Chapter 11

13 0 0
                                    

FBH 11

"Hindi naman ibig sabihin na kapag mahal mo, dapat mo nang ipaglaban." Danica said.

Nandito kami ulit sa store nila Aaron dahil Sabado ulit ngayon.

"Pero kapag mahal mo siya, kaya mo siya ipaglaban, kase kapag mahal mo handa kang tumaya at masaktan." Paliwanag ni Aaron.

"Pero paano mo pa siya ipaglaban kung ikaw lang naman iyong lumalaban?" Nakataas na kilay na sabi ni Dani.

"Bakit ka pa pupunta sa gyera kung sa una pa lang alam mong talo na."

They all gasped from what Dani said. I am just smirking while listening to them. Miah crept a smile, while Francis clapped his hands from what Dani said.

They are debating if whether you should fight for someone you love.

"Kung lumalaban ka hindi naman sa una makikita ang results, nasa huli. Malay mo, you can flip the game until it favors you."

May mga costumer na din na nagbabayad at mabuti na lang ay si Marie Claire ang cashier ngayon. Hindi ko alam kung saan nagsimula ang debate nilang dalawa pero alam kong walang magpapatalo.

"Paano ka mananalo kung sa una pa lang suko ka na." Aaron added that shut Dani up.

"Oh ano Dani may idadagdag ka pa?" Tukso ni Emil dito kase tumahimik ito. Nag-iisip siguro ng ikakatwiran niya.

"Oh sige na nga, panalo ka na." Suko ni Danica. 

Aaron just chuckled and shrugged his shoulders.

"Ito na po iyong resibo ninyo ma'am. Balik po kayo ulit." Paalam ni Marie Claire sa last na costumer at ngayon ay wala ng tao sa loob ng store nila Aaron except sa aming pito.

"Kapag ikaw ba Sha, ipaglalaban mo ba yung taong mahal mo?" She then asked me.

"I don't know, maybe? Pero I beleive nakadepende sa sitwasyon." I unsurely answered kase hindi ko din naman talaga alam.

"Asus, hindi mo pa ba siguro naranasang magmahal." Tukso nito saakin.

"Acads before everything si Sha-sha." Sabat naman ni Aaron. "Kase kapag successful ka, mas marami ka pa daw makikita." dugtong pa niya. But I doubt it. I know a lot of people who are earning more than enough pero hindi pa din nakakakita ng kabiyak. Nagiging workaholic na lang.

"Acads before anything pero may crush." Sabi ni Marie Claire.

"Oo nga, hindi niya pa na-iispill ang daya." Segunda ni Aaron.

"Karangalan sigurong maging crush ni Sha-sha." 

"Hindi ka makakaramdan ng karangalan na iyan Emil, malabo kang maging crush ni Sha-sha." Sabi ni Aaron na nagpatawa sa amin. Binato naman ng noodles ni Emil si Aaron.

"Ikaw ba Miah? Ipaglalaban mo yung taong mahal mo o hindi?" Tanong ni Dani na hindi maka get-over sa topic.

"Oo kung mahal ko at alam kong tamang ipaglaban ko siya." Sagot nito habang inaayos ang rack nang chichiryang malalaki.

"Pero paano kung hindi ka niya kayang ipaglaban?" Tanong ulit ni Dani. Si Marie Claire at Aaron kahit busy sa counter ay nakikinig pa din. Si Emil naman ngumunguya ng ika-lima nang pagkain na nakuha niya sa store nila Aaron. Hindi naman na lugi si Aaron kase triple binabayad nito.

"Ipaglalaban ko pa din, kaysa naman magsisisi ako na hindi ko ipinaglaban." Sagot nito matapos ma ayos ang rack. "Atleast alam ko na hindi ako nagkulang at hindi ako naging duwag."

"Mukhang in-love tayo ha? Malalim pa sa balon iyong sagot mo." Sabi ni Emil sabay bunggo ng balikat sa isa.

"Asus, sino ba yang napupusuan natin?" tukso ni Marie.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 23 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Sarabia Heights 1: Fixing the Broken HeartsWhere stories live. Discover now