Kabanata 10
Nalukot nang husto ang noo ni Clary. Ang isip ay tila binalot ng napakaraming katanungan. "P-Paano? Bakit? Ano ang . . . dahilan?"
Umiwas siya ng tingin saka nagpakawala ng marahas na buntong hininga. "Kumain ka na. I have other things to take care of."
"But you said--"
Tumayo na siya't naglabas ng sigarilyo mula sa kanyang kaha. "I said eat, Clary. Saka na tayo ulit mag-usap."
Marahas itong bumuga ng hangin. "Hindi ako maniniwala hangga't hindi mo kinikwento sa akin lahat."
Itiniklop nito ang mga braso sa tapat ng dibdib. Thank God she's already wearing her bra. He would've ate her for breakfast instead if he saw her nipples poke the fabric of his shirt that she's wearing.
Teka, bakit ba tee shirt pa rin niya ang suot nito? Nagpabili na siya ng mga damit nito, hindi ba?
"Why are you still wearing my clothes, hmm?" he asked after lighting up his cigarette.
Tinakpan nito ang ilong na tila ayaw maamoy ang usok ng sigarilyo. He scoffed. Ironic. They used to share cigarettes after sex and now she doesn't want the smell of cancer sticks?
Sumimangot ito. "Kasi lahat ng damit doon sa kwarto na pambabae ay puro sexy."
He sighed. "Those were your usual clothes, Clary. Tempting shorts and inviting tops." He licked his lower lip when he remembered how she slayed on those types of clothes back then. Damn, just a single thought of her in such outfit is already giving him a hard on.
Tang ina, bakit kasi ngayon pa siya may kailangang asikasuhin . . .
Lalong tumikwas ang mga labi nitong madalas niyang panggigilan noon. Damn, he misses claiming those luscious lips every chance possible. Sa rami naman kasi ng pekeng pagkataong pwedeng ibigay rito, bakit madre pa? Hirap na hirap tuloy siya ngayon!
"Ayaw ko 'yon. Bilihan mo ako ng mahahaba nang hindi ko pinapakialamanan ang mga damit mo."
He rolled his eyes. "Fine," he said under his breath before he started walking but Clary stood up and followed him.
"Teka lang, Decka. Sabihin mo na kasi kung anong nalalaman mo. Sa akin at kay . . ."
She pursed her lips when one of his men walked near them. Maya-maya ay pilit itong tumingkayad at humawak sa kanyang balikat. Damn, her boobies pressed against his arm. Nabubuhay tuloy ang alaga niya!
"Kay Giovanni," she whispered then looked around as if she's making sure no one was listening to them.
Malamig niya itong tinitigan. "Behave. Saka tayo mag-usap. May gagawin pa ko."
Ngumuso itong muli kaya bago pa niya ito masunggaban ay tinalikuran na niya ngunit talagang makulit ito.
Hinatak ni Clary ang braso niya nang maabutan siya saka ito mabilis na pumunta sa kanyang harapan at inangat ang mga braso na tila pinipigilan siyang muling maglakad. Mukha tuloy silang nagpapatintero!
Her brows lifted. "Just tell me everything now!"
Decka can't help but let out an irritated sigh while he's rolling his eyes upward. Napakamot siya sa kanyang patilya dahil sa kakulitang nakikita kay Clary. Baka kung makukuhanan niya ito ng video at ipakikita niya iyon sa dalaga oras na magbalik ang mga alaala nito ay mabwisit ito sa sarili.
"Hindi pa pwede. Doctor's order. Hayaan ka raw makaalala nang kusa nang hindi ka maputukan ng ugat sa ulo." He held on her head and pushed her to the side. "I have better things to do, Clary."
Napaawang ang bibig ni Clary sa ginawa niya ngunit nang akmang lalakad na naman siya ay dali-dali itong humarang ulit sa daraanan niya. Muli tuloy bumuntonghininga si Decka, hindi maiwasang mapatanong kung bakit ang kulit nito.
