Chapter 4 - She's back

10 0 0
                                    

Chapter 4 

Nagkatinginan sina Blake at Bryan pati na ang iba pa nilang mga kaibigan ng pumasok si Fritz sa loob ng Rio's Finest. It was sunday morning. Doon ang meeting place nila bago sabay-sabay silang pupunta sa basketball court. Nakaugalian na nilang maglaro ng basketball tuwing Linngo ng umaga para kahit papaano ay mabawasan ang stress dahil sa trabaho.

"Bago yan, ah. Nakasimangot ka, pare,?" sabi ni Jared kay Fritz.

"What happened?" tanong naman niya. 

"Nakakainis na talaga yang si Athena . Ang tigas ng ulo! Nakipag-drag racing na naman kagabi," naiinis na sagot ni Fritz.

Napailing-iling si Blake. Hindi lingid sa kaalaman nila ng mga kaibigan niya ang tunkol sa kakaibang hilig ni Athena sa drag racing. He knew that Athena was a good driver. Kahit maliit na babae ito ay pwede itong ihelera sa mga professional car racer. Kahit nga si Nheech na champion sa superbike racer ay hindi umubra dito pagdating sa pagmamaneho.

"Hindi ka pa nasanay sa pinsan mong 'yon," sabi ni Humphrey kay Fritz. "Alam mo namang matigas talaga ang ulo nun."

Bumuntong hininga si Fritz at saka hinilot ang magkabilang sentido nito. Parang sumasakit ang ulo nito sa kunsumisyon sa pinsan. "Hindi ko na alam ang gagawin, pare. Kahit anong pigil namin sa kanya, nakakahanap pa rin siya ng paraan para makatakas."

"Just relax,pare. Magsasawa din  yun," sabi niya.

"Sana nga. Nagaalala na kami sa kanya, lalo na si lolo."

"Kumg ako sayo Fritz, ibubuhos ko na lang sa laro ang inis mo. Tpos paguwi mo, siya ang itanim mo sa mga pasò niya," payo ni Vanni.

"Mabuti pa nga" pagsang-ayon ni Fritz.

*********

Nagkakagandahaba ang leeg at napapakamot ng ulo si Athena sa kakatanaw sa loob ng bahay nina Nheech. Kanina lang ay nakita niya itong naglalakad sa bakuran na nakasuot lamang ng boxer shorts kaya ganoon na lang ang panlalaki ng mga mata niya. Nakagat niya ng wala sa oras ang hawak niyang iasang pumpon ng bulaklak.

"Nasaan ka na ba, irog ko? Kanina lamang ay nasilayan ko ang mala-Adonis mong katawan. Ngayon ay nawala ka na naman sa aking paningin," tila isang makatang sabi niya.

"Hay naku, kawawa naman si Nheech."

Napalingon siya sa nagsalita. Agad siyang napangiti nang makita kung sino ang bagong dating. "Chacha!" tuwang-tuwang sabi niya. Sinalubong niya ng yakap ang kaibigan niya. Chacha had been her bestfriend since childhood. Fetus pa lang yata sila ay magkaibigan na sila nito. There parents were bastfriends, as well. Iyon ay noong buhay pa ang mga magulang niya. Halos isang taon ding nawala si Chacha sa Tanangco dahil kinailangan nitong pumunta sa Amerika para alagaan ang nagkasakit na ama nito.

"Athena!" Gumanti rin ito ng yakap.

"Kailan ka pa dumating? Hindi ka man lang nagpasabi para nasundo kita sa Airport."

"I wanted to surprise you. Kagabi lang ako dumating."

Na miss kita, bruha. Kamusta ka na? Ang daddy mo?"

"I'm fine. Okay na rin si Daddy. Si Mommy na ang bahala sa kanya kaya pinayagan na nila akong umuwi. Ikaw, ano ang mga pinaggagagawa mo rito habang wala ako? Hanggang ngayon ba ay patay na patay ka pa rin kay Nheech?"

Tumingin uli siya sa bahay nina Nheech. "Alam mo best, true love does'nt fade away."

"Ay, sus! Nangangarap ka na naman ng gising. Ilang beses ko na bang sinabi sa iyo na hindi siya interesado sayo? You're just wasting your time."

"Hayaan mo na lang ako. Please. . .?"

