Ang Simula

9 1 0
                                    

BLUE: Kamusta sa inyong lahat, nawa ay nasa mabuti kayong mga kalagayan, pasensya na pala kase hindi ko talaga alam papaano ko sisimulan ang aking kwento patungkol sa aking Journey, pero sige sisimulan ko nalang sa basic information about sa akin.

Ako nga pala si Blue Jade Del Frado Bonifacio, isang college student na may Kursong BEEd o Bachelor of Elementary Education na turning 4th year na, oo tama isang year na nga lang gagraduate na ako haha, di nga ako makapaniwala kase sa liit kong to nakayanan ko lahat ng pressure at tasks na mayroon kami sa course ko hehe, by the Grace of God po talaga iyon.

Panganay po ako sa aming magkakapatid bale 9 po lahat kaming magkakapatid, oo alam ko po nashock kayo kase ang dami naming magkakapatid and eto pa po ang mas nakakagulat si Papa lang po ang nagtatrabaho sa pamilya namin, si Mama po kasama namin sa bahay inaalagaan po kami, sa ngayon po isang company driver si Papa sa isang poultry and pigery company istay-in po sya doon bale kada buwan meron po syang apat na day off na umuuwi po sya sa amin. Ang buhay po namin kung iisipin ay mahirap pero hindi na po namin totally nararanasan ang ganoong mga bagay kase naniniwala po kami sa Ating Panginoong Hesu-Kristo we are a Christian po (Born Again Christian) to be specific po.

Well, mahaba po story how we entered in Christian Life and World, at masasabi ko po na iyon ang pinakamagandang bagay na nangyari po sa aking buhay pati na rin po sa aming pamilya. Going back po sa pamilya ko nasa Tarlac po kami nakatira, isa po akong babaeng probinsyana na simple lang manamit at mahiyain din po siguro kase hindi ko po kinalakihan na nakikihalubilo sa ibang mga bata kase mula po 1 yr/o ako hanggang bago po ako mag aaral ng preparatory nakatira po kami sa bulubukin kase doon po ang lupang ibinigay sa pamilya po ni Papa nung panahon po ng pagputok ng Bulkang Pinatubo, kaya doon po kami tumira pero dahil din po sa mag aaral na po ako kinailangan na po namin non na lumipat sa lugar po na malapit sa paaralan para mas madali na lang po akong makapasok.

Kaya hanggang ngayon dito na po kami nakatira sa syudad kung baga, lahat na po kaming magkakapatid ay nag aaral na, apat po kaming nasa college, dalawang nasa high school at tatlo naman po elementary student. 22 yr/o na po ako turning 23 sa September, basta ok na po yan di ko na imemention pa yung date and year ng bday ko haha sorry po.

Ok, ayan na po muna sa ngayon about po sa basic info. ko hope nakatulong po as guide para medyo makilala nyo po ako, thank you po and God bless po.

God is Good all the time!!!

Ang Aking Journey (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon