Chapter 3- Confused

4 0 0
                                    

Vini's POV

Hanggang ngayon tulala parin ako sa sinabi niya at pagwo-walk out niya. Naniniwala siya sa DESTINY! holy mother of cows! S-si Mr. Scary eyes naniniwala sa ganun? Does that mean he's a hopeless romantic or something? Napalingon ako sa hagdanan kung san siya bumaba. Bumaba ako at tinignan yung magkabilang hallway wala na siya bakit ang bilis naman ata niyang nakaalis?

Nagkibit balikat nalang ako saka naglakad lakad sa campus para hanapin siya for pete's sake! Hindi niya ba alam na kahit ganito ako busy akong tao. Lagi akong wala tuwing Friay, Saturday at Sunday dahil nagtatrabaho ako part time bilang isang singer isa yun sa kinabubuhay ko at alam kong hindi kayo makapaniwala may band ako na ang pangalan Moving Axis ako ang lead vocalist kaya kung susumahin ngayong araw bukas at sa makalawa saka next week na lunes at Tuesday ulit lang ang time consumption namin. Masyadong maikli yun para sa five pages ba na research yun? Hay ewan basta yun.

Napaupo nalang ako sa bench nakakapagod kayang maglibot ang laki laki kaya ng campus. Napatitig ako sa lalaking tumabi sakin. Tumingin siya sakin at ngumiti na parang model ng kung ano mang brand ng toothpaste na handa kong bilhin para maging sing puti ng ngipin niya. Brown na clean cut na buhok at may cute dimples ay grabe ang gwapo hindi ba to nagbalak na mag-artista?

"Hi." Bati niya kaya napitlag ako at akward na ngumiti

"Uh. H-hello?" tumawa siya ng mahina thats super sexy talaga ay grabe ang gwapo naman nito

"Vini right?" Nanlaki ang mata ko at napahawak sa bibig saka siya tinuro

"Oh my gosh! Stalker ka!?"

"Hahahaha! A bit I think?" Nagkibit balikat siya saka nakangiting tumingin sakin

Pinaningkitan ko siya ng mata. "Umamin ka? Stalker ka? Gwapo ka naman. At mukhang mayaman pinagtitripan mo ba ako? Naku! Sinasabi ko sayo makakatikim ka sakin ng sapak ng wala sa oras."

"Im Jheiro." Inabot niya sakin yung kamay niya na tinanggap ko naman

"Dito ka nag-aaral?" Tanong ko

"Nope. Bisita lang ako dito." Mabilis niyang sagot kaya napa-aahh naman ako

"May kapatid ka dito or girlfriend?" Tanong ko

"Kapatid? Actually wala pero pinsan meron and sa girlfriend ang totoo niyan hindi kita lalapitan kung meron man." Cool niyang sabi kaya napkunot ang noo ko

"Ha--" biglang naputol ang sasabihin ko ng may humawak sa dalawang balikat ko at pwersahan akong itinalikod sa kaharap ko saka dinala sa likuran niya

"Oy! Jhiro insan ikaw pala." Narinig kong sabi ni Jheiro kaya agad akong napatingin sa lalaking kasama ko at ilang beses napalunok si Scary Eyes

"What do you want J?" Nakaramdam akong uneasiness bakit?

"Can I borrow her?" Naramdaman ko ang isang mainit na kamay na humawak sa braso ko at nakita ko ang sarili kong hawak nilang parehas sa magkabilang braso the eff tell me whats happening?

"You can't."

"And why is---"

"She belongs to me."

Help Me DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon