Chapter 6 - Hide and seek

1 0 0
                                    

Chapter 6

Bumangon si Athena mula sa kama. Awtomatikong nasapo niya ang kanyang ulo nang maramdaman ang matinding sakit na nagmumula roon. Pakiramdam niya ay mas masahol pa sa pinukpok ng martilyo ang ulo niya. Sumulyap siya sa alarm clock sa bedside table. Alas-nwebe na ng gabi. Pumikit siya para kahit paano ay makondisyon ang kanyang isip. Saka niya naalala na nilunod niya ang kanyang sarili sa alak kahit hindi siya sanay uminom. Masama kasi ang loob niya sa pinsan niya at sa masungit na kulugong si Blake West.

Paano ako nakauwi rito?

Nagulat pa siya nang biglang bumukas ang pinto ng silid niya at pumasok doon si Chacha.

"Gising ka na pala. Kamusta ang pakiramdam mo?"

"Hell," sagot niya at saka muling ibinagsak ang katawan sa kama.

"Nagtaka ka pa. Ang lakas mong uminom. Para namang pinanganak kang tumador."

"Please, Chacha. . . I don't need your lecture," pakiusap niya. "Sino ang nag-uwi sa akin dito?"

"Iyong pinsan mo," pabulong na sagot nito.

"Eh, bakit bumubulong ka riyan? Mahal mo parin siya 'noh?" may bahid ng panunudyong sabi niya.

"Tumahimik ka nga riyan. Huwag mong ipasa sa akin ang issue. Ano ba'ng feeling na mahalikan siya?"

Kumunot ang noo niya. "Ano?" inosenteng tanong niya.

Tumawa lang ito.

"Hoy! Ano bang hinalikan ang sinasabi mo riyan?"

"You mean, wala kang natatandaan?" natatawa pa ring tanong nito.

"Malamang. Itatanong ko ba sayo kung meron?"

"Hay, naku, girl! Baka magtago ka sa ilalim ng kama mo kapag sinabi ko."

"Ano nga 'yon?" pangungulit niya.

Napapangiting tinitigan lamang siya nito.

"Babatuhin kita nang unan ,eh. Sabihin mo na nga!"

"You kissed Blake in front of everybody."

Napabalikwas siya ng bangon sa sinabi nito. "No way!"

"Yes way."

"Oh my God!" Napuno ang kwarto ng malakas na sigaw niya. Pakiramdam niya ay mas mapula pa kaysa sa mansanas ang mga pisngi niya. Ibinaon niya ang mukha sa unan,saka siya tumili nang tumili. Pilit na inalala niya ang mga ginawa niya. Nakailang bote siya ng beer at nasa gitna siya ng pag-eemote nang biglang dumating sina Fritz at Blake. Gusto niyang iuntog sa pader ang kanyang ulo. Napagkamalan niya na si Nheech ang kasama ng pinsan niya. At dahil nakainom siya, daig pa niya ang sinapian ng kung anong anito kaya hinalikan niya si Blake. "Oh, no! What have I done?"

"Ewan ko sa'yo. Siguradong bukas ay uulanin ka ng tukso ng Tanangco Boys."

Saglit na nag-isip siya. "Alam ko na!"

"Ano naman ang naisip mo?"

Hindi siya sumagot. Sa halip ay tumayo siya at lumapit sa cabinet. Kinuha niya roon ang traveling bag niya at saka nagsilid doon ng ilang pirasong damit.

"Hoy, teka! Ano'ng ginagawa mong babae ka? Saan ka pupunta?"

"Sa Pluto. Magtatago!" sagot niya. Nang kumpleto na ang mga kailangan niya ay mas mabilis pa sa alas-kuwatrong lumabas siya ng kwarto.

"Athena, sandali nga!" pigil sa kanya ni Chacha.

"Ikaw na muna ang bahala sa flower shop. Pakisara na rin tong bahay pag-uwi mo. Thanks bestfriend! Tatawagan na lang kita bukas. 'Bye!" Pagkasabi niyon ay dali-daling lumabas na siya ng bahay.

*******

Pinuno ni Athena ng hangin ang kanyang mga baga. Niyakap niya ang sarili para kahit paano ay maibsan ang nararamdaman niyang lamig. Naroon siya sa flower farm niya sa Tagaytay na minana pa niya sa nasirang ina. Doon siya pumunta noong isang araw pagkatapos nilang magusap ni Chacha.

"Good morning, maam!" bati sa kanya ni Nanay Ising. Ito ang caretaker ng farm at ng resthouse na tinutuluyan niya.

"'Nay Ising, good morning din ho."

"Nakakaktulog ka ba ng maayos?"

"Opo naman. Alam nyo naman na sanay akong matulog dito. Kung pwede nga ay dito na lang ako tumira. Mas tahimik dito."

"Ang kaso ay ayaw pumayag ni Don Manuel. Lagi siyang nagaalala para sa'yo. Ikaw naman kasi,pulos ka kalokohang bata ka."

Natawa siya sa sinabi nito. Matagal na nilang katiwala ito sa farm nila. Ang sabi nasira niyang ina, dalaga pa lamang ito ay si Nanay Ising na ang nangangalaga sa lugar na iyon.

"Siguro ay may ginawa ka namang kalokohan ano? Aba'y dis-oras na ng gabi nang dumating ka rito noong isang araw ah."

"Si Nanay Ising naman. . .wala po. Talaga lang naisip kong pumunta rito."

"Teka nga, maiba ako. Gusto mo bang ikaw ang mamitas ng mga bulaklak para sa kuwarto mo?"

"Sige ho," pagpapayag niya.

Kakaibang kasiyahan ang nadarama niya kapag namimitas siya ng mga bulaklak. Kapag ginagawa niya iyon ay parang kasa-kasama pa rin niya ang namayapang ina. When her mother was still alive, she loved flowers. Her mother was Half-Filipina and half-Irish. Dito niya namana ang berdeng mga mata niya. Ayon sa mga kwento nito, nakilala nito ang ama niya noong pumunta sa Ireland ang kanyang ama para idepensa ang titulo nito. Her father was a world champion car racer. Nang magpakasal ang dalawa ay sa Pilipinas nagpasyang manirahan ang mga ito.

Sayang lamang at maagang kinuha ng Diyos ang mga magulang niya. Kapwa nasawi ang mga ito sa isang plane crash nang papunta ang mga ito sa Ireland. Mula noon ay pinagsumikapan niya na lalong mapalago ang mga naiwang negosyo sa kanya. Nalungkot siya. She missed her parents so much. Sa edad na sampu ay ulila na siya. It had been fifteen years since that tradegy happened. Pero nalulungkot pa rin siya tuwing naalala niya iyon. Ibinubuhos niya ang lahat ng frustrations niya sa buhay sa pamamagitan ng pagsali sa drag racing.

"No. Hindi ako dapat umiyak. Right, Dad." Tumingin siya sa langit na parang naroon ang kanyang ama at nakatanaw sa kanya. "I'm a fighter. At walang fighter na umiiyak." Huminga siya nang malamim at saka niya ipinagpatuloy ang pamimitas ng mga bulaklak.

_______

sori. .ngayon lang ulit ako nakapagsulat. .hehehehe busy po kasi sa skul eh. .

tomorrow na lang po ulit yung Chapter seven. .tinatamad na naman ako magsulat at magisip ng ilalagay eh. .

By the way 14 pa lang po ako.. .

xXxMICHIExXx

Hate that I love youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon