04

14 1 0
                                    

Ang ganda pakinggan ng pangalan ko sa boses niya. It was his first time to say my name kasi 'sungit' ang lagi niyang tawag. He was smiling at me, waiting for me to say anything.

"Kinilig ka ba?" Natatawang sabi niya.

"Slight," I said. I can see how fast his reaction changed. Mahina siyang natawa bago iniling-iling ang ulo niya. "Mas kinilig ka pa ata sa akin," I said.

"Slight din," pang-gagaya niya. Inirapan ko na lang siya tsaka nag-lakad para sana umakyat na. "Good night, Miss Sungit."

I just waved my hand not facing him. Before I entered the lobby, I turned my back and saw him with his usual poise, crossed arm and leaning against his car. He was still looking at me, smiling, "Ingat ka." I mouthed.

Tumango-tango siya at kumaway sa akin. Mabilis lang din akong naka-akyat sa condo. Hinawakan ko ang dibdib ko tsaka huminga ng malalim, kinabahan ako doon nang slight. Nag-open na rin ako nang twitter para mainform na I already have a ticket. Bago pa man ako makapag-post ay nakita ko ang tweet ni Kairo.

KJ @kairojver
you made my day :)

It was both posted a minute ago. Nakita ko naman agad ang comment ni Drio sa post, 'Wala 'to, guys.' I know it's me, duh. Sino ba ang kinita niya ngayong gabi? Meron pa ba? Wala. So it's me. Pinatay ko na rin ang phone ko dahil lumala na ang pagiging delusional ko.

I woke up super early because of a call. "Hello?" I rubbed my eyes and yawn, tinignan ko din ang oras.

[Come to the house this Saturday.] I rolled my eyes when I heard the voice. [Dadating ang Lolo at Lola mo.]

I sighed, "Why do you keep including me to your family?"

[Bastos ka talaga 'no? Nanghihingi nang pabor ang tao sa'yo, Amelia. Tandaan mo, kahit pagbali-baliktarin ang mundo anak pa rin kita!] Her voice roared on the other line.

"Akala ko ba hindi na ako parte ng pamilya mo?" I said. "You can't just say something and expect me to follow because I am not your child anymore. Simula nung araw na 'yon kinalimutan mo ako maging anak."

I ended the phone call right away. Napahilamos ako ng mukha at mahinang sumigaw. I never had a good relationship with my mom, lalo na nung nakatira pa ako sa bahay nila. She just doesn't like me ever since. Malalim akong bumuntong hininga at tumayo na lang para simulan ang araw. Hindi pa nga nagsisimula ang araw ko sinira na agad niya.

FROM: Coach Xander

Good morning players. Wala munang training ngayong araw, enjoy the rest of the day.

Napa-buntong hininga ako, gusto ko pa naman mag-training. I decided to go play badminton in the nearest court. Gusto ko pagurin ang katawan ko para makalimutan ang nangyari kaninang umaga. Inabot ata ako ng tatlong oras bago ako magpasya na tumigil. Habang nagpapahinga sa gilid nakita ko naman ang text ni Drio na mag-breakfast daw kami malapit sa USTe dahil nandito siya.

Natanaw ko na agad ang mga kasama ni Drio, kasama niya 'yung mga kasama namin nung nag-aya siyang mag-volleyball.

"Hey, good morning," I greeted.

"Saan ka galing?" Drio asked me. I sat down next to him, katapat ko naman ngayon si Kristen.

"Wala kaming training kaya nag-badminton ako sa may court malapit sa España," I said.

"Order muna kami pare," Kairo said. Napatingin naman ako sa kanya saglit, nagka-tinginan kami ng ilang segundo bago siya ngumiti sa akin. "Miss sungit, ano order mo?"

"The usual please," I said. "Okay po." Naka-ngisi niyang sabi. Bago ko pa man masabi ang 'usual order' ko ay umalis na siya na parang alam niya kung ano gusto kong kainin.

Chasing The SunsetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon