CHAPTER 30

1.2K 51 11
                                    

Becky pov:

Nagpagpatuloy siya sa kwento niya habang ako nakakaramdam nang pagkahilo dahil sa ininom ko

"Alam mo bang muntikan mo kong halikan ulit nung time na ako yung naghatid sayo sa bahay mo pero agad akong umiwas kasi ayaw ko may mangyari sa'tin kasi lasing ka nu'n, ayaw ko gawin yun ng hindi mo alam." Sabi niya nang napa-taka sa'kin

"Bakit hindi mo tinuloy? Bakit hindi mo sinabi yung totoo that time?!" Sabi ko sa garalgal na boses

"Kasi natatakot ako na pandirian mo ko, na ikaw ang gusto ko, na nagkakagusto ako sa isang best friend ko at mas lalong nagkakagusto ako sa kapwa babae ko." Sabi niya at ramdam kong umiiyak ito

"Beck... Maniwala ka o hindi,mahal naman kita eh."

"Mahal mo ko pero hanggang kaibigan lang." Sabi ko sa kanya at tatayo na sana ako para lumabas pero pinigilan niya ako

"Please pakinggan mo muna ako, wag kang umalis." Sabi niya sa'kin kaya ako napahinto sa pag-alis ko

"Hindi ko ine-expect na may isa pa kong kaagaw sa'yo yung dumating si Nat at si Saint sa buhay natin, nung birthday ni Nam. Ako kusang sumakay sa sasakyan mo kasi ayaw ko na iba pa sumakay du'n. That time, ni-reject ko ulit si Saint kasi dahil sayo 'yun. Nag truth or dare game tayo, I know your drunk that time pero di ko aasahan na magagawa ko sa'yo 'yun. Alam kong sinamantala ko ang kalasingan mo pero hindi ko sinasadya dahil sa dare. PeroI kiss your lips because of dare..."

"Magulo yung utak ko that time kaya pumayag ako sa dare. Hindi ko sinabi yun kasi nahihiya ako, nahihiya ako sa ginawa ko sayo." Sabi niya habang di mawari ang pinta ng mukha nito ngayon.

Bakit niya ginawa 'yun? Dahil ba gusto niya ako? Pero sana una palang nag-confess na siya

"Nung pumasok tayo nu'n sobrang saya ko kasi nahawakan ko 'yung kamay mo, at nakaramdam ako ng kilig dahil sa mga tingin mo sakin pero nawala yun nang makita kong nakikipag-usap ka sa iba, antagal ko kayong tinititigan no'n,"

"Hanggang sa ipatawag kita, I know na sinisigawan na kita nu'n pero nadala lang ako ng selos ko at nung time na pinabili kita ng pagkain na'tin, I want to say na gusto na kita pero mukhang wala ka sa mood nung pumasok ka. Kaya pinalabas ko si Claire kasi gusto ko ikaw lang kasama ko kumain. Hanggang sa nakita ko yung post ni Nat, nawalan na naman ako ng mood kasi feel ko wala na talaga akong pag-asa, kaya hindi ko na sinubukan umamin."

"Nagtanong pa 'ko sa'yo kung sino ba ang gusto mo pero sagot mo lang sakin na 'secret', hindi mo na isip na nag iisip rin ako kung sino. Nung uuwi na tayo inaya ka ni Lance, nakakainis isipin na andaming umaaligid sa'yo kaya pumayag na lang din ako sumama."

"Napunta sainyo ni Nat yung usapan kaya nainis ako kasi pinagshiship ka nila sakanya. Umalis ako du'n pumunta akong CR kasi nagpapahangin ako para hindi mo ko mahabol pero akala ko ang pala 'yun,

"Nakita kita na pumasok kaya sinarado ko yung pinto nang CR at hinila kita papunta sa Cubicle. Nagulat rin ako na magalit ako sa'yo at hindi ko rin alam bakit ko sinabi yung Words na 'akin ka lang' kasi totoong gusto ko akin ka lang, walang halong biro at mas lalong hindi ako nagsisinungaling. Alam mo ba nung nag 'huh' ka that time hindi ko na inulit kasi mas mabuting hindi mo narinig pero bigla mo ko hinila para magdikit tayong dalawa, sobrang lakas ng tibok ng puso ko kasi malapit ang mukha na'tin sa isa't isa. Nguni't dumating sila Nam at Irin laking hiya ko nang makita nila tayong dalawa sa iisang Cubicle at narealize ko na malapit na tayo mag kiss, mas lalong nabuhayan ang hiya sa buong katawan ko.."

"Nung umalis tayo ng CR bigla ako napauwi  agad nang mag chat si Dad at nandu'n ka that time, kinomfort mo ko, I feel safe when i'm with you." Nang sabihin niya 'yun hindi ko maiwasan maging malambot ulit, shit! Beck stop! Hindi ka dapat lumambot sakanya, hindi dapat!

I'm falling Inlove with my Girl(Friend)Where stories live. Discover now