CHAPTER 9

962 33 1
                                    

(1 month)

Back to school na nga si Becky at Freen at kahit ang iba nilang kaibigan ay pumasok na rin sa iba't-ibang university sila noey at irin ay ibang university ang pinasukan nila dahil sa hindi magpagkakahiwalay..... At si Billyseng at Heng, Nam, Non. Sa school sila nila freen and Becky nag aaral sa university ng step dad ni Becky na pinangalanang 1-Academic University kung ipagkakaiksi mo ng tawag dito ay 1 AU kung saan puro college ang mga nag aaral dito....

Becky's Pov:

Kung isipin niyo maganda ang university na ito dahil sa mga mababait na student at manggagawa rito lalo na sa mga nag lilinis ng school wala kang masasabi Sakanila dahil lahat ng sira rito sa school ay aagapan nila ng gawa at hindi na patatagalin pa.... Magaling si Papi dahil na ka invest siya ng gantong kalaking university di mo ikaiila na sikat ang university na ito ay tama naman talaga ang nag aaral dito na super ganda at magalang ang mga nag tratrabaho iisipin mo talaga na mag aral dito hindi dahil sa sabi sabi lang dahil totoo yung inaakalang sabi sabi....

Habang naliligaw ang mga mata ko sa katitingin sa mga design ng university ay bigla ko naman nakasalubong si Non.

"Non." Banggit ko pa sa pangalan nito.

"Beck." Gulat rin nitong banggit sa pangalan ko

"Saan ka?" Tanong ko naman ng seryoso sakanya.

"Hinahanap ko kasi yung room ko..." Sagot nito sa akin na parang bang naiinis na siya dahil sa kakahanap sa hinahanap niya.

"Saan ba ang room mo?" Tanong ko naman sakanya ulit.... Sorry naman kung puro ako, baka kasi same place lang kami ng papasukan baka maituro ko sakanya

"Sa floor 7.." seryosong sagot niya sakin.... Btw hindi ko pa pala na sasabi sainyo na 9 nga pala ang floor ng university nito sa sobrang laki nito pwede munang gawing galaang to school.

"Duon rin ako pero hindi rin alam kung saan banda yun e..... Hanapin na lang natin?" Aya ko naman dito.

"Nakita na kita eh syempre hindi kita pababayaan na mag isa mag hanap nung room." Sagot naman niya sakin.

"Halika na wag na maraming sinasabi." Nakangiting sabi ko sakanya.... Nag lalakad na kami Non at nag tatanong tanong na rin kung saan ba na ka assign yung section namin

Duon daw pala sa FLOOR 7 ROOM 410.... Pag pasok namin sa room 410 ay bumungad sa amin ang napakatahimik na room.... Kaya dali dali na kaming umupo hindi pa naman kami late dahil wala pang professor....

"Non unexpected na mag kaklase tayo pati rito sa Pinas." Di mo talaga kasi aakalain kasi sa England kaklase ko na siya pati pala dito..

"Mabuti na rin yun apat mabantayan kita bata." Biro nito sa akin.

"Hindi na ko bata tsk!" Irap ko naman dito

Habang nag babardagulan kami ay bigla namang pag pasok ng professor naming babae na di ko inexpect.... "Mom!" Gulat na banggit ko sa pangalan niya ng mahina na kami lang ni Non ang makakarinig..

"Hindi mo pa alam?" Tanong ni Non sa akin na nakapagpakunot ng noo ko.

"So May alam ka?!" Nakakunot noong sagot ko rito

"Hindi ko naman alam na hindi mo pa pala alam na alam muna ang mommy mo ang magiging professor natin." Tsk! Iba talaga tong lalaking to nagagawa ng mag sinungaling sakin

"Ah so ganyan ka na secret secret pa kyo!" Inis naman na biglang talikod ko sakanya

"Sorry na... Malay ko naman eh tignan mo umalis na tuloy mommy mo ulit este si Professor metawin." Nakangiting pang aasar pa nito sa akin.

I'm Falling In Love With My Girl(Friend)Where stories live. Discover now