Umiling-iling ito. Marahil ay sumusuko na ito na walang makakapigil sa patuloy na paghanga niya kay Nheech. "Best, ayoko lang na masaktan ka."

"You worry too much. Sa tigas ng mukha ko, hindi uso sa akin ang sakit-sakit na yan."

"Ewan ko sayo. Wala na akong sinabi. Kahit kailan talaga, hindi ka nawawalan ng katwiran."

Nagkibit-balikat na lang siya. Nabaling ang atensiyon niya sa paparating na grupo ng mga nagguguwapohang Tanangco Boys. "Oh, there you are, my love!" Kaya pala hindi na niya nakita si Nheech sa loob ng bakuran ng bahay nito ay dahil nagbasketball ito kasama ang mga kaibigan nito.

Pero nawala ang atensiyon niya kay Nheech nang biglang sumulpot sa harap niya si Blake. Sinimangutan niya ito. Kahit kailan talaga ay napaka-epal nito! As usual, seryoso ang mukha nito at kulang na lang ay lamunin siya ng buong-buo. Nakapaywang pa talaga ito. At dahil nakaharang ang glass wall ng flower shop niya, hindi niya narinig kung ano ang sinabai nito nang bumuka ang bibig nito.

"Ano raw?" tanong niya kay Chacha.

"Aba, ewan ko," sagot naman nito.

Pumasok na si Blake sa pinto ng shop niya. Pagkapasok nito ay tinanguan lamang nito si Chacha at siya na ang binalingan nito. "Talaga bang hindi ka titigil sa kalokohan mo?" tanong nitong may bahid ng iritasyon ang tinig.

"Ano bang pinagsasabi mo?" pasinghal na tanong niya.

"I know what you did last night. Nakipag-drag racing ka naman."

"Yeah. And so?" mataray na sabi niya. Pinagtaasan pa niya ito ng isang kilay.

"Anong 'and so'? Hindi mo ba alam na illegal ang ginagawa mo?"

Humalukipkip siya. "Wala kang pakialam sa akin, Blake. So, dont act as if you're concerned with me. Because that is so not you," pambabara niya rito.

Hindi ito nagsalita. Lalong nagsalubong ang mga kilay nito. "Pamela Athenecia!"

Nagulat siya at napapikit pagkarinig niya sa malakas at nakakatakot na boses ng kanyang Lolo na si Don Manuel Santos.

"Anong kalokohan itong nabalitaan kong ginawa mo?" sita nito sa kanya.

Dahan-dahan siyang dumilat. Ang lolo na niya ang nasa harap niya. Sina Blake at Chacha ay nasa isang tabi lang. 

"Answer me!"

Napapitlag siya. "Wala po, Lolo," tila maamong tupa na sagot niya.

"Anong wala? Alam kong madaling-araw ka nang umuwi kanina. At ang dumi pa ng kotse mo. Did you go racing last night?"

"Eh..." Hindi niya alam kung ano ang dapat niya isagot dahil totoo ang hinala nito. Kumbaga, sukol na siya. Sigurado siyang ang pinsan na naman niyang si Fritz ang nagsumbong sa lolo nila.

"Kapag hindi mo tinigilan ang kalokohan mong yon, I'll take your car back and close this flower shop down. Do you understand?"

Napakamot siya ng batok. "Opo."

Yun lang at umalis na ito. Nakita pa niyang inalalayan ito ng pinsan niya na sumakay sa kotse. Saglit na kinausap ni Fritz ang driver ng lolo nila bago ito pumasok sa flower shop niya.

"Siguro naman ay magtatanda ka na, " sabi sa kanya ni Fritz.

"Ewan ko sa'yo! Sumbungero!" galit na sabi niya.

"Mabuti nga yun para matigil ka. Hihintayin mo pa bang may mangyaring masama sa'yo bago ka tumigil sa pagka-car race?" sabad ni Blake.

"Tse! Isa ka pa!" Sa inis niya ay nag-walk out siya at naglakad papunta sa tindahan ni Olay.

_--_______

Tapos na Chapter 4. . .

Pag may COMMENT . .Comment lang tapos pakipindot na rin nung VOTE button. . .ahhahaha

SEE YAH! next Chapter is Coming!

xXxMICHIExXx

Hate that I love youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon