CHAPTER 2

1.5K 61 1
                                    

Becky's pov:

Pumunta muna ako kay Mommy para mag paalam na kila freen ako matutulog ngayong gabi dahil namiss namin ang isa't isa matulog na magkatabi,ewan ko na lang kung papayagan ako ni mom dahil nawala din ako ng 1 year.

Naupo na nga ako sa tabi ni Mom para mag paalam. Umupo rin siya sa tabi ko at nagsimula na akong magpaalam.

"Mommy papayagan mo ba ko kung makikisleep over ako kila freen ngayon? Dahil siya lang mag isa sa bahay nila si tito May appointment daw sa vachirawit company si Prim naman nasa Friends niya kaya gusto ni Freen na duon muna ako makitulog sakanya dahil mag isa lang siya?" Paliwanag ko sakanya para payagan niya ako kahit pa paano. Maiintindihan ko si Mommy if hindi siya papayag.

Hindi kumibo si Mommy pero feeling ko nalulungkot siya dahil sa iba ako makikitulog kesa dito sa bahay. Pero hindi naman ibang tao si freen.

"Mom, Wag ka na po malungkot promise dito po ako matutulog bukas at titikman ko ang paboritong lulutuin mo sa'kin? Saad ko kay mommy habang nag pa-pacute dito at sa wakas ngumiti rin siya sa'kin

"Beck , hindi kita pinipigilan na makitulog kay freen namiss lang talaga kita dahil sa tagal mo ko iniwan dito at sa daddy mo ikaw nag stay kahit na ako nag palaki sayo simula baby ka pa lang, Kaya wala akong magagawa kung anong gugustuhin ng anak ko,basta mag iingat ka lagi and papayagan kita basta pakisabi kay Freen ingatan ka niya tsaka may tiwala ako kay Freen dahil simula bata palamang kayo matalik na magkaibigan na kayo kaya wala dapat ako ipangamba." saad naman ito sakin ni Mommy habang hinahawakan ang kamay ko at napangiti rin ako sa mga sinabi niya

" Thank you Mom, namiss rin kita ng sobra I'm promise babawi ako sayo bukas."saad ko kay mommy at ngumiti naman sa'kin si Mommy sa sinabi ko

" O'sige na baka hinihintay kana ni Freen sa labas?" Saad ni mommy na nakatingin sa binta 

"Naghihintay?" Ito naman ang na sabi ko na tilang nag tataka

"Bakit, Beck di mo ba siya kasama kanina?" tanong ni Mommy sakin. Habang nakatungaw sa malaking bintana kaya hindi ko narin na pigilang hindi tumingin ro'n

"Hindi Mom nauna ako pumunta rito di ko naman alam na susunod siya sabi ko mag ta-taxi nalang ako papunta sa bahay niya." Sagot ko naman 'to kay mom matapos kong makitang nasa labas nga si Freen.

"Ang sweet naman ni Freen naisip ka pa puntahan dito para lang ihatid duon sa bahay niya" saad ni mom habang abala parin sa pagtingin sa bintana na nakangiti at pumukaw rin ulit ang tingin ko ro'n

Pagtingin ko sa bintana nakatingin sa'kin si freen at bigla akong kinawayan na tilang nag papahiwatig na nandiyaan siya at napatitig ako sakanya lalo nung ngumiti siya habang kumakaway sinabayan pa no'n ng gummy smile na nag pangiti rin sakin ng sobra. Ang cute niya makitang nakangiti. Biglang natigil ang pagngiti ko at pagtitig ko sakanya na gulatin ako ni Mommy

"Anak, grabe ka na makatitig dyan kay Freen mamaya matunaw 'yan sa titig mo? Hinihintay ka na niya ayaw mo pa ba lumabas?"pagbibiro ni mommy sa'kin na tilang mukhang natutuwa siyang biruin ako

"Sige Mom aalis na po ako?" Pagpapaalam ko kay mommy

Paglabas ko ng bahay nag aantay si freen sa'kin paikot-ikot siya sa harap ng kotse na tilang di mapakali na parang May hinihintay. Meron naman talaga siyang hinihintay, ako....

Kinalabit ko siya at nagulat siya rito at napalingon "Freen?" Tawag ko sakanya. Halatang nagulat siya sa ginawa ko.

"Beck, nandiyaan ka na pala sorry di kita napansin?" Saad niya sakin habang abala parin sa hinahanap niya

" May hinahanap ka ba, Freen?" Tanong ko sakanya pero wala siyang naisagot sakin habang abala parin siya sa paghahanap niya

"Freen, may problema ba. May nawawala ba sayo, tulungan na kita?" Dugtong ko sakanya na napalingon siya sa'kin.

I'm falling Inlove with my Girl(Friend)Where stories live. Discover now