"Hay. First day high" grabe ang aga kong nagising ah, siguro kasi unang araw ko 'to sa high school. Napapaisip tuloy ako kung anong mangyayari mamaya. May makikilala kaya akong bagong kaibigan? May k-pop fan din kaya tulad ko? Mababait kaya ang mga tao dun? Magtatagal kaya ako dun? Hindi ko alam eh. Pero sana. Sandali, ako nga pala si Aphrodite (Afrodayti) Sharicanne. Aphrodite Sharicanne Mendoza ang buo kong pangalan pero tinatawag nila akong . 11 years old lang ako. Kakaiba ng magiging timetable ko ngayon, bakit? dahil may extra subject, at ang extra subject ay parang pinaka-major subject ko. Ang subject na ito ay Creative Writing. Lately kasi nalaman ko na nag-oofer din ang school na pinasukan ko ng subjects na makatutulong sa pag-improve ng skills ng isang bata, at ang napili kong field ay Creative Writing, dito mo makikita ang mga estudyanteng magailing sa literature.
Pagpasok ko sa Creative Writing room ay mayroong bumati sa akin
"Sharicanne?" nilingon ko ang pinanggalingan ng mga salitang iyon,
"Hi" sabi ko familiar ang mukha niya pero hindi ko maalala ang pangalan niya
"Arsyhll Madison, nakalimutan mo na siguro ako" sabi niya, then it hit me
"Ah, oo, Madison, diba ikaw yung anak ng pinsan ni papa? So, second cousins tayo? Tama ba? tanong ko
"Oo, tama, akala ko naman nakalimutan mo na 'ko, buti at hindi pa hahaha" sagot niya
Atleast ngayon medyo comfortable na'ko kasi kakaklase ko ang pinsan ko, atleast kahit isa lann may kilala ako.
Lumipas ang ilang minuto at dumating ang aming guro sa asignaturang ito.
" Good morning"
" Good morning po"
" Maglabas muna kau ng papel at ballpen para sa activity natin ngayon. Wag kayong mag-alala hindi to graded"
Naglabas kami agad ng papel at ballpen. Hindi ko alam kung bakit pero kinakabahan ako.
"Okay so ngayon, gusto kong pumili kayo ng partner at siguraduhing hindi niyo siya kilala. Pag nakahanap na kayo ng mga partner niyo. Interview each other tapos sila ang makaka harap niyo o katabi niyo sa seat plan natin."
Papatayo na sana ako that time nung biglang may lumapit sakin
"Hello, gusto mo makipagpair-up sakin?"
Tumingala ako sa kanya. I saw a figure of a tall, white, and handsome boy standing infront of me waiting for my answer.
" Kung ayaw mo okay lang"
" Hindi, okay lang pwede kitang maging partner"
" Kung ganon, ako pala si Edison Gregorio you can me Eson, sorry ah mas sanay ako English eh . At ikaw si?"
"Aphrodite Sharicanne Mendoza. 11 years old. Pwede mo akong tawaging Aphrodite o kahit Shari nalang"
" Aphrodite? Godess of love and beauty. Maganda yung pangalan mo. Bagay sayo. Pareho kayong maganda. Parehong simple lang." gosh that made me blush. Ngayon lang ako namula ng ganito.
"S-Salamat ah. Pasensiya na hindi ako sanay sa compliment eh."
"Haha okay lang pero kailangan mo nang masanay sa mga compliment na yan kasi maraming tao ang makakakilala sayo pagdating ng panahon."
"Haha ok. So Edison diba? Ituloy na natin tong interview na to"
"Ah oo nga pala sige"
Tinuloy na namin yung interview. Ka-section ko din siya sa final section namin. Kaya everyday dalawa ang classroom na pinapasukan namin. That same day, kasama si Madison at Eson, sabay kaming naglakad papunta sa Main Building ng school. Palabas na kami ng gate noong nakita niya yung tatay niya tas sabi niyang mauna na raw kami.
' Aphrodite? Godess of love and beauty. Maganda yung pangalan mo. Bagay sayo. Pareho kayong maganda. Pareho kayong simple lang.'
Yung linyang yun. Paulit ulit sa utak ko hanggang makauwi ako.
BINABASA MO ANG
Too young for LOVE (on-going)
Teen FictionHello guyss, for those who are planing to read this book, I first want to tell you that this story is currently being revised. Siguro mas okay kung huwag niyo po munang basahin but I swear, once rewritten properly, it will be more good. So yeahhh...