isat isa.
Well, hindi sila bagay no!
Albularyo at prinsesa!
Hmp!Btw, huhu kami na ang susunod. Inayos ko ang barong na suot ni Lance. Isa kasi siya sa gaganap sa stage.
8 lang silang lalaki sa room namin, tapos yung isa baliko pa, kaya no choice kundi sumali siya.
"Give me some energy, Ari" kabadong sabi ni Lance
"Isa lang naman line mo don eh!"
"ih, kahit na, andami kayang tao. Baka mapiyok ako"
Natawa nalang ako sakaniya.
Hinawakan ko ang kamay niya na parang nagsasalin ng energy tapos boom, tinawag na sila.
"Arte" bulong lang yon pero narinig ko. Dumaan sila Ethan sa harap namin
Hindi ko nalang siya pinansin.
Nagstanding ovation din ang mga tao sa performance ng section namin.
Nung uwian na ay nakita ko si Sean at Ethan.
"Galingg niyoo ah!" bati ko sakanila
"Thanks" maikling sagot ni Ethan
"Bakit parang hindi ka happy?" tanong ko
"Masama pakiramdam" ani ni Sean
Nag-agree nalang ako. Nagcommute na si Ethan, habang si Sean naman ay may pupuntahan daw. Kaya ako nalang mag-isa umuwi.
Ang haba ng araw ngayon...