This isn't the Clary he used to know. In fact, sa kanilang dalawa, si Clary ang unang naiirita sa makukulit kaya nagtataka tuloy siya ngayon kung bakit ganito umakto ang dalaga.
His brows furrowed as he clenched his jaw. "I wonder if losing memory makes a person change her personality. Ang kulit mo na," naiirita niyang sabi saka inis na ginulo ang sariling buhok.
Ngumuso ang dalaga, ang mga mata ay nagtaray sa kanya. "Magsalita ka na lang kasi. Hindi rin naman kita titigilan kaya sige na nang matahimik na ang mundo nating pareho."
Tinaasan niya ito ng isang kilay. "Hindi pa nga pwede. The doctor I've talked to regarding your condition said it would be dangerous to force your brain to remember. Pwede kang mapahamak kung pipilitin."
Kung pwede lang ba kasi ay bakit hindi? Oh, she has no idea how bad he wants the old Clary back already. He's dying to play with her in bed like good old days but the doctor already warned him.
Nang himatayin ito matapos magpaputok ng baril ay nataranta siya at halos hindi alam ang gagawin. Amnesia ang diagnosis nito kay Clary. Pagkatapos mabigay ang mga kailangan niyang impormasyon ay tinapon niya na ang doktor sa tubig nang walang masabihan. Kung buhay pa ba ito o nakain na ng pating ay wala siyang pakialam.
"Kung ganoon paano kung habambuhay na akong ganito?" Gumuhit ang lungkot sa mga mata ni Clary habang nakatitig sa kanya. "Paano kung habambuhay ko nang hahanapin ang kulang sa pagkatao ko?"
Parang piniga ang kanyang puso. Ito lang talaga ang nag-iisang taong kayang magparamdam sa kanyang isa pa rin siyang taong nakadarama ng iba pang emosyon maliban sa galit. She has that much power over him. Tipong sa kabila ng lahat ng nagawa nito sa kanya noon, hindi niya pa rin maiwasang itapon ang galit kapag nasa malapit na ito. Palagi pa rin siyang lumalambot para sa dalaga.
Muling marahas na nagtaas-baba ang kanyang mga balikat. Tiningala niya ang asul na langit habang tahimik na dinadama ang haplos ng maalat na hangin sa kanyang mukha.
"If you will stay like that forever, maybe that would be better," he said in a low voice.
Lalong gumuhit ang lungkot sa mga mata ni Clary. He hates that. He hates seeing her sad. Kaso hindi rin naman niya magawang umiwas ng tingin.
"Nasasabi mo lang 'yan kasi ikaw, kumpleto ang memorya mo. Kilala mo ang sarili mo. Madali mong mababalikan ang mga alaala mo hindi tulad ko na parang walang direksyon. Hindi alam kung sino at anong klase talagang tao."
Decka swallowed the lump in his throat. "I said that because I think that's what's best for you. The bad things in the past will not hurt you anymore if you won't have access to your memories," ani Decka, ang mga mata ay sumara at tuluyang nilunok ang nadamang awa bago iniwan si Clary upang magtungo sa kanyang opisina sa lower deck.
Sana nga ganoon na lang. Maybe this way, his Clary will no longer wake up at night shivering in fear because the memories of her first kill haunts her in her sleep.
Binilisan niya ang lakad saka ito nilingon ngunit nakayuko na ito habang mariing nakasara ang mga labi.
His heart ached for her. Umiwas siya ng tingin at pinuno ng hangin ang nanikip na dibdib.
'This is better, meine liebe. This is better for you . . .'
*Read the full story in my VIP group. See next page.
BINABASA MO ANG
VIGILANTE HEARTS 1: TOUCH OF HEAVEN (Complete Ver. Is Exclusive In The VIP)
RomanceSister Clarianara realized that there was something wrong about her after a notorious syndicate ambushed their convent to kidnap just one person. Her. Trapped in the hands of one of the deadliest members of Cinco Mortales, will Clary find the answer...