Chapter 6

10 0 0
                                    

FBH 6

"I am Radney Jimenez and I declare the La Candellaria Sports Feast 20xx now open."

Almost everyone clapped their hearts out as officially open na yung Sports Feast. Well, isa kase ito sa inaabangang event ng mga estudyante dito sa La Candellaria.

After lunch na pa naman yung simula ng games. The games will take 3 days at highlight yung search for Mr and Ms La Candellaria which Marie Claire will join.

First event na icocover ko mamaya ay yung track and field tas yung game na nila Emil tsaka yung game ni Miah. After noon ay yung games na nila Francis. We're happy kase hindi overlapping yung schedule nila kaya makakanood kami ng lahat ng laro.

"Kamusta yung pagbabalik sa dating school mo Sha?" Tanong ni Danica. SCA is the host this year and first time kong maka-attend since hindi naman ako nanonood ng Sports Feast sa buong high school years ko.

"Okay lang naman, namiss ko yung SCA but I'm happy with Sarabia right now."

"Syempre nandoon kami kaya mas masaya ka ano." Sabi ni Marie Claire sa akin. It's the three of us right now because I am currently touring them sa SCA. Hindi kasama sa budget si Dani sa mga pinadala dito na players, documentation team at yung ibang student assistant but Emil pulled some strings para makasama siya.

"Girl is that Ayesha Faye? Look oh."

"So she's within La Candellaria lang pala. I thought naman sa malalaking university na siya ng school."

"I saw her kanina, she's with that handsome guy we're talking about."

"She's always with guys naman, what's new with that. Parang nakadikit na libag nga iyan dati kay Lyle, so what would you expect?"

I heard whispers about me when I passed by with my used to be school mates. Well, hindi na siya whispers kase naririnig ko din naman. Hindi ko naman sila kilala because even though I'm here at SCA for four years konti lang yung kilala at close ko.

"Sha, ikaw yung pinag-uusapan nila no?" Tanong ni Dani. Nandito na kami ngayon sa field at pagbalik na sa room namin.

"Oo nga Sha, except may kapangalan ka na close din ni Lyle." Sabi pa ni Marie.

"Let them be, sanay na ako jan."

"Hoy Ayesha Faye, hindi ibig sabihin na sanay ka ay hahayaan mo sila." Pangaral ni Danica at nag crossed arms pa.

"Dan, kalma." I tried to laugh off because I know na sa tono niya ay parang susugurin niya na yung school mates ko.

"Toxic pala dito environment mo dati Sha, mabuti na lang talaga at nag transfer ka." Mainit na ulo na sabi ni Marie Claire. Akalain mo sila pa yung napikon sa naririnig namin kahit ako naman iyong pinag-uusapan.

"Iba talaga kapag maganda, matalino at blessed sa buhay chinichismiss ka." Matunog na sabi ni Dani. Na alam kong narinig ng school mates ko dati. She even looked at them from head to toe with her judging eyes.

Hinatak ko na si Dani kase akmang susugod na iyong school mates ko sa kaniya. Bunganga talaga nito.

Dumating kami sa assigned room sa amin and fate does works talaga sa advisory room pa namin nong Grade 10 kami na assigned.

"What happened, bakit parang nag contest si Dani sa init ng panahon?" Tanong ni Aaron ng makarating kami.

"Paano ba naman kase, nadaanan namin yung nakakilala kay Sha-sha dito tapos chinismiss pa siya. The audicity." Pikon at mataray na wika nito.

"Hala bakit, anong pinagsasabi nila kay Sha-sha?" Francis worriedly asked.

Marie Claire is the one who told them the story because Dani is still pissed.

Sarabia Heights 1: Fixing the Broken HeartsWhere stories live. Discover now