I Still Remember Your Smile

3 1 0
                                    

Hi, I'm Iris a 24 years old. Ang sabi ng iba sa edad ko na ito pwede na ako magsimula ng sarili kong pamilya.



Paano nga naman ako magkakaroon ng sariling pamilya kung binawi naman sa akin ang taong nagiisang naniniwala sa akin na kaya ko.



Si Teo, ang boyfriend ko simula high school ako. Kasama ko sa lahat, kasama ko ring nag plano sa buhay.



Pero lahat ng plano namin nawala ng ganong kabilis na parang bula lang. Galing kasi ito sa aming bahay, dumalaw ito sa akin upang kamustahin ako.



Nagkaroon kasi kami ng tampuhan ng araw na iyon, kaya naman hindi ako matiis ni Teo, noong araw na iyon.Hindi naman naka-inom ng alak ang nobyo ko, kaya kampante ako na makakauwi ito ng ligtas at maayos.

Nang umalis ito at nagpaalam ay niyakap ko pa ito bago umalis sa amin. Malaki ang ngiti sa aking labi, dahil sa hindi ako kayang tiisin ng nobyo ko.

"Thank you, i love you!" Naka ngiti kong ani rito.

Isang mahigpit na yakap at halik sa noon ang aking natanggap mula sa aking nobyo.



"Huwag kana magtampo ah? I love you too! Alis na ako may work pa ako." Paalam nito sa akin.



Nag flying kiss pa ito sa akin, para kaming mga teenager sa sobrang kulit naming dalawa. Madaling araw ng mag ring ang aking phone. Mama ni Teo ang tumatawag sa akin.

"H-hello... I-iris..." Umiiyak na saad ng ina ng aking nobyo.

"Kumalma po kayo, bakit po kayo umiiyak? may nangyaring masama po ba?" Tanong ko sa mama ni Teo.

"W-wala na si Teo..." Umiiyak na saad ng ina ni Teo. Hindi ako kaagad nakapag respond sa mama ni Teo, hindi ko alam kung anong gagawin ko. Feeling ko wala na akong maramdaman.

Kusang nagbagsakan ang mga luha ko ng araw na iyon. Hindi ko matanggap na ganon lang kadali nawala si Teo.

Ayon sa ina ni Teo, ng gabing iyon ay pauwi na raw ito, malapit na sa kanilang bahay ng mapagtripan ito ng mga masasamang tao.

Masyadong mabilis ang pangyayari, dahil lang sa pera ay napatay ang aking nobyo. Kung hindi sana ito nanglaban baka buhay pa ito.

Ang hindi ko matanggap ay hanggang ngayon ay hindi pa rin nahahanap ang naka-patay kay Teo. 

Hanggang ngayon ay hindi ko parin ito makalimutan at hindi ko pa kayang pakawalan ang pinagsamahan naming dalawa.

Ilang taon na ang lumipas pero, parang ayaw ko parin umusad. Mahirap kasi feeling ko kasalanan ko. Ang immature ko kung hindi ko sana pinairal ang pagtatampo ko, hindi sana iyon mangyayari.

Hindi naman nagalit sa akin ang magulang ni Teo, dahil wala naman daw ang may kasalanan sa nangyari.

Mas pinili ko nalang na maging single hanggang ngayon, dahil ayoko na pumasok sa relasyon na hindi pa ako nakaka move on sa past ko. Sariwa parin para sa akin ang lahat, kahit ilang taon na ang lumipas.

Binigay sa akin ng mama ni Teo, ang mga sulat na gawa sa akin ni Teo. Naalala ko pa nong araw na iyon, hindi ko man lang mabasa ng maayos.

Pinilit ko magpakatatag para kay Teo, tiyak na hindi ito magiging masaya kapag nakitang umiiyak ako.

"Hi, Iris. ikaw na ata ang pinaka magandang nangyari sa buhay ko. Hindi man ako ang pinaka gwapo sa nangliligaw sayo noon, ako parin ang iyong pinili. Nag aral ako ng mabuti para pagdaring ng panahon na pareho na tayong ready ay ikasal naman tayong dalawa. Alam ko na ikaw na ang para sa akin noong makita palang kita sa paaralan natin.

I Still Remember Your Smile (One Shot Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon