Nicole's POV
Wala kami masyadong ginawa sa school... At kung tatanungin niyo kung anong nangyari samin ni Jake... Wala naman masyado... Hindi ko siya pinapansin pero napapatingin ako sa kanya paminsan minsan... At hindi mapagkakaila na gwapo talaga siya...
Kaso lang one time nahuli niya ko na tumungin sa kanya kaya simula non inasar niya na ako ng inasar... Na kesyo may gusto daw ako sakanya... Gwapong gwapo daw ako sakanya... Picturan ko nalang daw siya para mas matagal ko siyang matitigan at hindi siya matunaw...
NAPAKA ASSUMING NIYA....
Oo gwapo siya pero wala akong interest sakanya noh... Bwiset...
Kala mo kung sino...
Pauwi na ako ngayon... Naglalakad ako papunta at pauwi kasiwalking distance lang naman ang layo ng bahay namin sa school ehh...
Tumigil muna ako dito sa may park malapit samin... Dito ako palaging tumatambay kapag malungkot ako tsaka kapag may problema ako...
Ang sarap kasi magisip kapag tahimik tsaka nakakagaan ng loob yung magandang view....
May nakita akong dalawang bata na naglalaro... Ang sweet sweet nila... May naalala ako... Asan na nga kaya siya?
Where are you na ba, childhood bestfriend?

BINABASA MO ANG
Mapaglarong Tadhana
Teen FictionIto ang storya ng dalawang tao na pinagtagpo ng tadhana... pero sabi nga nila mapaglaro ang tadhana... sila kaya hanggang dulo o mauwi sa sakitan ng dahil sa tadhana?