Chapter 4

41 3 1
                                    

'ESON'S POV.

Isang linggo na rin ang nakalipas at hindi pa kami nag-uusap ni Aphrodite. Nagpalipat pa nga siya ng upuan eh. Ngayon sa likuran na siya naupo. Sa totoo lang nagseselos na ako kay Jasper. Si Jasper yung lalakeng katabi niya ngayon. Ang close na nga nila eh. Kainis kasi! Bakit ba kasi di ko pa sinabi sa kanya yung nararamdaman ko? Ay takte sasabihin ko na talaga to sakanya.

"Eson? uy ano na?"

"Insan sasabihin ko na sakanya. Hindi ko na kayang itago eh"

Kausap ko ngayon si Raven, pinsan ko. Kaklase din namin siya.

"Sige pre susuportahan kita"

"Salamat pre"

***************************************************************************

APRHODITE'S POV

"Jasper, paano to?"

"Madali lang yan akin na ako na sasagot"

"Sorry Jasper ah, ang slow ko kasi sa math eh"

"ok lang. Mahilig naman ako sa math eh hindi ako magsasawa dito. Besides, may natutunan ka naman sakin diba?"

"Syempre meron. Thank you ah"

"ok lang yun masarap naman sa pakiramdam kapag may natutulingan kang tao eh"

Hay ang bait talaga ni Kuya Jasper. Yup, kuya ko siya. 13 na siya eh 11 palang ako. Magaling siya sa Math kaya tinuturuan niya ako, magaling ako sa Filipino kaya tinuturuan ko din siya. Englishero kasi si Kuya Jasper eh

" Aphro, tapos na to. Sorry ah hindi ako makakasabay sayo pauwi ehmay 4-5 kami ngayong hapon eh"

"Sige Kuya Jasper. Thank you ah. Sige na lumakad kana baka ma-late ka pa sa 4-5 niyo thanks ulit"

"sige Bye"

natapos ko nang iayos yung mga gamit ko papaalis na ko nung biglang

"AAAAAPPPPHHHHRRRROOODDDIIITTTEE!!!!"

GOSH

Si Eson......

Too young for LOVE (on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon