Where are you now?

7 0 0
                                    

Nicole's POV

After many weeks na pagpasok naging close na rin kami ni Jake... Masasabi ko na mabait naman siya malakas lang ang dating kaya parang nakakatakot pero minsan talaga nakakatakot talaga siya...

1st quarter exam na nga pala namin next week... Kaya ngayon nandito kami ni Jake sa kwarto ko... Ewan ko ba dito sa lalaking to kung bakit dito niya pa naisipan na magreview sa bahay...

Kilala na siya nila mama... Actually siya yung unang lalaki na kaibigan kong kilala nila mama... After my childhood friend... Ewan ko ba naman kasi dun bigla na lang naglaho...

Nag-aaral kami ngayon about philosophy... Hindi ko talaga gusto ang subject na to lalo na't wala naman akong natututunan...

Paano kasi, kung magturo yung teacher namin kung ano yung nasa powerpoint yun lang din yung ituturo niya... Nakakaantok kaya...

Pero meron naman kahit konti ang pumasok sa utak ko...

Jake: ano yung explanation ni sir dun sa permanence and change?

Me: yun yung ano daw... Kunyare dumaan ka sa ilog ng umaga... Tapos nung hapon dumaan ka ulit... The river that you saw earlier is still the river that you are seeing now it's just that it's not the same water in it... Kasi diba yung tubig sa ilog dumadaloy...

Jake: kinabisado mo talaga yung sinabi ni sir?

Me: hayaan mo na yun na nga lang alam ko sa philo. kakalimutan ko pa...

Jake: sabagay... Magpakain ka naman bes. Kanina pa tayo nag aaral dito hindi ka man lang magpakain...

Me: kahit kailan talaga napaka takaw mo...tinatamad akong bumaba... Ikaw na lang kumuha ng gusto mong pagkain dun... Dalhan mo din ako ah...

Bumaba na si Jake... Nagtataka din ako dun ehh... Lamon ng lamon pero hindi tumataba... Kainis lang kasi ang matcho pa rin niya kahit ganun siya kalakas kumain...

Bumukas bigla yung pinto... Si Jake pala... Pero amputa ang daming dalang pagkain... Kala mo ilang araw hindi kumain ehh...

Sa dami ng dala niya yung chocolate lang yung nakain ko... Kahiya naman kasi sakanya eh... Pero okay na rin kasi sabi nila mas maaalala mo daw yung inaaral mo kapag kumain ka ng chocolate or peanuts...

Bigla na lang nagsalita tong katabi ko...

Jake: uy bes, nuod tayo dito after ng exams natin... Para naman marelax yung utak natin... Haaah...

Me: sige... Anong movie?

Jake: bahala na...

Gabi na nung natapos kami magreview kaya sabi ni mama makisabay na daw samin si Jake magdinner.. Nandito kami ngayon at kumakain...

Mama: kamusta naman ang school Jake?

Jake: ayos naman po tita..

Mama: behave ba doon si Nicnic?

Jake: hindi po tita.. Alam niyo po bang nambubugbug yan si Nics dun.. Tapos palagi pa po akong inaaway niyan... (*evil grin*)

Magsumbong ba naman daw na parang bata... Epal talaga to eh... Kainis...

Mama: Nicnic pwede ba kahit minsan umakto kang babae...

Jake: Hahahahahahaha

Sige lang pagtawanan mo lang akong loko ka... Humanda ka sakin bukas... Nyeta ka...

Me: don't call me Nicnic... Ang panget pakinggan... Tsaka ganun ako maglambing Ma hayaan mo na...

Jake: kawawa naman future boyfriend mo Nics...

Mama: may nanliligaw ba sa anak ko Jake?

Jake: yun lang ang problema Tita... Wala po atang manliligaw diyan ehh... Takot lang nilang mabugbug... Napaka amazona po kasi ng anak niyo eh...

Mama: hay nako Nicky... Magbehave ka na nga...

Me: ayoko ng sakit sa ulo ma... Akyat na ko inaantok na ko...

Beastmode na ko amputek... Pagtulungan ba naman daw ako... Eh sa ayaw kong magkaboyfriend eh... Anong magagawa nila... Tsaka dapat nga matuwa pa sila sakin dahil wala akong boyfriend di katulad ng ibang bata jan grade 6 palang meron na...

Jake: uwi na rin po ako tita... Salamat po sa dinner...

Mama: sige magingat ka iho sa pagdridrive at gabi na...

Jake: thank you po... Sige po una na po ako... Bye Nics...

Me: geh..

Umuwi na siya... Inggit nga ako dun eh... Gusto ko na rin kasing magkakotse... Kaso ayaw pa nila mama... Bawal pa rin naman din kasi ako...

Umakyat na ako at natulog... Friday palang kasi bukas kaya may pasok pa kami... Haist kakatamad pumasok...

Nang mahiga nako naisip ko kung bakit ba ayaw ko mag bf.. Siguro kasi dahil sa promise namin sa isat-isa...

Tupadin din kaya niya yung pangako niya sakin o ako lang tutupad sa pangako ko...

Asan ka na ba kasi?

_________________________________
A/N:
Kamusta naman ang pagbabasa? Ayos lang ba? Sorry kung magulo...

Mapaglarong TadhanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon