Nicole's POV
Pagdating ko dito sa bahay, dumiretso agad ako sa kwarto ko...
Ewan ko ba feeling ko kasi pagod na pagod ako... Kaya naisipan ko na matulog nalang muna...
Zzzzzz......
Pagising ko tinawag ako sa baba para kumain ng dinner...
Pagkatapos ko magdinner nagfacebook muna ako... Hindi pa ako inaantok ehh....
Nakita ko yung status ni Jake na may hinihintay siyang mag ol... Bigla na lang niya ako minessage....
Jake: hey babe :)
Me: huwag ka nang umasa dahil hinding hindi ako papatol sa isang tulad mo noh...
Jake: alam mo babe wag ka ng magpakipot pa... Alam ko namang gusto mo ko eh...
Me: A-S-A-!
Jake: mamaya kinikilig ka na jan babe ah...
Me: WHATEVER!
Inooff ko nalang yung facebook ko at nagbasa nalang sa wattpad...
Zzzzzz...
Nakatulog pala ako sa kakabasa... Buti nalang nagising ako sa tamang oras kaya naligo agad ako at nagbihis na tapos bumaba na ko para kumain ng almusal...
Nagpaalam na ako kay mama na papasok na ako...
Pagdating ko sa school pumunta muna ako sa locker ko para kuhain yung mga books ko na gagamitin... Hindi kasi ako mahilig maguwi ng books... Kapag may assignments lang o kaya may quiz at kailangan ko magreview...
Pagdating ko sa room nandon na si Jake.... Himala maaga siya ngayon...
Umupo na ko sa tabi niya... Ngumiti siya sakin pero hindi ko siya pinansin... Ang weird talaga niya... Mamaya trip lang niya ako... Kaya hindi ko nalang siya pinansin....
May pinagawang seatwork samin...
Bigla niya akong kinausap at naghiram ng ballpen... Dahil mabait ako pinahiram ko sa kanya yung extra ko...
Maya maya nanghiram naman siya ng correction tape... Dahil girl scout ako pinahiram ko sa kanya yung akin... Sinauli niya naman.... Maya maya hiniram ulit niya kaya binigay ko... Sinauli naman niya agad....
Maya maya ulit hiniram niya ulit binigay ko naman....
Hindi ako makapagfocus sa ginagawa ko kasi paulit ulit niyang hihiramin tapos isasauli kaya nung hihiramin nanaman and iya sabi ko kahit wag na niyang isauli... Ayun nakapagsagot na ako ng maayos...
Nung natapos na ako pinasa ko na yung papel ko kay maam... Hinintay kong matapos siya para makuha ko na yung correction tape... Nung sinoli na niya sakin ubus na kaya napasigaw ako bigla dahil sa inis...
Me: BAKIT MO INUBOS?!
Jake: kasalanan ko bang IKAW lang ang tama ko... Kaya bura ako ng bura kasi puro mali yung sagot ko.... *sabay smirk*
Me: huwag mo kong idaan sa banat mo.... Palitan mo toh... Gusto ko parehas na parehas....
Bwisit makaalis na nga dito...
Dumiretso na ko sa canteen...lunch narin kasi ehh... Galit na yung mga alaga ko sa tiyan kaya kumain na ko ng kanin...
Nagulat nalang ako ng biglang may umupo sa harap ko... Pag kakita ko kung sino nainis agad ako kaya pinaalis ko siya pero ayaw naman niyang magpatinag... Haist nambwibwisitata talaga to eh... Hinayaan ko nalang siya... Tahimik lang naman kasi siya eh...
Pag angat ko ng ulo ko madami ng masama ang tingin sakin... Tiningnan ko naman yung nasa harap ko nakasmirk lang siya... Aba parang natutuwa pa siya na pinapatay na ko ng mga toh sa utak nila ehh....
Bumalik na ko sa room at nagready na para sa next subject...
Ewan ko ba pero naweiweirduhan na talaga ako kay Jake....
Hindi kaya nafall na siya sakin... Omg....
Hahaha assumera lang ang peg pero di nga .. Ang weird talaga niya... Ay ewan...
---------------------------------

BINABASA MO ANG
Mapaglarong Tadhana
Teen FictionIto ang storya ng dalawang tao na pinagtagpo ng tadhana... pero sabi nga nila mapaglaro ang tadhana... sila kaya hanggang dulo o mauwi sa sakitan ng dahil sa tadhana?