Chapter 3 - Drag Racing

12 0 0
                                    

Chapter 3

Pinakatitigan ni Athena ang driver ng itim na sports car na si Gilbert Landicho. Base sa hitsura nito, kulang na lang ay lamunin siya ng buung-buo. Pero hindi kailanman siya magpapasindak dito kahit babae siya. Ngumisi pa siya at saka kumaway kaya lalong nagsalubong ang mga kilay nito. Mortal enemyniya si Gilbert pagdating sa Drag racing., her favorite pastime. Alam niyang illegal ang aktibidad na iyon pero iyon ang challenge para sa kanya. Ilang beses na siyang hinabol ng mga pulis pero nalusutan niya ang lahat ng iyon.

She was one hell of a driver. She could join professional car racing if she wanted. Pero mas gusto niya iyong may challenge gaya ng palihim niyang pagsali sa drag racing. Iilan lamang ang nakakaalam niyon -- si Fritz at ilang malalapit na kaibigan niya; kasama na si Olay.

"Relax, dude. . .Ikaw rin. Baka mapahiya ka na naman," pang-aasar pa niya kay Gilbert.

"I'll get it this time," mayabang na sabi nito.

Nagkibit-balikat siya. "We'll see." Ibinalik niya ang tingin sa lalaking nakatayosa harap ng sinasakyan nilang mga kotse---- si Rupert. Itinaas nito ang hawak nito na puting malaking tela. She fixed her eyes on the road. Kahit malalim ang gabi ay nakikita pa rin niya ang daan dahil sa mga ilaw ng poste sa kahabaan ng Macapagal Highway.

Bilang paghahanda ay tinapakan niya nang mariin ang gas at saka siya nag-concentrate. Nang ibinaba ni Rupert ang puting tela ay agad na pinasibad niya ang kanyang red sports car. Halos lumipad ang sinasakyan niya sa bilis ng pagpapatakbo. Napangiti siya nang makita niyang nahuhuli na ang kalaban niya. Naamoy na naman niya ang panalo. Makailang beses na sinubukan ni Gilbert na maabutan siya pero sadyang mabilis siyang magmaneho. Pagdating niya sa finish line ay pinalakpakan siya ng mga pumusta sa kanya.

"I knew it!"masayang wika ng iba.

"Wala ka talagang kakupas-kupas, Athena!" sigaw pa ng iba.

Bumaba siya ng kotse at saka siya nakipag-high five sa mga nanalo sa pustahan. Hindi nagtagal ay lumapit sa kanila ang galit na galit na si Gilbert. Halos masira ang pinto ng kotse nito sa lakas ng pagkakasara nito.

"Dinaya mo ako!" malakas na sabi nito.

She rolled her eyes. Hay heto na naman kami. Nandaya raw ako. "Really?" tanong niyang may halong sarkasmo. "Ask them kung nandaya ako."

"Makakabawi rin ako sa'yo," nagbabantang sabi nito.

Nagkamot siya ng ulo. "ALam mo ikaw, pulos ka banta. Lagi namang walang nangyayari. Gawin mo na lang." Pagkasabi niyon tinalikuran niya ito. Iniabot na sa kanya ni Rupert ang perang napanalunan niya. "Congrats!" sabi pa nito.

"Thanks." Napangiti siya habang nakatingin sa isang bundle ng tig-iisang libong piso. Nang mga sumunod na sandali ay namigay na siya ng balato.

___________

Hanggang dun nalang muna. .hehehe :* magiisip pa ako eh. . Basta VOTE and COMMENT muna. .bilib kayo kay ATHENA nuh. .

DRAG RACER.                                                                                                     xXxMICHIExXx 

Hate that I love youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon