Chapter 4- Hot n' Cool

2 0 0
                                    

Vini's POV

Nakailang iling ako at buntung hininga. Gulong gulo na ako hanggang ngayon tatlong linggo na ang nakalipas magmula nung..

"She belongs to me."

Leche ano baka kasi yung belong belong na yun? Naiinis ako sa sarili ko! Pagkatapos niyang sabihin yun ngingiti ngiting umalis yung Jheiro tapos siya? Ayun sinamaan ako ng tingin at nagwalkout ang galing diba? Ang saya?

Simula nun hindi ko na siya ulit nakitang pumasok pa. Hindi ko alam kung nahiya o na ano. Paki ko ba sa kanya swelo naman niya ang kapal pa ng mukha subukan niya lang talagang magpakita.

Tapos nung araw na magpapasa ng feasibility research sinabi kong hindi ako nakagawa kasi wala yung partner ko alam niyo sinabi? Nung prof namin?

"Ayos na ang lahat." O? Sabihin niyo nga kung hindi weird yan! Pero kahit pano thankful parin ako may inner kindness rin naman pala yung lalaking yun e. Pero he still give me that creeps. Err weird.

Inilapag ko na ang bag ko sa armchair saka maayos na umupo. Im not a fan of eavesdropping pero..

"Uy! Alam mo bang ilang beses ng napabalitang nakikipagaway si Jhiro!?" halos sumigaw na yung babaeng mukhang avid fan ni Scary eyes

So? Totoo ngang..bad boy siya? O gangster?

"Grabe ang gwapo parin niya siguro! Alam mo kasi lagi naman siyang nananalo kahit anong battle pa yan." Kinikilig naman na sabi nung isa. Kaya napailing nalang ako.

"Balita ko pa nga dito na ata mag-aaral yung pinsan niya!" naghawakan pa sila ng kamay saka nagtawanan ay baliw.

Pero pinsan? Si Jheiro?

"Oh my ghad! Ang gwapo talaga ng guevara cousin!" tumili sila ng ilang beses na parang ina-ano.

"Ang hot ni Jhiro noh?"

"At ang cool ni Jheiro like oh my ghad their so yummy!!"

"HOT N' COOL!!!! KYAAAAH!!" nagtilian silang dalawa saka nagmamadaling lumabas ng room

Fan girling. Tsk. Mga rason kung bakit ayaw kong maging ganyan kasi nakakabaliw yan grabe. Napailing ulit ako ng ilang beses saka dumukmo at pinakiramdaman ang paligid habaang nakapikit. Void. An endless loneliness. And space.

"Ang tahimik mo pala noh?" dahan dahan akong nagangat ng tingin sa pamilyar na boses ng nagsalita.

"Ikaw na naman umaano ka ba dito!?" napatawa siya at nagkamot ng batok. Waaah! Bakit ang cute niya!?

"Well, dito na kasi ako magaaral." Nakangiti niyang sabi. "Cool diba?"

Napataas ang kilay ko saka napakunot ang noo. Napabuntunghininga siya.

"No reaction? Walang kahit ano?" Tanong niya

"Huh? Ano ba dapat i-react ko?" napahagikgik ako ng paikutin niya ang mata niya na parang sinasabing duh.

"Im actually the vocalist of Fahren'heat." Bored niyang sabi na para bang dapat alam ko ang bagay na yun.

"Aaaaah. Huh? Sino ba yun?" gusto kong tumawa ng malakas ng makita ang mukhang-di-niya-alam looks ni Jheiro grabe epic priceless.

"Forget about it. So? You mind if I sit here beside you?" napatingin ako sa upuan na inuupuan niya yun ang pwesto ni---

"You can't." sabay kaming napatingin ni Jheiro kay Mr. Scary Eyes na may bumabalot na madilim na aura. Speaking of the devil. Nararamdaman ko na ang panlalapot ng pawis ko at ang pagbilis ng heartbeat ko.

"A-ano Mr.---err I mean Jhiro ang ibig niyang sabihin--"

"Well dear cousin Tita said I can chose wherever I want to sit." prenteng umupo si Jheiro at tinaas pa ang dalawang paa sa nasa harapan niyang upuan. Packing shet nangangamoy away. Teka nga! Nasaan na ba yung mga tao!? Tumingin ako sa paligid at packing tape lahat sila nasa labas pinapanood kami na para bang pelikula ang nangyayari wag niyong sabihing kanina pa yan!?

Napadukmo nalang ako ng maalala ko yung mala-epic na paguusap namin ni Jheiro na kanina pa pala nila pinapakinggan. Nakakahiya.

"Fuck off. J." Napalingon ako sa dalawa sa tabi ko na kanina pa nagmumurahan bakit ba ang malas ko simula nung makilala ko tong dalawang to?

"Meh? I don't really care couz' find your seat." Sabi ni Jheiro. Eto naman kasi pinapatulan pa yung isa alam namang pikon. Tsk.

"Tsk. I. Said. Get. Away. From. That. Seat. And. Fuck. Off." Sabi naman nung isa. Haay buhay sarap mamatay.
Napatakip nalang ako sa tenga ko saka sila nilingon ng dalawa yung masisindak talaga sila. Aba hindi lang sila ang may karapatan magalit noh!

"Pwede ba para kayong bata. Para upuan lang. Magpinsan po kaya kayo. Ikaw." Sabi ko saka tinuro si Jheiro kaya napaturo rin siya sa sarili niya.

"Bakit?"

Tumayo ako at kinuha yung bag ko. "Dito ka na lang at magtabi kayong dalawa peste kayo." dali dali akong lumabas bahala na mamaya kay sir dama buset.

Jheiro's POV

Napangisi nalang ako ng makita ang pag-igting ng baga ni Jc thats why I love him so much. Hahaha. Pikon.

"Well, sige couz' mauna na ako dito ka na. Bye." binigyan ko uli siya ng nakakalokong ngiti. Hah! I won.

Nagmamadali akong lumabas para hanapin si Vini. Nakita ko siyang natutulog sa ilalim ng puno. Nilabas ko ang dslr ko at kumuha ng magandang anggulo.

*click

Napangiti nalang ako habang tinitignan yung picture niya. Looking angelic just like before.

That made me fall for her harder.

Help Me DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon